Kabanata 21 "I asked you, who are you?" pauulit niya sa kanyang tanong. Umuwang lamang ang aking labi at hindi alam kung ano ang isasagot sa kanya. Akmang magtatanong siyang muli ng hinawakan ng isang pamilyar na babae ang kanyang braso kaya napalingon ang bata doon. Nagtama ang paningin namin ng babae, ang babaeng pinakasalan ni Rihav, si Dyessie... "Fayre, nandito ka pala? Kaya pala..." huminto siya sa pagsasalita at napatingin sa dalawang umiinom ng gatas sa mahabang mesa, "Anak mo?" tanong niya. "O-Oo," iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. Sabay silang lumapit ng kanyang anak sa amin, nakahalukipkip ang bata na nangangalang Dion dahil nakilala ko na ito noong iniwan ako ni Rihav sa club Highden. Umupo siya sa harap ng dalawa at mariin na tinignan si Hera, habang ang anak ko nam

