Unang Kabanata

1032 Words
Aliya "Bilisan niyo ang kilos! Malapit na si Sir Sebastian makauwi. Yung mga baguhan, bilis!" Lahat kami ay nag p-panic sa paglilinis ng mansyon. Nalinis naman namin ngunit kinakailangan daw na sobrang linis dahil ubod ng sungit itong amo namin. May allergy ba siya sa alikabok!? Sobrang kintab na nga ng sahig e! Baguhan lang ako rito sa mansyon, galing akong probinsiya at dinala ako rito ni Manang Danya pagkatapos kong makapagtapos ng kolehiyo. Mahirap ang buhay sa probinsiya kaya naman kinakailangan dito ako makahanap ng trabaho. "Hoy Aliya, tapos ka na ba diyan? Patulong naman oh!" Hindi ko alam bakit ganoon sila ka aligaga, ganoon ba talaga kasungit itong amo namin na halos pagpawisan sila? "Teka lang, papunta na ako diyan." Lahat na ng mga kasambahay dito ay natulungan ko na at lahat sila ay mga nakahinga na ng maluwag dahil natapos na rin naming malinis lahat ng kailangang linisin. Maya-maya naman ay may narinig kaming bumubusina at dali-daling nagsisitakbuhan papunta sa main door ang mga kasamahan ko. Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari ay agad lang akong sumunod sa kanila. Narinig kong nakahinto na ang sasakyan at dahan-dahang bumukas ang malaking pinto at iniluwa rito ang isang matangkad, gwapo at mukhang masungit na lalaki. Lahat sila ay nakayuko at ako lang ang bukod-tanging nakatitig sa kanyang mukha. Napansin ako ni Manang Danya kaya agad niya akong siniko na siya namang dahilan ng aking pagyuko. "Welcome Master Sebastian." Lahat sila ay nagsalita pero nanatiling naka tikom ang aking bibig. Agad niyang inimbestigahan ang paligid at chineck bawat mga gamit. Totoo nga! Masyado siyang perfectionist! Anong klaseng lalaki ba ‘to!? Dahan-dahang naglalakad palayo si Sir Sebastian hanggang tuluyan na siyang mawala sa aming paningin ay nakahinga na naman ng maluwag ang lahat. "Oh, tara na at pagsilbihan ang amo. Kailangan niya ng pagkain na makakain!" Agad na nagsisunuran ang mga kasambahay matapos magsalita ni Manang Danya. Siya kasi ang Head Maid dito sa mansyon. Naglalakad ako papunta sa library para sana iligpit ang ilang mga libro doon at i organize. Nang makarating ako sa library ay agaran kong binuksan ang pinto at bumulwak sa akin ang mukha ng amo namin na siyang kinagulat ko! "Uhm, M-master, pupunta po sana ako rito para ituloy yung trabaho ko. Pasensiya na po kung makalat pa." Napapikit nalang tuloy ako at ramdam na ramdam ko pa rin ang taimtim niyang titig sa akin. "Hindi ba't kinabilinbilinan ko sa inyo na kailangan maayos at organize ang mga libro? Para kung may hahanapin ako hindi ako mahihirapan." Napa krus siya sa kanyang mga braso habang nakatingin sa akin. Ano ba tong ginawa mo Aliya! "Aayusin ko na po, patawad po!" sambit ko lang at konting angat ng aking ulo para tignan siya pero lalong nagiging masama ang mga tingin niya kaya napapikit na lamang ako. Bakit ba napaka sungit niya!? "This is your first warning. Sa oras na gumawa ka pa ng kamalian, tatanggalin kita sa trabaho." Lumakas ang kabog ng dibdib ko doon matapos niyang sabihin iyon at saka umalis. Napakagat labi na lamang ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa kanya. Kung mawawalan ako ng trabaho ay ano na lamang ang maihaharap ko sa aking mga magulang!? Agad na lamang akong pumasok sa library at ipinagpatuloy ang hindi kong natapos na gawain. Umabot din ng ilang oras bago matapos ang lahat at wala pa akong kain. Nagugutom na ako kanina pa pero hindi pwedeng umalis hangga't hindi ko naayos ito kundi mayayari na naman ako sa masungit kong amo! Umalis na ako sa library para sana pumunta sa kusina at manghingi ng makakain pero nakita ako ni Manang Danya. "Saan ka ba pumunta at kanina pa kita hinahanap." "Manang, gutom na po ako. Pwede po ba ako kumain saglit? Nasa library po ako kanina e pinagalitan pa nga po ako ng amo dahil nakakalat pa rin po ang mga libro. Naiwan ko kasi nang tawagin mo kaming lahat. Muntik pa akong patalsikin nung masungit na iyon!" Agad na tinakpan ni Manang Danya ang aking bibig at tumingin sa paligid. "Hoy! Ano ka ba! Magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo. Baka kapag marinig ka nun patatalsikin ka talaga!" Napanguso na lamang ako sa sinabi niya. "Tawag ka ng amo, hindi ba't sabi ko sa iyo sa probinsiya na bibigyan kita ng ibang trabaho sa oras na naandito na si Sir Sebastian?" Tumango ako sa kanya matapos niyang magsalita. "Sumama ka muna sa akin at matapos nito ay pwede ka ng kumain. Bibigyan kita ng makakain mamaya." Wala akong magawa kundi ang sundan si Manang Danya kahit pa ay kumukulo na ang aking tiyan sa gutom. Huminto kami sa isang pinto at mukhang office pa ata to ni Sir Sebastian. Ibig sabihin ba nito ay makikita ko na naman siya!? Jusko naman Lord, gutom na nga ang tao oh ihaharap mo pa sa akin ang masungit na mukha ni Sir Sebastian! Wala na ba akong karapatan kumain ng matiwasay? "Saglit lang, mukhang may kausap pa si sir sa telepono." Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang hawak-hawak ang aking tiyan. Nang marinig naming parang tapos na siyang makipag-usap ay kumatok na sa pinto si Manang Danya. Binigyan niya kami ng permiso na pumasok sa sumunod naman ako. Mariin na tumitig sa amin si Sir Sebastian at higit lalo sa akin! Magkaaway ba kami sa past life namin? Grabe kasi siya kung makatingin e. "Siya ba ang personal kong maid, Manang Danya?" Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang marinig iyon. Napatingin ako kay Manang Danya para sana i confirm kung ano man ang kanyang sinasabi pero hindi nakaharap sa akin si Manang! "Opo, sir. Huwag kang mag-aalala, masipag at matalino ang batang ito. Higit sa lahat, maaasahan din siya." Napatingin na lamang ako kay sir Sebastian na siya namang nakatingin din sa akin. Ramdam ko ang mga tingin na iyon! Pakiramdam ko ay para niya akong kakaining buhay! Lalo na at may nagawa akong kapalpakan sa unang pagdating niya. "Ahm s-sir, sisiguraduhin kong magagawa lahat ng ipaguutos niyo!" Matapos kong sabihin iyon ay siya namang lakas ng pagtunog ng aking tiyan na siyang dahilan ng pagpikit ko sa kahihiyan. Ano ba to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD