Chapter 5: Not Happy

1748 Words
"Good evening mga CAM-tropa, DJ Eli here! Wonderful Monday evening to everyone I hope all is well. Kamusta naman kayo? Sana masarap ang kinakain niyo lagi." Panimula ni Jao sa segment niya. Dumeretso siya sa Radio show niya pagkagaling sa meeting. "First of all, I want to encourage everyone to grab their copies of Nicka's new book, Conquer. Actually galing ako doon kanina sa book signing niya. Sa mga nangi-issue pala sa amin, matagal ko nang idol si Nicka and I've read all her stories. So leave the writer alone, huwag na po natin siyang i-stress ano po? Wala po kaming relasyon.", sabi ni Jao nang patawa. "Ayan mga CAM-tropa, dating gawi tayo. Our lines are now open para sa mga istorya ninyo. While waiting, let's hear a song from MYMP. Magbabalik po, again DJ Eli here, C.A.M Radio. San ka pa? Dito ka na, CAM-tropa!" Nag-play ang kanta ng MYMP na Especially for You. Dalawang kanta ang lumipas at bumalik sa ere si Jao at may naka-ready na na caller. "Hello DJ Eli!", bati ng caller. Mukhang masiyahin ang caller at malakas ang boses. Tawa rin ng tawa ang caller. "'Yung pangalan ko pala hindi ko na sasabihin 'yung totoo DJ Eli pero, ako si Ann." "Oh Ann, taga saan?" "Quezon City po." "Okay Ann ng Quezon City, ano ba ang kwento mo?" "So ganito kasi yun DJ. Bullied girl ako noong Highschool ako, pinangako ko sa sarili ko na magiging successful ako tapos ipapamukha ko sakanila na nagkamali sila sa mga tingin nila sa akin.", sabi ng caller pero parang natatawa. "Okay ka lang ba Ann? Hindi ko alam kung malungkot ka sa kwento mo o masaya kang na-bully ka eh." "Ay sorry DJ, malungkot po ako, medyo nakainom lang pero huwag po kayong mag-alala. Sober ako." "Oh, okay. Sige ituloy mo. Naging successful ka ba?" "Oo DJ! Maraming nagco-compliment sa akin na magaling ako at inggit sila sa akin. Nakilala ko 'yung mga nang-bully sa akin kanina. Akala ko masaya ako, pero hindi." "Bakit? Anong nangyari?" "Well, imbes na sabihin niya sa aking mali siya. Nag sorry siya sa mga ginawa niya sa akin.", sabi ng caller. Naguguluhan si Jao sa problema ng caller. "Okay, so nalulungkot ka kasi na-realize niya na mali siya noong highschool?" "Hindi naman sa ganon. I mean hindi 'yun 'yung inaasahan kong pagkikita namin. Ang inaasahan ko, mala-teleserye na ipapamukha ko sakanya yung mga narating ko sa buhay.", sabi ng caller. "So ibig sabihin ba ang motivation mo sa success mo eh para ipamukha sa mga nanakit sayo na mali sila at hindi para sa sarili mong kasiyahan?" Hindi nakasagot ang caller. " Ann?" Nagsimulang humikbi ang caller. "Hindi ko na kasi alam siguro kung anong makapagpapasaya sa akin.",sabi ng caller. "Hindi ko man alam kung anong pinagdadaanan mo ngayon Ann, pero unang step is forgiveness. Humingi siya ng tawad, nasayo ang bola, papatawarin mo ba siya?" Huminga ng malalim ang caller. "Thank you DJ for listening.", sabi ng caller na mukhang gusto nang tapusin ang tawag. "Ann, the world may hurt you but all wounds can be healed if we treat them." Ibinaba ni Ann ang tawag. "Ayan po mga kaibigan, si Ms. Ann ng Quezon City. The world may hurt us but all wounds can be healed once we treat it with medicine. Mga kaibigan, bullying is never a justifiable action. Many times, we think that a joke is harmless but we didn't realize that it already stabbed the person with that joke. Lagi po tayong maging sensitive sa mga action natin ano po? For Ann, there are people who would be more than willing to help you go through that.", sabi ni Jao. Matapos ang isang caller, nagpatugtog muli si Jao. Natapos muli ang segment niya. Umuwi siya sa bahay nila imbes na sa condo niya. Bumili siya ng mami mula sa malapit na mamihan at umuwi. "Oh? Bakit nandito ka?", tanong ng papa niya. "Bakit? Bahay ko din naman to ah?" "Oo pero, hindi ka naman lagi dito? Anong meron? Huwag mong sabihing may tinatakasan kang babae?" "Itinigil ko na 'yon Pa matagal na." "Siyempre, magagalit sayo si Lord.", pagbibiro ng Papa niya. "Pero bakit ka nga umuwi dito?" "Naalala niyo si Annika? Yung kababata ko? Yung kabitbahay natin noon?" "Hindi ko maalala, baka nasa Dubai pa ako noon anak." "Siya 'yung umuupa diyan sa bahay sa kabila." "Ah talaga ba? Yung kapatid mo kasi ang kumakausap eh. Oh bakit?" "Siya ang rason kung bakit ako nandito." Sagot ni Jao habang nagpapalit ng damit pang-bahay. "Aba, girlfriend mo na ba?" "Hindi Papa, nakwento ko diba na siya lang yung kaibigan ko noong highschool?" Lumabas si Jao sa kwarto niya buhat ang take-out box na may lamang mami. "Dadalhin ko 'to sakanya." "Sige.", sagot lang ng Papa niya at hinayaan na si Jao. Lumabas ng bahay si Jao at kumatok sa bahay ni Annika. "Annika?", kumatok siya pero walang sagot. "Annika?" "Wait.", sabi ng isang boses pero mahina. Ilang sandali pa binuksan ni Annika ang pinto. Amoy beer siya at magulo ang buhok. Naka sweat pants siya at naka full blast ang aircon. "Pasok ka Jao.", naglakad si Annika papuntang sala. Naka patong sa coffee table ang limang beer na ubos na. Mukhang lasing na si Annika. "Okay ka lang?", tanong ni Jao. "Oo bakit." Umupo si Annika sa sahig at nilipat lipat ang channel sa TV. "Paano mo nalamang ako 'yung tumawag?", tanong ni Annika. "Sayo ko lang narinig 'yung quote na 'yon. 'Yun yung lagi mong sinasabi sa akin kapag sinasabi kong gusto kong mag plot ng revenge.",sabi ni Annika at tumawa. Lumapit si Jao at umupo sa sahig tabi ni Annika. "What happened?" Huminga ng malalim si Annika at kinwento kung anong nangyari doon sa book signing. "High School Cathy still bothered you after all these years?", tanong ni Jao. "Yes! I can't believe she is happy now. She doesn't deserve to be happy after what she did to me.",sabi ni Annika at iinom pa sana ng isang bote pero pinigilan siya ni Jao. "Annika, if you think Cathy lived happily after high school, I believe that it was not easy for her as well. After high school, she got pregnant by Jim, her highschool boyfriend. Pero tumakas ang gago. She gave birth to a baby girl-" "Huh? Eh lalaki yung nakita ko kaninang anak niya." "The baby girl died due to Pneumonia and that led to her being depressed." Humagulgol si Annika. "Alam mo ang sama mo. Paano ko siya kakainisan ngayon? What's even the point of you telling me that?! I have my own issues with her Jao. Are you saying na walang kwenta yung struggles ko kasi may pinagdaanan din siya?! Jao, I was hurt!" "Annika, listen. Hindi ko yon sinabi para iinvalidate lahat ng na-experience mo. She may be mean but I know that she is sincerely sorry. My point is, Cathy already apologized." "You know what, she didnt really apologized. Sabi niya, siguro naman nakalimutan ko na daw yon, I mean what the hell?! Buti siguro kung utang yon Jao, hindi! I was a mess because of her!", sigaw ni Annika. Huminga lang ng malalim si Jao. "But, you're the only one miserable now.",sabi ni Jao. Lalo pang umiyak si Annika. Ilang sandali pa tumahan si Annika. "Alam mo bwisit ka, kahit gaano kasakit at unempathetic ng mga sinasabi mo hindi ko magawang mainis sayo kasi ganyan ka na sa akin ever since. Bwisit ka.",sabi ni Annika at tumawa. Huminga siya ng malalim at nanahimik ang kwarto. "Alam mo ba Jao, kung bakit talaga kami umalis? Did you remember 4th year high school Christmas party?" "'Yung hindi ka nag-attend?" Ngumiti si Annika. "I was there, but Cathy and her friends made fun of me. They have a video of me in her digi cam while I was reporting. 'Yun yung worst stutter attack ko. Ikakalat daw nila 'yon sa school kung hindi kita lalayuan." "Huh? Lalayuan?" "Naalala mo nung 4th year yung awkward puberty stage mo na unti-unti kang pumogi?", tanong ni Annika, umiling si Jao. "Crush ka ni Cathy noon, 'yun din 'yung time na nadiscover kang magaling kang magsalita. At yun din yung time na hindi na tayo nakapag-hang out." "Yeah, she wanted me to unfriend you. But of course hindi ako pumayag and siyempre lalo pa niya akong binully noong hindi ako pumayag." "Bakit hindi ko alam 'to?" "Paano mo malalaman eh lagi kang busy after school and suddenly you're the popular Jao? Siyempre nawala ako sa picture. Akala ko ayaw mo na akong friend and may friend ka nang iba."  "Ikaw kaya yung ayaw sumabay umuwi noon." "Kasi may iba kang kasama!" "Eh magkakapitbahay naman tayo ah." Hindi sumagot si Annika. "So, ano? Ituloy mo, ano 'yung totoong rason kung bakit ka umalis?" "Nevermind. Some other time." "Annika?" "Jao, please huwag mo na akong pilitin. Knowing that you never really cared about before only gives me more reason not to open it up to you. Its a very complicated time for me back then.",sabi ni Annika at napaluha uli. Nabalot ulit ng katahimikan ang kwarto at tanging singhot ni Annika ang naririnig at ingay na galing sa aircon. "Alam mo ba kung bakit ako naging radio DJ?" "Bakit?" "Kasi may gusto akong hanapin." "Huh?" "Gusto kong hanapin yung kaibigan ko na sinabing mag bestfriends kami pero ni hindi man lang sinabi kung bakit sila umalis o kung saan siya nagpunta." Tumingin si Jao kay Annika. "I wanted to find you." "Through the radio?",confused na tanong ni Annika. "Wala kang social media, kahit anong gawin kong paghahanap sa'yo sa internet hindi kita makita. I was given an offer to be a radio DJ and they said na may segment doon na magaaccept ako ng caller, and I know that you're a sucker for those kinds of radio shows kaya tinanggap ko and I hoped and pray na one day tatawag ka." "Jao-" "I heard about you as a writer from my college friend na fan na fan ng works mo and she somehow stumbled upon your real name. One day she mentioned it and somehow I thought I found you. I started to read your stories and got to know you through it. Nung una tayong nagkita, hindi ko alam na magkikita na tayo noon. Ang alam ko lang, pag nagkita tayo someday, papagalitan kita. But when I saw you, Im just filled with questions." "Why are you telling me this now?" "Because I cared Annika. Despite me not talking, I was always listening. Despite me not crying, I felt for you. Despite me not ranting back, I understood your feelings. Marami akong hindi nagawa Annika as your friend pero gusto kong bumawi pero hindi na kita nakita." "I'm sorry, I never knew you felt that way." "I loved you as a bestfriend Annika, and that's the truth." Nabalot ulit ng katahimikan ang kwarto. Napaluha ulit si Annika at niyakap siya ni Jao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD