3rd Person Parehong naka confine sa ospital na pag-aari ng mga magulang ni Klyde sina Mariese at Grey pero magkaiba silang ng kwarto. Hindi naman malala ang tama ni Mariese dahil sa braso lang ito. Yung mga tama naman ni Grey although medyo delikado ay mabuti na lang at hindi natamaan ang mga internal organs niya kaya naging madali ang operasyon na isinagawa sakanya. Ngayon ay kasalukuyan silang nagpapahinga. “Sige na please. Gusto kong makita si Grey.” pagmamakaawa ni Mariese sakanyang nurse. “Hindi po pwede, kailangan niyo munang magpahinga.” Magsasalita pa sana si Mariese pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang Klyde Alphie Aragon. “Anong nangyayari dito?” tanong niya doon sa nurse. “E nag pupumilit po kasi siyang puntahan yung pasyente sa kabilang kwarto.” explain

