Ilang araw ang lumipas at naging okay naman ang relasyon namin. Sobrang sweet niya saakin at kulang na lang ay hindi na niya ako paglinisin ng unit niya. "Naniniwala na ako sa forever~" pang-aasar ni Jin. Inirapan ko lang siya. "Yiee. Ang bestfriend ko, may boyfriend na." nakangiti niyang sabi. "Dahil sayo yun," sabi ko. Kumunot ang noo niya. "Ang sabi ni Grey, ikaw daw ang nagturo kung nasaan ako." pagkukwento ko. Namilog ang mga mata niya. Ngumisi ako. "Huwag kang mag-aalala hindi ako galit." sabi ko. Huminga siya ng malalim. "Haay, buti naman." relieved niyang sabi. "Pero Jin, thank you ha?" "Ito naman. Wala yon! Alam mo namang shiniship ko kayo. Wahaha." Naputol ang pag-uusap namin nang biglang sumulpot si Grey. "Come on, let's eat." pag-aya niya. Tinignan ko si Jin na para

