Chapter 16

1956 Words
Bukas na ang prom. At nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nakatulala sa kisame. Tinignan ko yung paper bag sa tabi ko na may lamang dress na binili niya para saakin. Haay, Grey. Bakit ka ba ganyan? Minsan masungit, minsan mabait. Pambihira naman tong boss ko oh! Na realize ko matagal-tagal na rin akong nakatira dito kasama si Grey, sa tagal ng pananatili ko dito naging komportable na ko. Nasanay na rin ako sa paglilinis ng mga kalat ni Grey, sa paglalaba ng mga damit niya, at sa pagluluto ng almusal niya. Iniisip ko, hindi naman habang buhay magiging maid niya ako. Paano na kaya siya kapag umalis ako? Hindi ko pa naman siya nakitang nagluto, siguro hindi siya marunong. Magugutom siya panigurado. Sa paglalaba naman, sayang ang pera niya kung mag papa laundry pa siya. Sino na lang ang maglilinis ng kalat niya? Tsk. Ano ba Mariese, matanda na siya. Bakit ko ba siya iniintindi? Tsaka hindi pa naman ako aalis. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. * Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, I'm wearing the dress that Grey bought me. Pink at peach sleeveless dress na hanggang sa ibabaw ng tuhod, may suot din akong heels na kulay peach. (A/N: Tignan niyo na lang sa multimedia, I told ya hindi ako marunong mag explain sa mga dress.) Binun ko ang buhok ko pataas at nagsuot ng headband na may diamonds. Narinig ko ang pagkatok ni Grey. "Hoy Mariese! Male-late tayo!" Sigaw niya mula sa labas. Kaagad akong nagtungo sa harap ng pintuan at huminga ng malalim bago buksan iyon, bumungad saakin si Grey na naka tux na itim at white yung panloob niya. Messy hair ngayon ang peg niya. Mukhang nagulat siya nang makita ako, nang makabawi siya sa gulat ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Magpalit ka kaya ng iba? Gusto mo bumili tayo ulit?" Sabi niya. Ngali-ngali akong sipain siya habang suot ko ang heels ko. Umasim ang mukha ko. "Huwag na! Ma le-late na tayo!" I hissed at naglakad na ako paalis. Pambihira! Ibig sabihin napangitan siya saakin?! Pero parang ayos naman ang suot ko ha? Nawalan tuloy ako ng self confindence. Pakiramdam ko ang pangit ko. Lumabas na ako ng unit ni Grey. Napatingin ako sa unit ni Adam. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinindot ko ang door bell. Maya-maya pa biglang bumukas ang pinto. "Mariese." Gulat niyang sabi. Yumuko ako. Ano na ang sasabihin ko? Hindi ko nga alam kung bakit ko pinindot yung doorbell e. Ugh! Asar! Bakit ko ba kasi ginawa yun e?! "Ang ganda mo." Awtomatiko akong nag-angat ng tingin. Nginitian niya ako. "Bagay mo yang dress mo, lalo kang gumanda. Nakakalungkot nga lang hindi tayo parehas ng school kaya hindi kita maisasayaw." Nakangiti niyang sabi, pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa mukha ko. Magsasalita sana ako pero may biglang sumulpot sa likod ko. "Hoy Aquino, hindi mo kinagwapo yang pang bo-bola mo." Nakapamulsang sabi ni Grey. Ngumisi si Adam. "Hindi ko siya binobola," sagot niya. Umirap si Grey sa hangin. Tinignan ko si Adam. "Pasensiya na Adam at salamat na rin." Sabi ko, ngumiti lang siya kaya kinaladkad ko na si Grey paalis. "Ano ba! Magugusot yung damit ko!" Reklamo niya kaya kaagad ko siyang binitawan. Inayos niya ang sleeves niya na nagusot. "Pambihira yang manliligaw mo, ang cheesy masyado. Ew!" Nakangiwi niyang sabi. "Hindi ko siya manliligaw!" Inis kong sabi. "At hindi siya cheesy, mabait lang talaga siya." Sabi ko. "Huwag ka ng magsalita! Umalis na tayo at male-late na tayo." Sabi niya at naglakad na kaya sumunod na lang ako sakanya at hindi na nagsalita pa. * Nandito na kami ngayon sa GU naglakad kami sa red carpet, isinabit ko ang kamay ko sa braso ni Grey. Pinagtitinginan kami ng mga tao at sa hindi kalayuan nahagip ko si Molly na ang sama ng tingin saakin. Nag-iwas ako ng tingin. Nagpunta na kami sa table namin. Umupo na kami. Tinignan ko ang buong paligid, napaka engrande. Puro silver ang makikita mo sa paligid, ang yaman talaga ng GU. Nahagip ng paningin ko si Suzie, ka table niya si Shin kasama yung isang lalaking pumasok noon sa cafeteria. Bakit mag-isa lang si Suzie? Wala ba siyang date? "Gago kasi si GUN." Awtomatiko akong napatingin kay Grey, nakatingin siya saakin at sinulyapan si Suzie at ibinalik na niya ang tingin niya saakin. "Kawawa naman si Suzie," wala sa sariling sabi ko. Grey chuckled. "Don't worry, hindi naman siya matiis ni GUN e." Sabi niya. Ngumiti ako. Pag-ibig nga naman. Maya-maya dumating si Klyde na may kasamang magandang babae. Kulay red ang buhok ng babae. Red hair at purple hair? Wow. Ibang klase. Pero ngayon ko lang siya nakita dito, siguro outsider siya. "Yo Grey, sup?" Bati ni Klyde tumango lang si Grey. Hinila ni Klyde yung isang upuan at pinaupo yung date niya. Ang gentleman pala ni Klyde. Samantalang kanina mas nauna pang umupo si Grey kaysa sakin! "Wow Klyde, ang gentledog." Asar ni Grey. "Ulul!" Mura ni Klyde at umupo na. Tinignan niya ako. "Hi Mariese, you look beautiful." Nakangiti niyang puri saakin.  Namula naman ako. "Thank you," nahihiya kong sabi. Mabuti pa sila nagagandahan saakin.  "Mariese this is Rexenne," pakilala niya. "Rexenne this is Mariese."  Nginitian namin ang isa't-isa. "Hi Mariese," bati niya saakin.  "Hello Rexenne, nice meeting you." Nakangiti kong sabi. "Bagay kayo ni Klyde." Sabi ko. Totoo naman kasi. Ngumiwi siya at tinignan si Klyde. "Eww! Yuck!" Nakangiwi niyang sabi habang nakatingin kay Klyde. Akala ko girlfriend siya ni Klyde, knowing Klyde kapag kasama niya ang isang babae automatic girlfriend niya iyon.  "Ang arte mo! Sa gwapo kong to!" Inis na sabi ni Klyde at nagsimula na silang mag-away. "Tsk. Seriously?" Umiiling na sabi ni Grey habang nakatingin sa dalawa.  Maya-maya pa ay nag start na ang prom. At ilang sandali ang lumipas dumating na ang pinaka hihintay ng lahat, sayawan na.  Naiwan kami ni Grey dito habang sina Klyde at Rexenne naman ay umalis. Paiba-iba yung music, minsan pang party, minsan pang slow dance. Tulad ngayon, Love story ang music. Sinulyapan ko si Grey na pinapanuod ang mga nagsasayaw. Maya-maya bigla siyang tumawa. "Loko GUN, pakipot ka pa. Darating ka rin pala." Nakangisi niyang sabi. Tinignan ko naman yung tinitignan niya, si GUN na isinasayaw si Suzie. Ang swerte ni Suzie.  Tinignan ko ang mga kamay ko na nakapatong sa lap ko. Parang gusto ko na lang umuwi, nakakainip lang.  "Hi Grey, tara sayaw tayo." Napatingin ako doon sa nagsalita. And there I saw Molly, she look gorgeous. She's wearing a red sexy dress. "Mukha naman kasing ang boring ng ka date mo," sabi niya at tinignan ako. Okay, kumalma ka lang Mariese.  "No thanks," tanggi ni Grey. Nag-iba naman ang aura, umasim ang mukha niya. "Mas gusto ko pang umupo katabi ang boring na sinasabi mo kaysa sa makasayaw ka." Nakangising sabi ni Grey na siya namang ikinagulat ko. Halata ang pagkairita ni Molly all over her face. Pero bigla siyang ngumisi. "Babe, sakin din ang bagsak mo." Nakangisi niyang sabi at nag flying kiss kay Grey in a seductive way sabay lakad paalis.  Napa 'Tss' na lang si Grey at umiling.  "Ang rude mo," sabi ko. Tinignan niya lang ako at ibinalik na ang tingin sa mga sumasayaw.  Napabuntong hininga ako at tinignan ang phone ko. Nag text si mama!  Fr: Mama❤ Kamusta ang prom ng anak ko? Nag enjoy ka ba? Miss na kita Mariese. Nakakalungkot lang na hindi ako ang pumili ng dress na isusuot mo para sa prom, nakakalungkot din kasi hindi ko man lang makikita kung gaano ka kaganda. I miss you anak, I love you. Mag enjoy ka ha? :* Ingat ka parati.  Biglang uminit ang sulok ng mga mata ko. Miss na miss na rin kita mama, sana nandito ka.  Nagulat ako nang biglang hawakan ni Grey ang mga pisngi ko at pinaharap niya ako sakanya.  "Why are you crying?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.  "Hey, don't cry." Marahan niyang sabi. "Gusto mo bang isayaw kita? Huwag ka ng umiyak isasayaw na kita. Tara." Nag-aalala niyang sabi. "Grey naman e." Humihikbi kong sabi. "E bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Miss ko na si Mama. Nag text siya saakin," sabi ko at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.  Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko using his thumb. "Come with me," sabi niya at tumayo na siya. Inilahad niya ang kamay niya saakin at alanganin ko iyong tinanggap. Ano bang pinaplano niya? Nagtungo kami sa garden ng school.  Pinaupo niya ako doon sa bench na bato at kinuha yung phone niya sa bulsa niya. May pinindot siya at maya-maya iniabot niya saakin ang phone niya. Tinanggap ko iyon. Skype? Bakit nasa skype? "Enter your mom's username." Sabi niya at ganoon naman ang ginawa ko. Nang ma enter ko iyon ay ibinigay ko na sakanya. Tinawagan niya si mama, pinatong niya yung phone niya sa isang sanga ng mababang puno. Tumayo ako at tinignan yung phone, sinagot na ni mama yung tawag. Naka video call kami ngayon. Tanaw na tanaw kami ni mama mula ulo hanggang paa.  "Mama!" Masaya kong sabi at kumaway.  "Anak! Ang ganda mo!" Masaya niyang sabi.  "Thank you mama! Miss na miss na kita!" Sabi ko.  "I miss you too anak," sabi niya. "By the way sino yang gwapong yan? Boyfriend mo?" Nangaasar na sabi ni mama. Namula naman ako. "Mama! Hindi! Siya yung sinasabi ko sayong boss ko." Sabi ko.  "Hi po," nakangiting bati ni Grey.  "Hello hijo," bati ni mama. "Akala ko kung sino na ang tumatawag saakin sa skype. Hindi ko expect ito. Salamat ha? Kasi dahil sayo nakita ko ang anak ko sa araw ng prom niya. Thank you so much." Sabi ni mama.  Ngumiti si Grey. "No problem po." Sabi niya. "Gusto ko pong isayaw si Mariese," sabi niya na siya namang ikinagulat ko.  Abot tenga naman ang ngiti ni mama. "Sure, sure." Nakangiti niyang sabi.  Hinapit ako ni Grey sa bewang, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong niya sa magkabilang balikat niya. Hanggang dito naririnig namin ang kanta mula doon. So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans Holding me close 'til our eyes meet Nakatingin siya sa mga mata ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. You won't ever be alone, wait for me to come home Nagsasayaw lang kami ni Grey. Nasa bewang ko ang mga kamay niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, hiyang-hiya na ako sa mama ko. And if you hurt me, that's okay baby only words bleed "You look beautiful Mariese," sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.  "Talaga?"  He chuckled. "Talaga." Sagot niya. "Bagay sayo yang dress na pinili ko, kaya lang ang iksi kaya gusto kong palitan." Sabi niya. Ngumiti ako. "Akala ko napangitan ka sakin." Sabi ko. "Silly," natatawa niyang sabi. Inside these pages you just hold me And i won't ever let you go Wait for me to come home Sinulypan ko si mama sa phone ni Grey na nakangiti at mukhang kinikilig. When I'm away, I will remember how you kissed me "You look like your mom," sabi niya. Ngumiti ako. "I know," sagot ko. Under the lamppost back on sixth street "Masaya ako dahil ikaw ang kasama ko ngayon." Hindi ko alam ang isasagot ko, nagwawala ang mga insekto sa tiyan ko. Sobrang bilid ng t***k ng puso ko. How dare you Grey Jushean Garde, How dare you make my heart beat fast. Hearing you whisper through the phone Wait for me to come home
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD