Kumabog ng malaks and dibdib ko sa aking narinig. "Yvonne?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. "Five years ago, laman ung ng national news for a week. Yung babae na nawala, natagpuang patay at ni rape pa. Fiance yun ni Drix." Simula ni Dey. Kumakabog talaga ang dibdib ko sa excitement. "Si Hendrix na anak ni Atty Sorriano?" Paniniguro ni mommy. "Opo mommy. Siya nga po." Pagkumpirma ni Dey. "Yvonne Dela Cruz...." wala sa sarili na bangit ko ng pangalan na iyon. "KIlala mo?" Tanong ni mommy. "Pasyente ko po dito si Yvonne she was a month pregnant noon. I heard na magpapakasal na sila after that. Nagtaka ako bakit hindi natuloy... iyon pala yun." Bumuntong hininga ako. Sobrang bigat ng mga revelations na nalaman ko ngayong araw na ito.

