Matagal ng naka alis si James. Nakatitig pa rin ako sa pintong nilabasan nya. Gulong gulo ako ng nagising ng maramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko pati ang gitna ng mga hita ko. Takot ang una kong naramdaman ng maalala ang nagyari kagabi. Akala ko ay napahamak na ako ng tuluyan. Naka hinga lamang ako ng maluwag ng makita ko si James na nakatayo sa pintuan at maayos nang naka bihis.
Hindi matakpan ng sakit ng ulo ko ang samut saring emosyon na aking nararamdaman. Pagkalito sa mga nangyari sa nakalipas ng mga oras. Ang hirap basahin ni James. Ano kaya ang tinggin nya sa akin ngayon. A bitch... a w***e? Napatawa ako ng mapakla. Hindi ko nga naman siya masisisi at natagpuan nya ako sa ganoong sitwasyon after so many years.
Naalala ko ang pinag daanan ko kagabi. kakaiba ang tama nung gamot na naihalo sa aking inumin. Inisip ko kung kailan ako nasalisihan. Napaka sama naman ni Shantal at ng lalaking iyon. Halatang pinag planuhan na ng dalawa ang bagay na iyon. Ang mismo palang set op date na iyon ay naka set pa sa mas malalim na bagay. Napailing ako sa pagkaka alala sa babaeng yun. Ano kaya ang nagawa ko sa kanya para gawin niya sa akin iyon. Itinuri ko pa naman siyang kaibigan.
Tumayo ako upang magpunta sa banyo. Nagulat ako sa naramdaman kong gumuhit sakit sa gitna ng mga hita ko. Bumuntong hininga ako at pumikit para damhin ang damdamin na ipinapahiwatig nito sa akin. Totoo palalahat. Buong akala ko ay ay panaginip lamang na kasama ko si James buong magdamag. Napaka tagal na panahon na ang huli. Ngunit ng maalala ko kung paano ako nagmamaka awa sa kanya kagabi....
"Ahh... ano kaba naman Hailey Xania Dela Pena, nakakahiya ka talaga! Pero aminin mo Hailey... ang lakas pa rin ng epekto nya sa iyo!" Malakas kong sabi sa sarili.
Napangiti ako sa isang idea na biglang pumasok sa aking isip... sana mabuntis uli niya ako!
Masaya akong naghanda papasok sa trabaho. Hindi matanggal ang ngiti ko sa aking mga labi. Hindi ko mapigilang mapa isip kung tototohaninni James ang sabi nito na dadalaw muli. Part ng isip ko ang umaasa na mabuntis niya uli ako. Anak lang muli, mula sa kanya sapat na.
Ilang oras na ako sa ospital at naka ilang pasyente na ako, ngunit ang taong hinahanap ko ay hindi ko pa rin makita. Makakatikim sa akin ang babaeng iyon na muntik na akong ipahamak kagabi.
"A peny for your thought?" Bati sa akin ni Stephan. Isa siyang German at OB-gyn din sa ospital na pinag tatrabahuhan ko. Close kaming dalawa bilang magka ibigan lamang. Matagal na naming na settle yun. Dahil hindi naman ako attracted sa kanya, at natanggap na rin nya yun sa haba ng panahon na nagpaparamdam siya sa akin.We are better off as friends.
"I'm looking for Shantal.. she owe me big time!" Gigil kong sabi sa aking kaibigan.
"She's downstairs." Tukoy nya sa Emergency Room.
Isang nurse ang babeng iyon.
" What did she do?" Walang emosyon na tanong sa akin ni Stephan.
"She set me up on a date that I have no chance of refussing and helped to wink my drink!" Parang batang sumbong ko kay Stephan.
"Are you all right? " Naagaw ng sinabi ko ang full attention nito. Tumingin siya sa akin habang sinusuri ang kabuuan ko.
" Lucky for me I notice that there was something off, so I tried to run off, they followed me though when I bump in to my ex-boyfriend and his group!" Paliwanag ko.
" Is that the emotion from your eye's came from?" Makahulugan nyang sabi.
"Ohhh... that was my most akward moment!" naiinis kong sabi at iniwan siya ng tuluyan. Humanap na lamang ako ng pasyenteng nangangailangan sa akin.
Ngunit hindi nya ako tinigilan, hinabol pa rin ako ni Stephen.
"Hey.. wait up.. I came here for a patient. Will you assist me for a CS?"
Natuwa ako. Magiging busy ako pansamantala. Enough time para makalimutan ko ang mga bumabagabag sa aking isipan. I welcome distraction.
Mabilis lumipas ang mga araw na normal lang ngunit ang idea na mabuntis akong muli ay nagbibigay ng kasabikan sa akin. Ang trabaho sa ospital ay nakakapagod at stressful. Salamat na lamang at hindi na muling nag krus ang landas namin ni Shantal. Nagpalipat na daw ito ng department. Mabuti naman at hindi kosiya makikita.
Tulad ng naka gawian ko na matapos ang huli naming pagkikita ni James sa club ay hindi na ako gumawi roon sa takot na muli akong maisahan at tuluyan pa na mapahamak. Palabas ako ng ospital at maglakad na lamang papa uwi sa aking condo. Nagulat ako ng may tumawag sa king pangalan na nagpatigil sa akin. Takang taka akong luminga at hinanap kung sino man ang tumatawag sa aking pangalan.
"Hailey!"
Muling tawag sa akin. Na estatwa ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang isang pamilyar na bulto na papalapit sa aki. Kumurap pa ako para makasiguro at pinanuod ang isang may katangkarang lalaki. Malaki ang pangangatawan, at umaapaw sa s*x appeal ang papalapit sa akin. Sa unang pagkakataon makalipas ang napakaraming taon, ngayon ko lang uli siya napagmasdan ang kanyang kabuuan. Walang pinagbago makalipas ang sampung taon kundi nagkalaman lamang ng konti ang kanyang pangangatawan, naging matured ngunit bumagay sa kanyang personality na animoy mas naging confident din. Tulad ng dati... walang pinag bago ang lalaking ito pa rin ang nag mamay ari sa aking puso.
Simula ng mawala ito a aking buhay... kasabay ng pagkawala ng aming anak hindi na bumalik sa dati ang buhay ko. It became incomplete...it became at loss.
Pinapanuod ko siya na papalapit sa akin. Bumabalik lang ang mga alaala ng college days namin kapag iniintay niya ako at sinusundo niya ako sa university.
"Hi! Off ka na?" Bati sa akin ni James.
" Yes..." Sagot ko na hindi ko mapigilang ngumiti.
" Paano mo nalaman kung saan ako nag wowork?" Hindi ko mapigilan ang curiosity ko na mag tanong.
" Nagbaka sakali lang ako, since ito yung pinaka malapit na hospital sa unit mo." Sagot nito na naka ngiti.
"For you..." sabay abot sa akin ni James ng isang paper bag. Agad ko iyong tinangap mula sa kanya.
"Thanks."Tanging nasabi ko bago ko silipin ang laman niyon. Nakabalot pa ang laman niyon sa isa pang papel, at ng masilip ko ay agad na gumuhit sa aking labi ang kasayahan at kasabikan.
"Mangang hilaw at bagoong!" Manghang mangha ako ang tagal kong hindi nakakain noon. Meron naman nabibili sa Filipino store but hindi na ganoong kalutong at napaka mahal!
" Thank you.. big time!" Nakangiti kong sabi.
" Dont mentioned it.I am glad you like it!" Nakangiting sabi nya.
" Nag lunch ka na? Lunch tayo, pag luluto kita!" Nagulat ako sa nasabi ko, ngunit huli na upang bawiin. Nakaramdam naman ako ng hiya. Baka maisip niya ang masamang impression sa akin. Tumira lang ako sa kanluraning bansa ay ako pa ang nag iimbita sa place ko.
"I' ll love that!" Nakangiting nkatitig siya sa akin habang tinatanggap nito ang imbitasyon ko.
Muli niyang kinuha ang paper bag na ibinigay niya.
"Let me carry that!" Sabay abot din sa backpack na nakasabit sa balikat ko na pinaglalagyan ng mga pamalit kong damit. Pinagmasdan ko siya habang sinakbat niya ang back pack ko sa isa nitong balikat at ang isa naman ay nakasakbat ang kanya. Napangiti ako ng wala sa sarili.
"What?" Magaang na tanong nya habang kami ay sabay na naglalakad.
" Naalala ko lang noon." Wala sa sarili kong sagot.
" Oo. Simple lang noon." Pansin ko sa kanya ang pag babago ng mood nya ng magsisimula kami ng usapan tungkol sa "noon" Natakot din ako baka kung saan pa mapunta ang usapan kaya agad kong binago ang topic.
" Dito ba ang route mo? Last week andito ka, then ngaun.. or dito ka naka base?" Pasimula ko ng kwentuhan habang sabay kaming naglalakad. Malamig kaya nasa loob ng bulsa ng aking sweater ang aking mga kamay. Samantalang siya ay bitbit ang paper bag na pasalubong sa akin pero may suot siyang knnited gloves, pansangala sa lamig.
"Dito ang route ko since almost five years ago." Tipid nyang sabi na hindi inaalis ang timnggin sa daan.
" Ikaw, kailan ka pa dito sa Munich?" Baslik tanong nya.
" Last year lang.Ang lamig... grabe. I love the weather here kahit laging freezing cold."
" Wow... one year ka na pala dito. I thought your in San Francisco?" muling tanong nito.
"Tapos na akong maghasik ng lagim sa San Francisco... so dito naman!" Biro ko sa kanya.
Mukhang mali yata ang choice of words ko dahil napansin ko ang pag dilim ng awra sa kanyang mukha. Hindi na ako nagsalita ganoon din siya hanggang marating namin ang unit ko.
"Anong gusto mo ipag luluto kita?" magiliw kong tanong kay James after naming makapasok at isabit ko ang coat ko sa rack.
"No, your tired... why not freshen up and take a nap.. gisingin kita pag nakaluto na ako." Nakangiti niyang sabi habang itinutulak akong marahan papasok sa aking kwarto.
Ibubuka ko ang aking bibig upangmagreklamo. ng biglang sinakop ito ng kanyang mga labi. Una ay marahan na animo ay nananantya...sinusukat at ng gumanti ako ay naging mapusok at agresibo. Nanunubig ang aking mnga tuhod at nakaramdam ako ng panlalambot kya ipinulupot ko ang aking mga bisig sa kanyang liig.Nakaramdaman ko naman ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Ang mga hinanakit ko ng naka lipas na sampung taon ay biglang naglaho at tila akoy ibinalik sa panahon na tangging siya lang ay sapat na na makalimot ako sa mundong aking ginagalawan.
Pareho kaming hinahabol ang hininga ng kami ay tumigil. Tumingin siya sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng hiya kaya ibinaba ko ang aking tingin. Narinig ko ang kanyang pag ngisi habang naramdaman kong hinahawi niya ang ilang takas na buhok na tumatakip sa aking mga mata.
" Be a good girl, babe... Just do what I told you hmmmm...." Paki usap niya. Marahan akong tumanggo at pumasok na sa aking silid.
Pag kasara ko ng pinto ng aking kwarto ay napansandal ako sa likod niyon. Hinmawakan ko ang aking mga labi habang naka pikit. Na realized ko na hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya after all these years. Sinubukan kong tabunan iyon ng sama ng loob ngunit naririto pa rin ang pag ibig ko para sa lalaking iyon. With a sight ay dumirecho ako sa banyao upang maligo. Pagkatapos kong mag shower ng mabilisan ay nagpalit ako ng damit. Isang sweat pants at isang knitted jacket. malapit na ang winter kaya medjo kakaiba ang lamig ngayon. Salamat sa heater kaya hindi masyadong nakaka pangatal ang lamig. Inihiga ko ang aking katawan s aking kama at umidlip katulad ng sinabi ni James. Pumikit akong may ngiti sa labi in realization that my greatest love is just outside.
`