"Kung ganoon, mga ilang araw tayong wala sa Baras?" Pagtatanong ni Carson kay Lucas. Hindi mayaman ang Claribben, hindi rin ito malaki. Lahat nang nangyayari sa isang barangay ay nalalaman ng buong Claribben. Ngunit, sa pagkakataon na ito ay hindi maitatanggi ni Carson sa kaniyang sarili na namangha s'ya sa kung paano bumabangon ang Claribben. Narito sila sa isang pribadong lugar kung saan lahat ng turista ay pwedeng magpalipas ng gabi o araw. Depende sa kung gaano nila katagal gustong tumira. Kaya pala sila pinagdala ng ilang pirasong damit dahil iilang araw ang itatagal nila sa labas. "Isang linggo, Allison. Hindi madaling alamin ang bawat sulok ng bawat barangay dahil simula sa barangay na ito, marami nang nakatira sa bukid," sagot naman ni Lucas sa tanong n'ya. Kailangan n'ya n

