"Saan ka pupunta?" Napatigil si Carson sa pagapang nang hawakan bigla ng kung sino ang kaniyang paa. Nang lingunin n'ya kung sino ang nasa likuran n'ya ay nakita n'ya ang mukha ni Lucas. "Naroon sa banda roon si Charline," aniya rito. Umaalingawngaw pa rin sa buong kabukiran ang putok na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos. Ipinagpapasalamat nila na umaayon sa kanila ang pwesto ng kanilang kasama at hindi nila kinailangan daanan ang kinaroroonan ng mga kalaban. "Allison, hindi ka pwedeng dumaan sa banda r'yan. Kitang-kita nila ang daan na 'yan, hindi ka matatakpan dyan dahil walang puno r'yan!" Matigas na sambit ng binata. Tiningnan ni Carson ang tinutukoy nitong parti ng bukid at hindi nga naman ito nagsisinungaling. Maaaring makita s'ya ng kalaban kapag tumawid s'ya sa ba

