Bumaba sila ng barko nang walang imik lamang ang dalaga habang ang kaniyang mga kasama ay nag-iingay. Inaantok pa s'ya dahil kahit na nakatulog naman s'ya sa bus papunta ng Labay ay hindi na s'ya nakatulog pa sa barko dahil sa ingay ng mga tao. "Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na talaga ako," saad ni Roberta. "Oo nga, ako rin eh," dugtong naman ni Charline. Kahit naman kasi kumain sila kanina sa barko ay hindi rin naging sulit ang pagkain nila dahil sa sobrang mahal ng pagkain. Ramdam na rin n'ya ang gutom at gusto na rin talaga n'yang makakain ng matinong pagkain. "Saan ba tayo makakakain dito?" Dinig n'yang tanong ni Jessa. "Doon sa banda roon." Turo n'ya sa isang daan kaya napatingin sa kaniya ang mga kasama bago ito tumingin sa itinuturo n'ya. "Naroon daw sa street na

