Tiningnan ni Carson ang kabuuan n'ya sa malaking salamin na nasa sala nitong tinitirhan nila. Tatlong araw na silang nandito at hindi n'ya alam kung ano ang plano. Nakay Lucas ang lahat ng desisyon ayun sa kumander at alam naman nito ang kailangang gawin. Naging maingat s'ya sa bawat labas nila. Nagtataka noon ang mga kasama n'ya kung bakit palagi s'yang may suot na mask sa tuwing umaalis o lumalabas. Kalaunan naman ay parang nasanay na rin yata sila. At ipinagpapasalamat n'ya iyon. Kailangan n'yang takpan ang mukha dahil kagaya kagabi, kung hindi n'ya tinakpan ang mukha ay malamang nakilala s'ya ni Anthony. Ito rin ang huli n'yang nakita sa mga kababata n'ya ngunit kagabi kasama nito si Anafel. Pakiramdam n'ya ay gustong tumakbo ng mga paa n'ya papunta sa kaibigan n'ya pero iniisip

