Chapter 29: Marriage proposal WALANG cellphone si Azul. Kaya hindi na ako nakapagpaalam pa. Kailangan na rin namin kasi na umalis agad bago pa man siya makarating sa villa. Natatakot kasi ako na baka magkita sila ni Sydney. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na may ex-boyfriend ako at ang worst pa ay nandito sa villa namin. Bago pa lang ang relasyon namin at ayokong masira agad iyon. “I guess, hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo? May boyfriend kang on and off ang relationship?” Binalingan ko si Sydney nang magsalita siya. Lulan na kami ng sasakyan niya at kasalukuyan na ring bumibiyahe. Nasa likuran namin ang sasakyan ni papa. Doon na rin ako sasakay pauwi. “Sumama rin ako sa ’yo para magkaroon na tayo ng closure at tuldukan kung ano man ang mayroon sa atin, Sydney. Mahal ko ang boyfriend

