Chapter 35: Huli na “SINO naman ang batang iyan, apo?” tanong ni Lola Molai at nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang mukha ni Wez. “Nanay mo, manong?” tanong nito sa akin na ikinatawa ko. Kinalabit pa niya ako para lang makuha ang atensyon ko. “Hindi. Siya ang lola ko. Siya si Lola Molai,” aniko at tumango naman siya. “Parang ako, may lola rin po. Pero ang lola ko po ay maganda at hindi pa po kulubot ang balat niya. Hindi po siya mukhang manang,” saad niya. Ang daldal din ng batang ito at sinasabi niya ba na mukhang manang si lola? Tuluyang nakalapit ang lola ko. Nagtago sa likod ko si Wez dahil sa paraan nang pagtitig ni Lola Molai sa bata. Sino ang hindi matatakot? “`La, tinatakot ninyo naman ho ang bata,” natatawang wika ko pero seryosong tumitig lang talaga siya kay Wez.

