CHAPTER 17

2420 Words
Chapter 17: Binabakuran “AKO ba’y mukhang adik sa iyong paningin, Eljehanni?” kunot-noong tanong niya sa akin. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka nga iyon ang tingin ko sa kanya. “Why are you asking me if sasama ako kapag aalis ka, ha? Hindi ba dapat si Isabella ang tatanungin mo niyan? Sa halip na ako?” may bahid na inis na tanong ko sa lalaking ito. Porket may crush na ako towards him. Tapos mag-t-take advantage na siya. Tama ba naman ang isama niya ako sa kung saan man siya pupunta o uuwi siya sa lugar na pinagmulan niya? He’s so fvcking masama, ’no? Pinapaasa niya lang si Eljehanni. Kawawa ka naman, self. “Bakit ba puro ka Isabella? Baka masamid iyon o madapa siya.” Concern pa nga siya sa babaeng iyon. “Pútang-ina mo, Azul!” malutong na mura ko na ikinahinto niya sa pagmamaneho ang kotse. Napatili pa ako sa gulat at mahigpit kong hinawakan ang seatbelt ko. Pakiramdam ko kasi ay lilipad sa kung saan ang katawan ko. Petite pa naman ako at madali lang tangayin ng hangin. Joke lang naman, walang katotohanan iyon. “Fvck you! Bakit bigla ka na lang nagpreno?!” naiinis na asik ko. Kulang na lang ay sabunutan ko ulit siya para magtanda na rin siya. He removed his seatbelt and immediately gave me a scary look even though I wasn’t doing nothing to him. Parang ang laki ng kasalanan ko, ah. Ngunit nakatatakot naman siya. “Why are you looking at me like that, huh?!” I screamed and he grinned. Hindi ko gusto ang pagngisi niya! He grabbed my wrist and I was shocked when he pulled me—he actually grabbed my cheek and reached my neck. He kissed me with a rough kiss na halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa tensyon. Sa gulat ko ay mulat na mulat ang mga mata ko at hindi ko na rin magawang gumalaw. Until I felt his bite on my lower lip cause I tasted blood. I tugged his t-shirt and still get every kiss he has that I can’t respond. Mapusok at mapagparusa ang paraan ng mga halik niya dahilan na mag-init ang mukha ko. First time ko na mahalikan nang ganito! Sa pangalawang beses ay nagawa niyang kagatin ulit ang pang-ibabang labi ko at umawang ito kaya marahas niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng aking bibig. Ginalugad ang panlasa ko. He released my lips, finding it hard to catch my breath and I immediately felt the numbness of my mouth. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ko ang labi ko. Halos hindi ko na ito maramdaman pa. Parang mamamaga pa yata. “W-What...” Muli ay natigilan ako nang humalik siya sa noo ko na may pagsuyo. “What the hèll, Azul?! Niloloko mo lang ba ako?!” Nanubig ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko akalain na hahalikan niya ako gayong may girlfriend na siya! Gagawin niya nga talaga akong kerida niya! For God’s sake! Pero in fairness, magaling siyang humalik na parang sanay na sanay na! Baka ganito niya rin kung hahalikan si Isabella? Hinaplos niya ang gilid ng labi ko at maski iyon kanya ay namumula na rin. “Mag-uusap tayo pagkatapos nito,” sabi niya at sinimulan niyang paandarin ang sasakay. Hindi pa rin ako maka-get over sa kanyang ginawa. He kissed me! He fvcking kiss me! Buong biyahe namin ay hindi na ako nagdaldal pa. Paano rin kasi mahapdi ang lips ko. Nagkasugat din yata. Naririnig ko ang mahina niyang pagsipol at hindi iyon normal para sa akin. Sanay ako sa pananahimik niya at walang emosyon ang mukha. But now? He seems happy at ayoko nang alamin pa ang dahilan. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayokong guluhin ang utak ko sa ngayon dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Hinintay ko si Azul na pagbuksan ako ng pinto kasi nagmamadali na siyang umibis mula sa aming sasakyan. Naglahad agad siya ng kamay na tinanggap ko naman at babawiin ko na sana ito nang hindi na niya ako binitawan pa. Salubong ang kilay ko nang tingnan ko siya pero hindi rin naman siya nakatingin sa ’kin. Nang bumaba ang paningin ko sa mga kamay namin ay parang fit sa isa’t isa ang mga ito. Na parang sinadya silang ihulma. Malaki ang kamay ni Azul na kayang-kaya ngang sakupin nito ang palad ko. “Azul?” tawag ko sa kanya. “Bakit?” Lumingon naman siya at maaliwalas ang bukas ng mukha niya. Matagal pa niyang tinitigan ang mga labi ko. “Wala ka bang nararamdaman habang magkahawak kamay tayo?” tanong ko at mabagal ang paglalakad niya para masabayan niya rin ako. Sa haba ng legs niya ay malamang mabilis siyang maglakad. “Katulad ng ano?” balik niyang tanong. “Parang may kuryente?” patanong na sagot ko. “At saka bakit mo hinahawakan ang kamay ko, ha? Just because you kissed me kanina, you have the right to hold my hand na, ha? May permission ka na ba from me para makipag-holding hand ka sa ’kin?” supladang tanong ko. Kumibot-kibot na naman ang bibig niya. Hobby na niya yata ito kapag may gusto siyang sabihin pero hindi naman natutuloy. “Eljehanni, ang drama mo. Bakit ayaw mong magpahawak sa akin? Kamay mo lang naman ito. Tapos nagdadamot ka pa? Bakit binabayaran ba ito?” tanong niya at itinaas pa niya ang mga kamay namin. Hindi naman ito magkasiklop. Hawak niya lang. “Because hindi tayo! Aba! There’s an Isabella waiting for you in the province, just so you know, Azulenzure! Babae ako at lalaki ka!” nanlalaki ang mga matang bulalas ko at nagkibit-balikat lamang siya. “Psh.” Inirapan lang ako ng hudas! Tumahimik na lamang ako kasi ayaw naman niya akong pakawalan. Isang malaking factory ang nasa harapan namin ngayon at humigpit lang ang hawak ko sa shoulder bag ko. “What if hindi natin mabawi ang lupain? Ano’ng gagawin natin?” mayamaya ay tanong ko kay Azul. Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin at ibinalik din sa harapan ang atensyon niya. “Ikaw si Eljehanni Elites Ciesta. Ang bunganga mo ay parang armalite. Matatakot na agad siya at mababawi mo ang lupa niyong ibenenta sa maling tao,” sabi niya at marahas ko siyang binalingan na ngayon ay nasa akin na naman ang titig niya. “Ang bunganga ko ay parang isang armalite?! Talaga ba?!” Umuusok na ang butas ng ilong ko. Gamit ang malaya niyang kamay ay marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ko. Kumalma ako sa ginawa niya. “Huwag tayong magsayang nang oras dito, Eljehanni. Kailangang matapos natin ito dahil baka gabihin tayo sa biyahe. May pag-uusapan pa tayo,” sabi niya at muli niya akong hinila upang makapasok na rin kami sa factory. Naninibago pa rin ako sa attitude ng lalaking ito. Pabago-bago yata ang mood niya. Minsan lang kung magbait-baitan pero madalas naman niya akong sinusungitan. Lalo na kapag kasama pa namin si Isabella at parang isa lang akong hangin sa paningin niya. “Good morning, Sir!” Tumaas ang kilay ko sa magiliw na pagbati ng babaeng nasa information desk. Ang lapad-lapad nang ngiti niya at tila may nakikita na rin ako na hugis puso sa mga mata niya. Napaismid ako dahil sa pamumula ng magkabilang pisngi niya. Crush niya ba ang lalaking kasama ko? Hinatak ko si Azul at ipinuwesto ko siya sa likuran ko. Napataas din ang kilay ng babae dahil sa aking ginawa. Ngumisi ako at taas-noong tinitigan ako. “Nasaan ang boss mo?” diretsong tanong ko. Kasing lamig pa ng yelo ang aking boses. “May appointment po ba kayo, Ma’am?” tanong niya na nababahiran nang pagkainis ang tono. “Wala. Tell him na nandito ang anak ni El Ciesta. Kailangan naming mag-usap ngayon,” supladang saad ko. “Abala masyado si Sir Junko. Pero kung may appointment kayo—” “Sabihan mo na siya bago pa kami mag-report tungkol sa mga basurahan niyong nasa teritoryo namin!” sigaw ko sabay hampas ko sa desk niya. Hindi ko na pinahalata pa ang pagngiwi ko kasi masakit ang pagkakahampas ko. Hinawakan lang ako ni Azul sa siko ko at sinakop ulit ang kanang palad ko. Parang sinusuri niya rin ito. “Sir Junko, may guests po kayo sa baba at si Mr. El Ciesta raw po—sige po.” Humarap din sa amin ang babae. Namutla yata nang makita ang reaksyon ko. Well, dapat matakot siya kasi may plano pa siyang lumandi sa kasama kong pogi! Aba, ako lang ang may karapatan na landiin si Azul! Maghanap siya ng kanya! Akin lang si Azul! Chos. “Ano na, Miss?” I asked her again. “Umakyat na po kayo sa third floor, Ma’am. Nandoon po ang opisina ni Sir Junko. Hinihintay na kayo,” sabi niya at nilingon na naman niya si Azul. “Sa third floor talaga?” Nalukot ang matangos na ilong ko at hinarap ko na si Azul. Tumango siya at tipid na ngumiti. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya kasi baka lalong mangisay sa kilig ang babae. PAGDATING namin sa third floor ay may isang lalaki naman ang nasa labas ng opisina. Base pa lang sa ayos nito ay siya ang secretary. Doon kami lumapit ni Azul pero ako sana ang makikipag-talk dito pero inunahan na niya ako. “Ang iyong boss ba ay nasa loob ng kanyang opisina?” tanong ni Azul. Pinigilan ko ang mapatawa dahil sa paraan nang pagsasalita niya. Bakit ba parang ang deep ng Tagalog niya? Pero oks lang, cute naman ang tono nito at saka cute rin siya. Jejeje. “Mga taga-Ciesta po?” I frowned. Mga taga-Ciesta talaga? Tumango kami bilang tugon. He stepped towards the door para yata sabihin sa boss niya na nandito na kami. Kumatok siya nang tatlong beses bago pinihit ang seradora. “Sir Junko, nandito na po sila,” aniya tapos ay tumingin siya sa likuran—sa amin. “Pumasok na raw po kayo,” sabi nito at sinulyapan pa niya ako pero mabilis na humarang sa paningin ko si Azulenzure saka kami tuluyang pumasok. Ang inaasahan ko ay matandang lalaki ang bumili ng lupain namin na ginawa lang nilang tapunan ng kanilang basurahan. Hindi nila alam na maraming apektado sa mga basura nila. “Oh, hi. Have a seat,” pag-iimbita nito sa amin. Matangkad ang lalaki at may hitsura naman siya. Mukha rin naman siyang...uhm mabait? Sabay kaming umupo ni Azul sa sofa niya at gumala ang eyes ko sa office niya. Malaki at manly siya tingnan. Okay—wala akong panahon na i-describe pa ito kasi importante ang pakay namin. “Hindi kami magtatagal dito. Kaya hindi na rin kami paligoy-ligoy pa,” I started. “May I know your name before we discuss your purpose?” he asked so calmly. Napatikhim ako at umupo naman siya sa single-sofa niya. Pinagsiklop ang mga daliri niyang nakapatong sa hita niya. “I am Eljehanni Elites Ciesta, I am El Ciesta’s daughter. The owner of a huge land in Sta Rosa and you are the one who bought that portion of the land. We found out that you turned the land you bought into a dumpster and you knew it had a big impact on us. Lalo na ang farm namin doon,” walang emosyon na pahayag ko. “So, your real goal is what?” he asked again. “We want the land back and are willing to pay more or double,” diretsong sabi ko. “I’m sorry.” “Hindi mo ipagbibili sa amin kaya ka nag-s-sorry?” malamig na tanong ko at bahagya lang siyang umiling. Pipilitin ko pa rin siya, mabawi kay ang dati naming property. “No, what I mean is, hindi ko alam na ganoon ang nangyari sa lupang binili ng aking ama. Dahil kung nalaman ko nang mas maaga ay hindi sana magiging tapunan lang iyon ng basurahan,” paliwanag niya pero hindi man lang bumaba ang kilay ko. “So, sinasabi mo na wala kang alam sa nangyari?” “Uh-huh, don’t worry. Aayusin ko ang bagay na ’yan kahit hindi mo na babawiin,” aniya. “Paano naman kami makasisigurado na aayusin mo iyon? De-bundok na nga ang mga basurang iyon,” sambit ko. “Magpapadala ako ng mga tauhan ko roon. Don’t worry about that, Ms. Ciesta,” he said and stood up. “Do you want something to drink?” he asked. Tumayo naman si Azul at hinila ko na may pag-iingat. “Hindi na. Salamat na lang. Marami pa kasi kaming gagawin,” ani Azul. Lumubo pa ang pisngi ko. Ang sungit ni Azulenzure, ay. “Okay. Nice meeting you again, Ms. Ciesta.” He extended his hand and bago ko pa iyon tanggapin ay naunahan na naman ako ng lalaking kasama ko. “Azul El-Greco,” he uttered his name at kumunot pa ang noo nito. Mabilis din binawi ni Azul ang kamay niya. “Mauuna na kami,” paalam niya at ang braso niya ay dumausdos na sa baywang ko. “We’ll go ahead, Mr. Junko,” paalam ko naman at saka kami lumabas. Sinipat ko naman ang wristwatch ko at malapit na palang mag-lunch time. Sa ugali ni Azul ay hindi siya mahilig sa mamasyal. “Azul, uuwi na ba tayo agad?” tanong ko. “Bakit?” Napakamot ako sa kilay ko. “Hilig mo talaga ang sumagot ng isa pang tanong, ’no?” malditang tanong ko. Nagkibit-balikat lamang siya. “Kailangan nating umuwi nang mas maaga,” aniya. “Eh, maaga pa naman kaya. Gusto mo bang magutom tayo sa biyahe?” “Bibili na lang tayo ng makakain natin,” pagdadahilan niya at umiiling na bumuntong-hininga ako. “Ayaw mong mag-date tayo, Azul?” “Maaari nating gawin iyon sa Sta Rosa.” Napabuga ako nang hingin sa bibig. “Nagbibiro lang ako!” Napahawak ako sa labi ko. “May sugat ang labi ko. Nakaiinis ka talaga!” reklamo ko. Ngumisi na naman siya at higit niya akong hinapit palapit sa katawan niya. “Hindi ako humihingi ng depensa.” I rolled my eyes. Talagang nakaiinis nga siya. Hindi na siya naawa sa sarili ko. “Isusumbong kita sa girlfriend mo, Azulenzure. Makikita mo.” Hinaplos niya lang ang baywang ko. May nararamdaman ako nang kung ano roon kaya pinagpapalo ko siya sa dibdib pero parang lumalabas na nagpapa-bebe ako. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD