Chapter 19: Gusto kita
TITIG na titig lang ako sa ceiling ng room ko. Umabot na rin sa point na binibilang ko na rin ang mga kambing sa isip ko para lang hatakin na ako ng antok pero wala pa ring nangyayari.
Hanggang sa nakita ko na lamang ang sarili ko na gumulong-gulong sa bed ko at ang sunod na nangyari ay tumitili na ako. Kanina ko pa pinipigilan na sumabog ang emosyon ko. Ang ibig kong sabihin, ang kilig ko ay to the highest level na!
“Ahh! Goodness kilig over load na this, Eljehanni Elites!” sigaw ko na napaubo rin ako sa huli dahil sa pagbirit ko. Wala sa sariling napaupo ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Ang init... Ang init-init ng pisngi ko! Oh my, God!”
I got off from the bed and went to my sofa, pero parang tangang humiga lang ako roon at nakaawang pa rin ang mga labi ko.
Inalala ko ulit ang sinabi ni Azul kanina. Ang sudden niyang confession.
“Inaamin ko noong dumating ka at sumulpot na lang bigla sa buhay ko ay nainis ako. Nagalit at iritadong-iritado hindi dahil sa iyo. Dahil iyon sa sarili ko, kasi kakaiba ka pala sa lahat ng mga dalaga rito. Kakaiba ka kompara kay Isabella. Ang bibig mo ay walang preno, kung ano ang gusto mong sasabihin ay iyon ang lumalabas at hindi mo na iyon inaalala pa. Ikaw ang tipong babae na hindi peke, na para bang hindi ka rin nakikipagplastikan sa mga tao makuha lang ang loob nila. Ipinapakita mo ang totoong ikaw, ang totoong ugali at personalidad mo. Ikaw ang tipong babae na wala ng pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao kung ipakikita mo na prangka ka. Kasi ikaw iyan, totoong ikaw. Hindi ka mahiyain, suplada pero may kabaitan. Mapagmahal kang anak sa mga magulang mo. Hindi ko nakita ang pagiging spoiled brat mo, ika nila. Hindi mo ginamit ang pagiging señorita mo, makuha lang ang mga nais mo sa buhay. Dahil ikaw mismo ang gumagawa ng paraan at kumikilos. May isa kang salita at may prinsipyo. Alam mo ba kung ano ang mas nagustuhan kong ugali mo?”
Malinaw na malinaw kong naaalala at naririnig ko rin ang boses niya. In-denial din pala siya kaya niya ako sinusungitan. May pagtingin pa rin pala siya at ayaw pang umamin! Gusto pa niyang suyuin, ay! Owemji!
“Ang pagiging maingay mo. Hindi ka nawalan nang sasabihin at wala ka ring kaartehan. Hindi mo napapansin na nakukuha mo ang loob ng mga taong nasa paligid mo ay dahil lang sa presensiya mo, sa pakikitungo mo sa kanila at sa pagturing na hindi sila mababa. Na parang sila pa ang nakatataas kays sa ’yo. Eljehanni, tunay na nakuha mo ang puso ko.”
Napabalikwas ako nang bangon at mariin kong kinagat ang lower lip ko. Kinikilig talaga ako dahil sa kanya. Sa nalaman kong may gusto rin pala siya sa akin! Pero natulala rin ako kung ano ang naisagot ko kay Azul. Higit na namula ang cheeks ko.
“Eljehanni, tunay na nakuha mo ang puso ko.”
“Eh, teka lang! M-May piso ba ako rito?” tanong ko sa sarili ko at naghanap ako ng piso sa dala kong bag.
“Aanhin mo ang piso mo, Eljehanni?” tanong niya na may pagtataka pa. Nang makahanap din ako ay hinawakan ko ang palad niya at ibinigay iyon sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. “Para saan naman ito?”
“Piso dahil pinuri mo ako,” sagot ko at napanganga lang siya itinuran ko.
“Seryoso ka ba, Eljehanni?” gulat niyang tanong at inosenteng napatango pa ako.
“Kapag pinupuri ka kasi ng isang tao ay dapat mo siyang bigyan ng piso. Ganoon ang ginagawa namin noong bata pa kami,” I remarked at marahas siyang bumuga ng hangin. Umigting pa ang panga niya.
Mariin pa siyang napapikit at parang nanggigigil na rin siyang sabunutan ako until he stopped the car. He cupped my face at pinisil niya ang cheeks ko.
“Alam mo, Eljehanni? Ang sarap mong ibulsa,” sabi niya at pinalo ko siya kasi sa kirot nang pagpisil niya.
“Ahh! That’s a shame! Why did I do that?! Maybe Azul will think I rejected him! Oh, my goodness! No! Akin lang si Azul! Lalandiin ko pa iyon bukas!”
Dahil sa Naghalo-halo ang inis ko, ang kilig at lahat-lahat na ay madaling araw na akong nakatulog. But I woke up at 8AM. I’m so sleepy pa and didn’t even eat breakfast just to go to the ibang bayan. I’m going to talk to Isabella and ask her kung boyfriend niya na ba si Azul. So, I know when I can flirt with him na bukal na sa loob ng crush ko.
I also know there is a dark circle under my eyes but I don’t care anymore. It’s more important that I know the truth.
Mabilis pa ang pagtakbo ko sa kabayo ko, makarating lang ako agad. May mga tao pa ang nadaanan ko at lahat sila ay kinawayan ko.
Dito sa probinsya namin ay kami lang ang nagmamay-ari ng kabayo, maliban kay Azul. Pero dahil mabait ang Papa ko ay binibigyan niya ng masasakyan ang mga workers niya.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating din naman ako at dahil sa excitement ay basta na lamang akong bumaba. Napangiwi ako dahil hindi maganda ang pagbagsak ko sa lupa. Ni hindi ko na rin pinansin pa iyon at basta ko na lamang itinali si Vip saka ako naglakad sa hagdanan.
Hinanap ko pa si Isabella at hindi naman ako nahirapan. “Hi, Isabella!” tawag ko sa kanya at paika-ika pa akong lumapit.
Napatingin pa siya sa paraan nang paglalakad ko at confuse na confuse pero may nababasa akong pag-aalala sa maamo niyang mukha.
“Ano’ng nangyari sa ’yo, Eljeh? Bakit paika-ika ka kung maglakad?” Hinawakan pa niya ang kamay ko at iginiya sa green house nila.
“Wala lang ’to,” sagot ko.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Azul?” tanong niya at napatingin pa sa likuran ko.
“Mag-isa lang ako. May tanong lang pala ako sa ’yo kaya ako nandito ngayon,” sabi ko at napatango naman siya.
“Ano naman iyon?” tanong niya nang sabay pa kaming umupo.
“May boyfriend ka na ba?” straight forward na tanong ko. Mukhang hindi naman siya nagulat.
“Bakit kung mayroon ba, ano ang kinalaman no’n sa ’yo?” balik na tanong niya.
“Just answer me. Kayo ba ni Azul?” seryosong tanong ko at tipid siyang ngumiti. “Ano na?” untag ko pa.
“Hindi kami.”
“True?!” gulat kong tanong. Napakamot pa siya sa kilay niya.
“Bakit ayaw mong maniwala? Ah, nagpunta ka lang ba rito para lang itanong ’yan sa ’kin?” Tumango ako. Napangiti pa siya at naninimbang na tiningnan ang mukha ko. “Alam mo, Eljeh? Bagay na bagay nga kayo ni Azul.”
“Talaga?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Paanong hindi naging kayo? Ikaw mismo ang nagsabi na may napupusuan ka na at sasagutin mo na siya. Kung hindi si Azul. Sino kina Hunter at Kallix ang sinagot mo?”
“Wala sa kanilang dalawa—”
“Eh, ’di si Azul nga?! Sinasabi ko na nga ba na pinaglalaruan lang ako ng hudas na iyon!” Nagulat naman siya biglaan kong pagsigaw.
“Teka lang. Kumalma ka muna, Eljeh. Magpapaliwanag muna ako. Sandali lang naman,” sabi niya at itinaas pa niya ang palad niya.
“Okay,” sabi ko.
“Si Azul, mabait at mabuting tao nga siya. Tahimik man pero maginoo naman. Guwapo rin siya at masipag magtrabaho. Naging manliligaw ko siya dahil gusto ko pa siyang makilala nang lubos. Infact, mas nauna pa ang dalawang lalaking kababata mo na sina Kallix at Hunter na ligawan ako. Pero sa kanilang tatlo, wala sa kanila ang gusto kong katangian ng isang lalaki. Oo, mabuting tao naman sila pero...hindi ko nakikita ang sarili ko na magiging akin ang isa sa kanila, Eljeh. Lahat sila ay ni-reject ko, sa totoo lang,” mahabang paliwanag niya at nakapagtataka na wala siyang nagustuhan sa mga manliligaw niya.
“May iba ka bang gusto, Isabella?” tanong ko kasi ito lang ang naisip ko na dahilan para i-reject niya ang mga lalaking iyon. Napakasuwerte niya kung tutuusin. Tatlo ang manliligaw niya at puro guwapo.
Bumuka ang bibig niya na tila may sasabihin pero napatayo siya at tumingin sa ibang direksyon. Nang sundan ko iyon ay isang matangkad na lalaki ang nakita ko at guwapo rin ito.
“Uuwi ka na ba, Kuya Deus?” tanong niya at nangunot ang noo ko nang mas umamo ang mukha niya. Namumula pa nga at may kislap sa mga mata niya.
“Yes,” tipid na sagot lang ng lalaki at nang makita niya ako ay tipid siyang ngumiti.
“Kailan ang balik mo rito?”
“Next month. Sabay kaming babalik dito ng Ate April mo,” sagot nito na nakita ko pa ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Isabella. Tumango lang siya at nagpaalam na rin ito.
She seems kandila na nauupos na lamang at umupo ulit. Observant akong tao kaya alam ko kung ano’ng klaseng tingin ang ibinibigay niya sa lalaking iyon.
“May gusto ka ba sa lalaking iyon, Isabella?” tanong ko. Bumuntong-hininga siya at dahan-dahan na tumango.
May tumulo pang luha sa pisngi niya na mabilis naman niya itong pinunasan. Nasasaktan siya.
“Fiancé siya ng pinsan kong si Ate April—”
“Fiancé lang pala. Landiin mo kaya?” blunt na request ko at nanlaki pa ang mga mata ko.
“H-Hindi naman ako ganoong klaseng babae, Eljeh. Hindi ko magagawa iyon,” uniiling na sabi niya at inikutan ko siya ng eyeballs. Walang diskarte sa buhay.
“Lalandiin mo lang siya pero hindi aagawin sa pinsan mo. Kukulitin like sa ginawa ko kay Azul. Complicated pala iyong sa ’yo, hala ka. Pero hindi mo siya literal na aagawin. Magpapapansin ka lang naman sa kanya.”
“Hindi niya ako papansinin.” Negative agad si ate niyo.
“Paano ka naman niya papansinin, eh ang suot mo! Hala, manang!” sigaw ko at natawa lang siya sa halip na ma-offend.
“Ang totoo niyan ay ako dapat sana ang magiging fiancé niya. Pero...”
“Pero?”
“Inurong nila mismo. Gusto nila sa anak ng kapatid ni Papa at si Ate April na iyon,” paliwanag niya at napatango ako. Sayang naman pala.
“Grabe, bad iyon.”
“Oo. Pero sa mga panahon na iyon ay hindi pa ako kilala ni Kuya Deus. Schoolmate kami dati.”
“Alam niya ba?”
“Hindi at nagpapadala pa ako ng uhm...noon.”
“Love letter!” sigaw ko at mas namula siya.
“Oo,” nahihiyang pagtango niya.
“Kung gusto mong mapansin ka niya ay palitan mo na iyang mga damit mo. Magsuot ka ng mas sexy, iyong pati singit mo ay kitang—”
“Ano na naman ba ’yan, Eljehanni?” Ako naman ang napatayo sa gulat nang marinig ko ang boses ni Azul.
“What are you doing here?” I asked him.
“Bakit mo tinuturuan ng ganon si Isabella? At bakit ang baba ng neckline ng damit mo?” Mabilis kong tinabig ang kamay niya nang hawakan niya iyon. Three-fourths na t-shirt ang suot ko pero mababa nga ang neckline nito kaya lumalabas ang cleavage ko.
“Wala ka nang pakialam pa roon! Girl talk ito!” asik ko sa pagmumukha niya.
“Ano ang sinasabi niya, Isabella?” Binalingan naman niya ito.
“Wala iyon, Azul. Nagpunta lang pala rito si Eljeh para itanong sa akin kung magkasintahan na ba tayo,” sabi niya na sinabayan pa niya nang pagtawa. Tiyak akong kulay kamatis na naman ang pisngi ko.
“Sinabi ko na sa ’yo—saan ka pupunta, Eljehanni?” tanong niya nang mabilis na akong umalis doon. Scam lang ang mabilis kasi paika-ika nga ang paglalakad ko. “Ano’ng nangyari sa paa mo?” Napanguso ako nang may himig na pag-aalaga ang kanyang tinig.
“Wala ito.”
“Diyan ka lang. Huwag kang kikilos.” Awtomatikong itinaas ko ang dalawang kamay ko na ikinatawa ni Isabella. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil bumalik ang lalaking nagngangalang na Deus.
Bakit naman siya bumalik? Eh, nagpaalam na nga siya kanina.
“Isabella?”
“K-Kuya? Hindi ka pa umaalis?” Gusto kong kurutin sa singit niya si Isabella. Natutuwa siyang makita ang lalaking pagmamay-ari na ng iba at sa pinsan pa niya.
“May nakalimutan lang ako. May lakad ka ba ngayon?” tanong nito sa babae.
“Wa—”
“Mayroon! May date sila ni Azul!” sabat ko at tinulak ko pa si Azul.
“Ha?” tugon nito na halatang nagulat.
“Boyfriend niya ’to, oh,” ani ko at itinuro ko pa si Azul. Hindi na maipinta pa ang mukha ng isa at parang gusto pa nitong magreklamo.
“Uhm, ano kasi—”
“Pero okay lang kung may kailangan ka kay Isabella. Ako na muna ang lalandi sa boyfriend niya,” sabi ko sabay hila ulit kay Azul. Sunod-sunuran lang ang isa. “Bye, Isabella! Ang sinabi ko sa iyo kanina ay huwag mong kalimutan!” pahabol na saad ko pa. Bumaba pa ang tingin ko sa kamao ng lalaki. Lumalabas ang ugat nito sa higpit nang pagkuyom nito.
“Magkita tayo bukas, Azul,” pahabol na sambit naman ni Isabella at kumaway pa siya sa amin pero humarang na sa harapan niya ang lalaki.
Nasa baywang ko na ang isang braso ni Azul at ang isa naman ay nasa balikat ko. Oy, maginoo nga at nakaalalay pa.
“Ano’ng kahibangan naman ang ginawa mo, Eljehanni?” sermon niya.
“Wala. Matino ako, ’no? Wala akong gagawin na ikababaliw ko,” sabi ko lang at nilapitan na namin si Vip. Hinaplos ko pa ang ulo nito. “Ano pala ang ginagawa mo rito?”
“Sinusundo lang kita,” sagot niya at tinanggal ang tali sa puno. “Eljehanni, bakit naman ganito ang pagtatali mo? Nabuhol na tuloy.” Nang sulyapan niya ako ay nagkibit-balikat ako.
“Paano mo naman nalaman na nandito ako, aber?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“May nagsabi sa akin. Maski ang mga magulang mo ay hindi alam kung saan ka pununta. Tapos hindi ka pa raw kumakain ng agahan,” aniya.
“Ang sweet mo naman para sunduin ako,” komento ko.
“Bakit ba wala kang tiwala? Sinabi ko na sa ’yo na hindi naging kami ni Isabella,” paliwanag niya na kunot na kunot ang noo.
“Bakit? Hindi ba siya ang ideal girl mo? O, na-reject ka pala niya.”
“Hindi. Sinabi ko na sa kanya na hihinto na ako sa panliligaw ko dahil may iba na akong gusto,” pagtatama niya at napatingala ako sa kanya nang lumapit na rin siya sa akin.
“At sino naman iyon?” tanong ko na parang nanghahamon. Pabiro pa niyang pinitik ang noo ko kaya nag-react agad ako.
“Iyong babaeng matigas ang ulo at walang preno ang bibig,” sagot niya.
“Ako ba ’yan?!” umuusok ang butas ng ilong na tanong ko.
“Oo. Ikaw ang gusto ko. Gusto kita, Eljehanni,” sincere na sabi niya at sinapo pa niya ang pisngi ko. Napakurap-kurap pa ako at bumilis agad ang t***k ng puso ko.
Hinawi pa niya ang buhok ko na harang sa face ko at tinitigan pa niya ako na parang gusto niyang isaulo ang mga features ko hanggang sa dahan-dahan na ring lumapit ang mukha niya.
Napapikit ako at handa na sa paghalik niya. Nakanguso na nga ako pero napadilat din ako nang labi ko na naman ang pinitik niya. Ang nakangising mukha niya ang sumalubong sa akin.
“Nakaiinis ka.”
“Umuwi na tayo.” May good morning kiss sana ako pero ang daliri niya lang ang nakahalik. Tsk.
Hinawakan niya ang baywang ko at binuhat para makaangkas na rin kay Vip. Hinawakan ko agad ang tali nito at hindi ko na siya tiningnan pa. Hinintay ko na lamang siya pero napaigtad ako nang hawakan niya ang paa ko. Sandals lang kasi ang suot kong panyapak.
“Ampüta! Masakit iyan!” sigaw ko. Sa kaliwang paa yata ako na-sprain. Sumisipa ako para lang bitawan iyon pero makulit siya. “Azulenzure naman, eh!”
“Namumula. Gamutin natin ito agad.”
“Na-sprain lang ang ankle ko. Gagaling din ’yan agad,” sabi ko.
“Bakit ba kasi ang gaslaw mo?” I snorted.
“Excited lang akong bumaba kanina at hindi maganda ang pagbagsak ko sa lupa,” paliwanag ko.
“Malikot ka kasi. Kung saan-saan ka nang napapadpad,” sermon pa niya at gumalaw pa ang kabayo nang makasakay na rin siya. Nasa likuran ko siya.
Napalunok pa ako nang lumusot ang magkabilang braso niya sa gilid ko at sa halip na ang tali ni Vip ang hahawakan niya ay ang mga kamay ko pa. Namanhid ang batok ko nang sakupin ng mainit niyang palad ang aking kamay at magkadikit na ang matigas niyang dibdib sa likod ko.
Nang igalaw niya ang aming kamay para patakbuhin na rin ang sasakyan—este kabayo namin ay mabilis na hinawakan niya ang baywang ko para suportahan ako at hindi mahulog. Bumagal lang ang paglalakad nito nang makalayo na kami sa bahay ni Isabella.
“Eljehanni?”
“Oh?” tugon ko at diretso lang ang tingin ko. Nararamdaman ko na malapit ang mukha niya sa batok ko at baka kung lilingon ako ay—basta.
“Eljehanni...”
“Hala, ang kulit, oy!” naiiritang saad ko.
“Tinatawag kita pero hindi ka naman lumilingon sa akin,” sabi niya na parang tunog na nagtatampo pa. I took a deep breath at lumingon nga ako sa kanya pero mabilis na dumapo ang kaliwang palad niya sa pisngi ko at mariin akong hinalikan sa mga labi ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko at nagulat sa ginawa niya. Mas humigpit ang hawak ko sa tali nang nakapikit na rin siya na tila nilalasahan na rin niya ang bibig ko.
Grabe ang t***k ng puso ko at hindi na talaga ito normal. He was teasing my lips too para bumuka ito at nang pinagbigyan ko siya ay ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Nakikipagpalitan na ako ng mga halik sa kanya at nakahilig na rin ako. Kahit hindi maganda ang posisyon namin ay wala na akong pakialam pa. Sarap na sarap ako sa mga labi niya at sa nakaaantok niyang mga labi.
Ang kaliwang kamay ko nga ay nasa leeg na niya at nararamdaman ko patuloy pa rin sa paglalakad ang alaga kong kabayo. Kaya noong magkadikit na magkadikit na kami ay napapadaing si Azul. Kumiskiskis nga ang hips ko sa alaga niya.
Pinakawalan niya ang mga labi ko nang wala ka kaming hangin na malalanghap. Naghahabol agad kami ng hininga nang pinagdikit niya ang aming noo.
“Gusto kita, Eljehanni. Gustong-gusto kita,” humihingal na sabi niya at binaliktad niya ang posisyon ko. Nakaupo na ako sa paharap sa kanya pero ang mga hita ko ay nasa binti na niya na parang nakakandong na rin ako.
Hinaplos pa niya ang pisngi ko at hinalik-halikan ang mga labi ko. I wrapped my arms around his neck at muling nagtagpo ang mga labi namin na sabik na sabik sa isa’t isa. Humigpit ang yakap ko sa kanya nang bumilis ang takbo ni Vip kaya nakaramdam ako ng init sa katawan.
Nakaiilang ang posisyon namin! Pero parang wala kaming pakialam kahit na nasa daan pa rin kami.
“Eljehanni...” Hinalikan pa niya ang pisngi ko saka kami tumigil.
“Hmm?” tugon ko at namumungay ang matang tinitigan ko siya. Bayolente ang pagtaas-baba ng dibdib namin.
“May batis doon. Gusto mong puntahan natin?” Tiningnan ko ang itinuturo niya.
“Maliligo tayo roon?” tanong ko.
“Kailangan kong ibabad ang katawan ko sa malamig na batis para kumalma ang sistema ko,” mahabang sagot niya at napangisi ako. Kasi alam ko na ang dahilan kung bakit niya gagawin iyon.
I caressed his face and planted in kiss on his lips. Hinabol pa niya ang labi ko at nanggigigil na kinagat ang lower lip ko.
“Ako rin, Azul. Pero okay lang kapag pareho nating painitin lalo ang ating mga katawan,” malanding sambit ko at bayolenteng nagtaas-baba ang kanyang lalamunan. Namula ang tainga at pisngi niya.
“Huwag kang ganyan, Eljehanni,” mariin na sabi niya at gumiling ako sa lap niya pero umigting lang ang panga niya saka niya ako pinigilan.
“Ano na, Azul?”
“Maliligo lang tayo.” Napanguso ako nang pitikin na naman niya ang noo ko at nang makita niyang hinimas-himas ko iyon ay masuyong hinalikan niya rin na ikinangiti ko.
“Gusto rin kita, Azulenzure.”