Aldhos' POV (one week ago) Pagbukas ko pa lang ng pinto ng aking apartment, mapusok na kaming naghahalikan ng babaeng kasama ko na pumasok. Matapos akong mag-out sa aking office, handling finances and other stuff, pumunta ako sa isang pub para mag-unwind. Ang dami ko na kasing iniisip ngayon at dumagdag pa ang pagkaka-aksidente ng aking ama. Kanina ko lang nalaman ang nangyari sa kanya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I have so many regrets in my life and hating my father is one of them. Bata pa ako noon at siya ang sinisi ko kung bakit iniwan kami ng walang kwenta kong ina. Saka ko lang na-realize ang mga ito nang lumalaki na ako. My father was trying his best for my family pero sarili kong ina ang laging gumagawa ng gulo. Nakikita ko siyang nakkikipaglandian sa ibang lalake.

