Kinabukasan, maaga akong nagising, napatingin ako kay Yhuno na mahimbing na naman natutulog. Gaya no’ng nasa mansion kami sa lungsod. Noong pumayag ako sa gusto niya, and now, here we are again. Mukhang hindi siya morning person, dito pa naman need na maaga na magising. Sana madali lang siya na maka-adjust. He’s been living in the city for a long time and I guess isa siyang night owl. Napangiti ako at hinawi angkanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Tinitigan kosiya ng ilang minuto at nang tumingin ako sa wall clock, kailangan ko na talagang bumangon. Inalis ko ang pagkakapit niya sa’kin at umiling lang siya at niyakap ang unan ko. Dumiretso ako sa banyo para linisin ang aking katawan pagkatapos ay nagbihis na. Nagsuot ako ng white, sleeveless, racerback na top, at manipis na blue

