"Mommy, andito na tayo, papasok na tayo sa gate." Malambing na sabi ni Yhuno na nagpagising sa aking diwa. Kinurap ko ang aking mga mata at nang tuluyan kong binukas yon, papasok na ang sasakyan sa naka-open na malaking gate ng hacienda. Pero medyo malayo pa ang tatahakin namin bago kami makarating sa mansion. Malawak din naman kasi ang farm, marami kaming taniman, may bigas, mga gulay, mga prutas at nagtatanim na rin kami ng kape kung saan nagdedeliver kami ng supplies sa aming grocery sa kalapit na bayan at pati na rin sa iba. Nagsu-supply kami ng coffee beans sa mga coffee shop at marami-rami ang orders nang magsimula kami. Nage-export din kami ng mga prutas sa iba't-ibang bansa lalong-lalo na yung mga dried products. Bukod sa taniman, nag-aalaga din kami ng mga hayop. Mga baka, kala

