Mabilis na lumipas ang araw at hapon na ng makabalik kami sa clinic matapos naming tinignan ang lahat ng mga hayop. Pinauna ko ng pauwiin si Ethan at nanatili ako doon hanggang sa hindi ko napansin na gabi na pala. Nagdesisyon na rin akong umuwi at pagkarating ko ng mansyon, sinalubong ako ni Rosamie at pinagtulakan sa dining room para kumain. Nakaupo na roon sina Yhuno at Thri at mukhang may pinag-uusapan na importante base sa mukha nila. "Hey Carmella, your just in time. Teka, ang late mo ng umuwi ah, sabi ko naman sayo huwag kang magpaka overwork."Sabi ni Yhuno ng mapansin nila ako at umupo naman ako sa isa sa mga upuan. Malakas na tumunog ang tiyan ko ng makita at maamoy ang masarap na pagkain. "Tignan mo, nagpapagutom ka pa." "Sorry na, hindi ko napansin ang oras, eh. Ano ba ang p

