Epiosode 6

1510 Words
"O, hayan naman pala si Reyna," malakas na pagbanggit sa aking pangalan. Kagagaling ko lang mamili ng ulam namin ngayon sa buong maghapon kaya ako lumabas ng bahay at naabutan ko nga ang grupo ng kababaihan na ito na abala na naman sa kung sinong buhay ang pinag-uusapan at ngayon nga ng makita ako ay tinawag pa ako. "Reyna, nabalitaan mo na ba ang nangyari sa mag-asawang Monching at Cherna?" tanong ng isang babaeng kilala rin sa lugar namin bilang numero unong tsismosa. Wala akong balak magtagal o makipag kwentuhan pa sa kanila kaya naman nagmamadali akong naglalakad na tila walang naririnig. Kilala ko ang mag-asawa na binanggit nila. Iyong lalaki na pangalan ay Monching ay barkada ng kuya ko at asawa nga ng Cherna ang pangalan. "Hoy! Reyna! Nabingi ka na yata?" pangharang pa sa daraanan ko ni Aling Biday. Sa laki ng katawan niya at ng hinaharap niya na umabot na yata sa puson niya ay anong laban ng payat kong pangangatawan kaya naman napilitan na akong huminto kahit ayoko silang makausap. Unang-una, hindi ko alam kung nagsipilyo na ba sila dahil ayokong makaamoy ng mabahong hininga. Pangalawa ay naligo na ba sila dahil ayoko rin maka-amoy ng mabahong kilikili na akala mo ay pag-kamahal-mahal ng tawas para hindi sila makabili gayong pantaya maghapon ng jueteng ay mayroon sila. "Umiiwas ka yata sa tsismis, Reyna? Nakapagtataka naman gayong ikaw mismo ang pasimuno ng mga tsismis dito sa lugar natin?" tanong ni Aling Biday na nakangisi pa na litaw ang kanyang hindi pa nga nagsisipilyo na mga ngipin. Kadiri! "Umiiwas dahil alam niyang siya na naman ang dahilan ng pagkawasak ng isang masayang pamilya!" sulsol ng babaerong numero unong tsismosa na iba-iba ang tatay ng mga anak. Kung sino lang ang mapatulan kaya wala yatang yugto sa buhay niya ang hindi ko siya nakita na hindi buntis. "Ano naman ang ibig niyong sabihin na nakasira ako ng isang masayang pamilya, aber? Matagal ng may lalaki iyang si Cherna kaya kung nahuli na siya ni Monching sa pangangaliwa niya ay hindi ko na problema iyon dahil totoo naman." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nakita ko kasi si Cherna na may katagpuan na ibang lalaki ng minsan na kumain ako ng mag-isa sa isang fast food chain. Sinabi ko lang naman kung ano ang nakita ko at wala naman akong ibang dinagdag pa. "Hay, naku, Reyna! Binugbog ni Monching si Cherna na halos mapatay niya na talaga. Gumagapang na nga sa lupa si Cherna ng humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Nakakaawa talaga lalo pa at ang babata pa ng mga anak. Nasa ospital si Cherna at itong si Monching ay nakakulong na. Ang mga anak ay pinag tig-isa ng mga malalapit na kapitbahay para alagaan dahil pareho na hindi naman tagarito ang mag-asawang iyon," mga kwento ni Aling Biday. Kaya naman pala nila ako hinarang ay nauwi pala sa ganun ang mag-asawang iyon. Dapat sisihin talaga iyong si Cherna. Kung siya nangaliwa o iniputan sa ulo ang asawa niya ay hindi naman sila aabot sa ganitong sitwasyon. "Pero hindi ka naman nakakasiguro na lalaki ni Cherna iyong nakita mo, hindi ba, Reyna? Narinig mo ba ang naging pag-uusap nila para sabihin at ipangalat mo na sa mga kakilala mo na may lalaki si Cherna? Ang sabi kasi ni Cherna kay Monching ay ang lalaking nakatagpo niya sa fast food chain ay namili ng kanyang paininda online at doon sila nagkita na dalawa. At hindi totoo na nag holding hands, nagyakap at naghalikan pa gaya ng mga kwento mo." Pang-uusig pa ng babaeng tsismosa na maraming anak. At hindi ko napigilan ang kanang kamay ko na itakip ko na sa king ilong dahil nga naamoy ko na ang mabaho niyang hininga. "Wow! Ikaw pa talaga ang may ganang magtakip ng ilong gayong ikaw itong mabaho? Mabaho at napakabaho ng ugali mo, Reyna! Isa ka talagamg reyna ng mga tsismosa! Iyon lang at huwag na huwag ka ng magpapakita pa kay Cherna at kay Monching dahil baka ibaon ka na nila ng buhay!" At sabay-sabay na nagtawanan sina Aling Biday, ang tsismosang maraming anak pati na ang ibang mga kababaihan na kasama nila. "Ang galing niyo naman na pagtawanan ako gayong mga tsismosa rin naman kayo at hindi mapagkakait sa mga amoy at mga itsura niyo. Ang babaho ng mga bibig niyo isama na pati singaw ng mga katawan niyo. Sa halip na abangan niyo ako rito ay bakit hindi muna kayo magsipaligo ng bumango naman ang kapaligiran niyo!" pagtataray ko sa kanila. Hindi hamak naman na mas nakakalamang ako sa kanilang lahat kaya hindi ako dapat magpatalo. "Ang talas talaga ng dila mo, Ineng. Baka nakakalimutan mo na iisa ka lang laban sa amin? Kaya mag-ingat ka sa pang-iinsulto mo sa amin dahil baka hindi ka na abutan na buo sino man kina Monching at Cherna?" pagbabanta ni Aling Biday. Tinaasan ko naman sila ng kilay isa-isa at saka ko na sila tinalikuran pa. May punto rin naman sila at ayokong makipag-away na alam kong dehado ako. At saka, anong mapapala ko sa kanila? Si Aling Biday na kilalang magnanakaw kaya wala ng nagtitiwala na magpalaba ng mga damit. At ang tsismosang babae na maraming anak na lahat na hindi na ako magtataka kung lahat ng lalaki na kilala niya ay natikman na siya. "Mga walang magawa sa buhay! Hindi kaya magsipag walis ng kanya-kanya nilang bakuran para luminis naman!" himutok ko habang nagmamartsa na pabalik ng bahay namin. Minsan na lang ako lumalabas ng bahay ay natatapat pa akong makausap ang mga mababahong tsismosa. At bakit nila ako sisisihin kung bakit naghiwalay sina Monching at Cherna? Ako ba ang third party? Palibhasang nahuli na pero ayaw pang umamin ni Cherna kaya nagdahilan pa na online buyer niya. Hindi ko kasalanan na nagbugbugan ang mag-asawang iyon, ano? Pakialam ko ba sa kanila?! Sinabi ko lang ang kung anong nakita ko dahil nagtaka ako na may katagpuan na ibang lalaki itong si Cherna. Pagtatanggol ko pa sa sarili ko. Malapit na ako sa tapat ng bahay namin ng makitang naka abang naman si Marites sa tapat ng bahay niya kasama pa ang isang tao na natatakpan niya. Kapag nga minamalas ka nga naman. Ayoko na ngang makipagplastikan dito kay Marites dahil isa pala siyang kalaban at malaking tinik para sa minimithi kong pangarap. "Reyna, galing ka ba sa palengke? Sana pala ay nagsabi ka sa akin para na sabayan kitang mamili. Wala na rin kasi akong maisip na uulamin dahil wala na akong stocks," ani ni Marites na para bang kasalanan ko pa na wala na siyang pagkain. Syempre mas lalo akong napilitan na pakisamahan siya ng maganda dahil nga sa isang mundo lang ang aming ginagalawan. Mahirap na at baka may mga ka close siyang mga writer at ipagkalat pa na masama ang ugali ko at hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya. Ayokong masira lalong-lalo na sa mga readers ko kahit ilan lang naman sila. Ewan ko ba at hindi pumatok-patok ang mga sinusulat ko gaya ng sa ibang mga writer? Nakakasiguro naman ako na maganda ang mga sinusulat ko. Baka mga tanga na lang ang mga readers ngayon at hindi talaga alam kung ano ang mga magandang kwento. Susubukan ko nga sanang basahin ang mga naisulat na nitong si Marites pero mabuti na lang at hindi ko ginawa. Ayoko nga na makadagdag sa dami ng reads niya! Pilit akong ngumiti at binabaan ang aking tinig. "Naku! Nahihiya naman ako lalo pa at nalaman ko na isa ka pa lang sikat at magaling kang writer, Marites," nasusuka ako sa sarili kong arte. "Naku! Ano ka ba naman! Huwag mong sinasabi yan dahil hindi pareho lang tayong magaling na writer, " aniya naman sa akin na alam ko naman na may halong kaplastikan. Baka nga pinagtatawanan niya ako dahil nga alam niyang mas kilala siya kaysa sa akin. Muli kong sinulyapan ang tao sa likod niya ngunit nakapagtataka na nawala ito agad sa tabi niya. "Nasaan iyong katabi mo kanina?" naguguluhan kong tanong. "Ha? Sinong katabi? Nag-iisa lang ako rito, Reyna," sagot niya. Umiling ako. Alam ko kung ano ang nakita ko kaya alam kong may katabi siya kanina habang papalapit ako sa kanya. Ano? Minumulto na ba ako ng matandang babae na pinaghihinalaan kong patay na at pinatay na ng mag-asawang sugarol para makamkam na itong mga pag-aari niya? Pero hindi. Hindi totoo ang mga multo kaya hindi pa rin ako naniniwala. Baka namamalikmata na lamang ako dahil sa pagod sa paglalakad at nakipag sagutan pa nga ako sa mga mababahong tsismosa kanina na tinatakot pa sa pwedeng mangyari sa akin na as if naman na masisindak nila ako. Pwede rin namang gutom na ako dahil hindi pa ako nag aalmusal kaya kung anu-ano ng mga nakikita ko sa paligid. "Sigurado ka ba, Marites? Wala ka talagang katabi kanina?" paniniguro ko pa at saka pa ako umikot sa likuran niyang bahagi. Umiling si Marites at nagtataka pa sa akin. "Wala talaga akong kasama, Reyna. Wala ring ibang dumadaan dito simula ng makita mo akong nakatayo dito," paliwanag pa ni Marites.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD