Dahil sa nangyari ay muli kaming pinagharap ng elepanteng babae kasama pa ang ibang mga saksi na naroon sa pangyari. Hindi naman nila ako madidiin kahit magkampihan pa sila. Malinaw na malinaw sa kuha sa cctv camera ang lahat ng mga pangyayari. Lalo na ang pananakal sa akin ng elepante at panunuod lamang ng ibang mga naroon na para bang nasisiyahan pa kanilang napapanood. May benda sa ulo si Mila gawa nga siguro ng pagpukpok sa kanya ng isa sa mga saksi para bitawan lang ani Mila leeg na hawak ng dalawa niyang mga kamay na konting-konti na lang ay malalagutan na ako ng hininga. “Hindi ko po talaga alam ang nangyari. Maniwala po kayo, Sir. Ang tanging natatandaan ko na lang po ay sinasabunutan niya ako habang nakahiga na ako sa sahig. Pero iyong tungkol sa pananakal ko sa kanya ay hindi

