Pagkatapos ng babala ni Monica lumabas na siya sa silid ko. Nanghihina ako humiga sa kama at hinila ang puting kumot. Talagang hinayaan ni Rafael si Monica na saktan ako. Tumagilid ako at tumitig sa pader. "Diane!" Napabalikwas ako ng tayo sa tawag ni Matt. Mabilis siyang lumapit sakin at tiningnan ang mga kalmot sa mukha ko. "Bakit hinayaan mo na saktan ka ni Monica?" Napangiti ako ng mapait. Mukhang okay na siya. Maamo na muli ang mukha niya. "Naririnig mo ba ko?" Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa mukha ko. Tumango lang ako. Tumayo siya at bumaba muli. Huminga naman akong malalim at napatingin sa sira kong damit. Napapikit ako. Nakita niyang ganito ang suot ko. Nagmamadali akong tumayo. Ramdam ko ang init sa aking mukha ko. Umiling ako at kumuha ng damit. Pumunta ako sa banyo at

