Nakatingin pa rin ako sa pinto kahit wala na si Rafael doon. Ang galit na nagmumula sa kanya puso ay napakabigat. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Kung ako ba ang nasa posisyon niya ano ba talaga ang magagawa ko sa ganitong sitwasyon? Ang nag-iisang kapatid niya namatay tapos malalaman na lang niyang hindi aksidente ang lahat. Am I going to feel wrath? Pumikit ako at ang mukha ni ate Diane ang na isip ko. Nakataas ang kilay habang pulang-pula ang mukha. Ang mga salita niya na tagos hanggang buto. Napalunok ako at dumilat. I fully understand Rafael, but differently. Anger gives a hole in someone's heart, but why can't I let myself feel this? Am I not normal? Ngumiti ako ng mapait at naglakad palabas ng silid. Tahimik na sa baba. Maingat ang mga hakbang ko sa hagdan upang hindi makagawa

