Hindi matapos tapos ang sumisigaw na ligaya saking puso at ang mga paru paro sa aking tiyan ay patuloy ang paglipad. Matapos ang intimate kiss namin ni Rafael kanina nakita ko kung paano kuminang ang kanyang mga mata na para bang ako lang ang babaeng pinaglalaanan niya ng mapupusok na halik. Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking braso habang umaawit. Ang saya sa pakiramdam para na akong mababaliw. "Diane!" Napapitlag ako ng marinig ang sigaw ni Rica. Minulat ko ang aking mata at dinampot ang walis sa gilid. "Ano yun?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. "Anong nangyari sayo?" Pag-usisa nito. Umiling lamang ako at nagsimulang magwalis sa sala. Hindi na muli kumibo si Rica pero ramdam ko ang titig niya sakin habang nagwawalis ako. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kany

