Hindi ako makakibo kay Rafael habang nakatingin sa kanyang blangkong mukha. Makalipas ang ilang minuto nanginginig ang kalamnan ko at pinagpawisan ako ng malagkit sa sobrang tahimik ng silid. "Are you not going to answer me? Bakit? Natatakot ka bang makulong?" Kunot noo tanong niya. "Hindi! Dahil wala naman akong kasalanan." giit ko. He smirked and glared directly at me. "Are you not tired of pretending?" My spine quivered, and my face reddened. Pretending? Alam naman ba niya ang totoo? Hindi ko mapigilan at napasantinig ko ang nasa isipan. "Alam mo? Naniniwala ka na sakin?" Umiling ito at lumapit sakin. Bagsak ang balikat kong tumingin sa bintana. "Diane, can you stop telling people here that you are Michaela, especially Rica. Natutuwa ka bang nauuto mo siya!" Kuyom nito ang kamao

