"Pwede naman hindi kung ayaw mo, Diane" Kanina pa ako kinukulit ni Rica habang naglalakad kami pauwi. "Okay lang sakin at wala din akong mapupuntahan dito." Sagot ko pero sa loob loob ko inis na inis na akong sa mga ginagawa ni Rafael sa akin. "Sige, sabi mo yan. Di bale kasama mo naman ako at madali kitang matutulungan." Suhestyon niya na nakangiti pa. Tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Napahinto ako ng biglang humangin ng malakas at natakpan ang aking mukha. "Maari ba akong humiling sayo?" Biglang tanong ko kay Rica. "Ano iyon?" Tanong niya habang humaharap sa akin. "Tawagin mo na lang akong Michaela. Iyon talaga ang tunay kong pangalan." Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin at hinawakan ang aking noo. "May sakit ka ba?" "Wala." Umatras ako upang matangg

