Nagswimming lang kami ng nagswimming hanggang sa nagsawa kami at pakiramdam ko sobrang itim ko na hahaha hanggang sa nagyaya na sila kumain.
"Guys since two days pa tayo dito medyo naboboring nako baka gusto nyo lang naman,suggest ko lang" pagbabasag sa katahimikan ni mj.
"Ano yon?"
"What is it?"
"Arte naman neto" sabat ko.
"Spill it"
"So eto nga baka gusto nyo dun tayo sa rest house namin malapit lang naman dito yon,tapos da rest house namin may malapit rin falls don. May kotse naman siguro kayong dala dan?"
"Oo meron"
"G ba kayo?"
"Arat"
"G"
°°°°°°°
Nang mag gabi na,napagdesisyunan na namin na pumunta na sa rest house nila mj para daw dun na kami matulog at kasalukuyan na kami nasa sasakyan.
"Ilan kwarto nyo dun pre?" tanong ni ced.
"Apat lang pare,tag isa kami ng kambal ko tapos isa sa parents namin at isa guest room"
"May kambal ka?" gulat na tanong ko at nagulat rin ako bakit ako nagtanong.
"Yeah why? curious much?" pang aasar nya na naman sakin.
"Nah"
"Babae kambal nya hahaha may lahi talaga kambal sa family namin dshil ang mommy nya at mommy ko ay kambal" sabat ni rejs.
"Wow ang cool!!Pag nagkaanak tayo sana kambal rin" sabay akbay ni ced kay rejs.
"Ewww shut up yuck kaaa" biglang inalis ni rejs pagkakaakbay sakanya at nagtawanan lang kami ng nagtawanan habang nakasunod ang kotse ni dan samin,hanggang sa nakarating na kami sa rest house nila mj.
"Eh sis kala ko may rest house din kayo dito?"
tanong ko kay rejs pagkapasok namin sa bahay habang iniikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay,ang ganda infairness. Classy na Classy ang datingan halatang mayaman ang may ari at ni isang alikabok o dumi ay wala akong makita, siguro ay alaga parin to kahit walang nakatira.
"Oo nga dun lang sa kabilang kanto yung samin"
"Ang ganda nitong bahay nyo mj halatang alagang alaga" manghang mangha na saad ni aira.
"Nakapunta na kami dito babe pero matagal tagal na rin yun" sabat ni kit.
"Oo pre kasama pa ni mj si judy nun noh?" tawang tawang saad ni dan.
"Oo tol naalala ko nag away pa sila grabe yon si judy di ko kinaya"
"Kung di lang babae yon baka napatulan ko yon"
"Tumigil nga kayo don't say bad words" di ko mabasa kung anong expression na nasa mukha netong si mj dahil blanko.
"Tangina pre bitter ka parin?"
"Ulul pano ako magiging bitter eh ako nakipag hiwalay"
"Ex mo?" tanong naman ni jamie ann kay mj pero tinignan lang ni mj si jamie ann
"Oo baby" sagot naman ni dan
"Ang pangit non ewan ko ba dito kay teptep bat nabaliw don" sabat naman ni rejs.
"Ok naman itsura non,maganda din naman at sexy pero pangit talaga ugali" biglang hinampas ni jamie ann si dan dahil sa sinabi nito at umirap pa.
"Syempre wala ng mas gaganda pa sayo,wag ka magselos dun. Kay dandan yun hindi sakin" paglalambing naman na saad ni dan kay jamie ann,sabay yakap naman ni dan kay jamie.Ang sweet talaga nila.
"Ogag hindi na sakin yun noh"
"Ganun na rin yun pangit na rin sya dahil pangit ng ugali nya." biglang busangot ni rejs.
"Bakit mukhang inis na inis ka dun sa ex ni mj?" biglang tanong naman ni ced na mapang asar pati mukha.
"Duh sobrang attitude nun,ultimo akong pinsan pinagselosan at inaway away pa tapos nung nalaman na pinsan ako naging mabait sakin ako naman si tanga kala ko totoo yun pala kaplastikan lang,at the end inaway away parin ako at binackstab. Inis rin kaya si ica don"
"Who's ica?"
"Ayan oh,si jenica kambal ni mj" sabay turo ni kit sa picture frame na malaki na ngayon lang namin lahat napansin ang family picture nila. Ang gwapo ni Mj di ko maipagkaila,kahit sobrang nakakabwiset sya. Ewan ko ba nakakainis kasi syapero ang gwapo nya pala.
"Ehemmm" ubu-ubuhan ni mj
"Di ka parin ba nakakamove on sa kambal ko kit? Ayan oh may aira ka na" mapang asar na saad ni mj.
"Gago lakas mo mang ungas. Friends na kami ngayon nyan ni ica noh,in fact magkaibigan rin sila netonf si aira at nakwento ko na sakanya yon kaya di mo mauungas yan" pagyayabang ni kit.
"Yeah i know her,we're friends and napakilala ko na sya sayo jamie ann yung kasama ko sa school last time." paliwanag naman ni aira
"Oo naalala ko na"
"Taena nyo nawala lang ako di nako naging updated sainyo ah" sambit ni mj.
"Tama na nga yan,tara na at inaantok nako bukas na tayo magchismisan" inis na saad ni rejz,napakaantukin talaga ng babaeng to.
"Okay,sino ba magkakasama sa kwarto?" tanong ni mj.
"Kayong dalawa ni ced malamang" inis kong sambit sabay umirap ako sakanya.
"Yan ka na naman lava balls"
"Huy ang sweet"
"Ayieeee"
pangungutya nila sa amin na kinainis ko.
"Yuckkkk" diring diri kong saad.
"Kami ni racs magkasama sa kwarto" seryosong saad ni rejs na antok na antok na ang mukha.
"Kami ng mga sarili naming jowa"
"Okay ganito pre,kami ni cedrick sa kwarto ng parents ko,tapos kayo racs sa kwarto ni ica since natutulog din dati dun si rejs para di rin sya magalit if ever malaman nya,tapos pre dun nalang kayo ni jamie sa kwarto ko. Kayo kit dun sa guest room. Kabisado nyo naman mga kwarto at pasikot sikot dito kayo na bahala may ayusin lang ako sa kusina" mahabang paliwanag ni mj at nagtanguan lang kami.
Iniwan nya kami at pumunta ng kusina,kami naman ay umakyat na sa hagdan at pumunta sa mga sariling kwarto at ako sumunod lang kay rejs.
"Racs magsleep ka na rin ba?" tanong ni jamie
"Ewan ko lang"
"Pag di ka pa magsleep labas ka ah,pasok lang namin mga gamit namin tas baba rin kami eh."
"Okay sige" nakangiti kong saad kay jamie
"Ang ganda naman nitong kwarto ng kapatid ni mj,Ang ganda dito rejs."
"Ayusin mo na gamit mo dyan racs,sa susunod dun sa rest house namin dadslhin kita di ko kasi dala susi para puntahan sana natin."
"Ok lang sa susunod nalang rejs,magpahinga ka na alam kong pagod at antok na antok ka. Gusto mo bang gatas?"
"Wag na matutulog nako,ikaw bumaba ka na kung di ka inaantok"
"Sige ako na bahal magsleep ka na,goodnight"
nagbeso pa kami,ganto kami kasweet sa isa't isa ng bff ko.