5

1103 Words
Kanina pa ako pasimpleng sinisiko ni Isabella. Tahimik lang kasi ako sa sasakyan. Nasa backseat kaming dalawa, habang si Ninong Uno ay nagmamaneho. Hindi man lang n'ya tinama iyong sinabi n'ya kanina. Paano na lang maniwala talaga ang iba na magkapatid kami. Tapos malalaman nila in the very near future na ikakasal na kami. Ano na lang ang iisipin nila? Incest? Yuck. "Girls, gusto n'yo bang kumain?" "Bit, gusto mo bang kumain?" yugyog ni Isabella sa akin. Sa kagagano'n n'ya sa akin ay hindi na ako magtataka kapag nasuka ako sa sasakyan nila. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang sumagot. Tutal ikaw naman ang kapatid ng kuya mo." May diing ani ko sa kaibigan. Natawa ito. Gets nito kung bakit nananahimik ako ngayon. "Itinuturing ding kitang kapatid, Bithiah Verse. Pwede kang sumagot sa tanong ko." "Tse! Hindi kita kapatid, Ninong Uno. Magiging asawa kita." Mariing napaapak sa preno ang lalaki saka masama ang tingin nang sumilip dito sa pwesto namin sa backseat. "Stop it! It's not funny, Bithiah. I have a girlfriend." "Soon pa lang." "Anong soon pa lang?" "Soon-to-be girlfriend." Umiling ang lalaki nang makitang wala akong balak magpatalo. Saka ito umayos nang upo at nagmaneho. "Sinasagad mo talaga ang pasensya ng kuya ko, Bit." Bulong ni Isabella sa akin. "Mas masarap kung isasagad n'ya iyon ano n'ya---" "Iyong ano?" disgusted na tanong ni Isabella sa akin. "Iyong pagmamahal. Ano bang iniisip mo?" nakangising tanong ko. Hinila nito ang dulo ng buhok ko sa inis n'ya. "Wala." "Uuwi na tayo kung ayaw n'yong kumain." Napatingin kami sa harap. Daig pa kasi namin ni Isabella iyong may sariling mundo. "Gusto ko pala ng cheese cake." Biglang ani ko. Pagkakataon kong makasama ito, sasayangin ko pa ba naman? "Saang store ninyo gusto? Mayroon sa Alpha's Foodie, 'di ba?" "Meron. Pero huwag muna roon. Ituturo ko na lang." Kapag kasi sa Alpha's Foodie, may tendency na mabwisit ito sa akin tapos iwan na ako roon. For sure gano'n ang mangyayari. Araw-araw kong nasasagad ang pasensya nito. Kaya laging pikon ito sa akin. Wala naman akong ginagawang masama... minamahal ko lang naman siya. Masama ba iyon? Nakarating kami sa isa sa paborito naming coffee shop na may binebentang masarap na cheesecake. Si Isabella ang unang pinagbuksan nito ng pinto. Hindi ako kumilos hanggat hindi rin ako nito pinagbubuksan. Dapat fair ito. Nang pagbuksan n'ya ako ay mahinhin akong nagpasalamat. "Thank you, Ninong Uno." Pagkababa ko'y tumingkayad pa ako't mabilis na humalik sa pisngi n'ya. "Bithiah Verse!" galit agad. Dati naman ay humahalik ako sa pisngi nito, gano'n din siya sa akin. Pero after ng confession ko'y ilag na ilag na. Nagmahal lang ako, wala naman akong virus na dala-dala para iwasan nito. "Oh, nagagalit ka na naman. Kapag mag-asawa na tayo ayaw ko ng ganyan. Paano na lang kapag nagkaanak na tayo tapos maiksi ang pasensya mo? Naku! Naku!" "Stop it. Kung hindi ka titigil ay uuwi na lang tayo, o maiiwan kang mag-isa rito." "Sungit mo talaga. Sige ka, kapag naubos din ang pasensya ko'y magmamahal na lang ako ng iba." "Much better. Hindi ako pumapatol sa bata." Saka ito tumalikod at sumunod na kay Isabella. Hindi na ako bata. Ano bang tingin n'ya sa akin? Teenager? I'm eighteen na, 'no. Humabol na lang ako sa magkapatid. Nakaupo na nga ang mga ito pagpasok ko't paglapit sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Isabella, para mapagmasdan ko ang kagwapuhan ng panganay n'yang kuya. "Nag-order na ako. Ang tagal n'yo kasing sumunod." "Cheesecake sa akin?" tanong ko agad. "Oo. Alam ko naman ang favorite mo. Tapos nag-order din ako ng ice blended na mango graham." "Thanks, my friend. Kilalang-kilala mo talaga ako." "Of course, hindi pa nga tayo nakakapaglakad noon ay magkakilala na tayo." Tumango-tango ako. Iisang subdivision lang kasi kami ng mga ito. Doon kami sa The Alpha's Town, habang si Ninong Uno ay matagal nang lumipat sa Hombre Fuerte Homes. Eighteen na ako. Pwede na rin akong magkabahay roon. Pero hindi pa kasi sapat ang ipon ko para makabili. Saka na. Sila Isabella ay mayroon na silang bahay roon. Ako, wala pa. Si Shengsheng ay wala pa rin. Karamihan ng members doon ay mga kuya namin na may mga trabaho na at afford nang bumili ng lupa roon. Mas madalas sa free time ni Ninong Uno ay roon siya nananatili. Kaya mine-make sure ko ring naman na naroon ako. Hindi s'ya pwedeng malayo sa paningin ko. Baka may makasungkit na iba, eh. "Nag-order ako ng coffee for you, Kuya." "Thanks, Isa." Kapag kapatid n'ya ang kausap n'ya ay ang lambing n'ya. Kapag sa akin ay para lang kaming nasa classroom. Strict. Professor na professor ang datingan. Kaso siyempre, kahit gano'n ang datingan nito ay ako naman itong estudyante na matigas ang ulo. Papalagan siyempre siya. Nang dumating ang order namin ay paunti-unti lang ang subo ko. Titigan ko pa lang kasi si Ninong Uno ay pakiramdam ko'y nabubusog na ako. "Stop looking at me like that." Saway nito. Hindi nga nakatingin sa akin, pero alam n'yang tinititigan ko siya. May third eye ata ito. "Hindi kita tinititigan, Ninong." "Liar." "Paano mo nasabi? Hindi mo nga ako tinitignan. Saka oo nga pala, hindi mo dapat ako ipinahiya ng gano'n sa classroom kanina." Wala lang. Naalala ko lang. Feel ko lang alalahanin para makausap ko ito. "Hindi kita ipinahiya, Bithiah Verse." Nagsalubong ang kilay ng lalaki saka napatingin sa akin. Waring iniisip kung nagawa nga ba n'ya iyon. "Yes, you did! 'Di ba, Isabella?" kinalabit ko si Isabella na abala sa phone n'ya. "Ha?" takang tanong nito sa akin. "Hindi ka nakikinig sa amin?" "H-indi. May kausap kasi ako... I mean ka-chat." "Hindi ba't ipinahiya ako ng kuya mo kanina sa klase?" "I did?" tanong nito sa kapatid. Si Isabella ay umiling. "Yes, he did! Kanina. No'ng magpapa-check ako ng papel." "Hindi kita ipinahiya, Bithiah Verse. Never kong gagawin iyan sa mga estudyante ko." Pwede naman n'yang sabihin na never n'ya akong ipahihiya. Talagang estudyante pa ang tinukoy n'ya. "Pero ginawa mo---" "Pinaupo kita dahil magche-check pa. Para kang hindi nag-grade 2." Natawa ako. "Hoy! Nag-grade 2 ako. Ikaw pa nga minsan naghahatid sa akin." "Dahil ayaw mong pumasok na hindi ako ang naghahatid." Parang nagrereklamong ani nito. "Oh, iyon nga! Kaya alam mong nag-grade 2 ako." "Ewan ko sa inyong dalawa." Naiiling na ani ni Isabella. "Kumain na nga muna tayo. Kuya, iyang coffee mo lalamig na." Ipinagpatuloy ko ang pakonti-konting subo. Pero sa tuwing may pagkakataon at nagkakatitigan kami ni Ninong Uno ay kinikindatan ko ito. Lahat ng chance ay kukunin ko. Mapakilig ko lang ang soon-to-be senior na lalaking mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD