Maaga akong nagising lalo na at hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi. Namumugto ang mga mata ko sa kakaisip at kakaiyak kung napano na si lola. Saan siya pumunta? Sobra akong nag aalala. Naalala ko noon ang mga panahon na nag 18th birthday ako sa mansyon ng mga Septimo. Isang taon ang tiniis ko na hindi makita si lola tapos malalaman ko na ganito? Nilibot ko ang tingin sa paligid ng condo unit na ngayon ay akin. Sa tanang' buhay ko hindi ako aakalain na magkakaroon ako. Sa katunayan niyan ay mas gusto ko ang dating pamumuhay ko. Iyong sa baryo lang. Alas singko, gising na kami at umiinom na ako ng gatas habang nagsasaing. Naiinitan ang katawan dahil sa panggatong na nasa harapan. Malamig ang simoy ng hangin sa amin dahil sa payak at kahoy lang yari ang aming bahay. Hindi man kami nak

