Chapter 4

1760 Words
                              PILIT NA PINAPAKALMA ni Zeus ang kanyang sarili. He is seeing red. He wanted to kill those bastards who hurted his mate. He want to see them dead. How dare them! He inhaled deeply. Sumulyap siya sa loob ng kanyang silid. Dito niya dinala ang kanyang mate at kasalukuyang ginagamot ng kanyang ina at ni Dr.Emerald ang kanyang mate. Marami itong sugat at may mga pasa pa. His hands fisted. He need to calm down. Tumalon siya paibaba mula sa terrace ng kanyang silid. Swabeng lumapag ang paa niya sa lupa. Agad siyang tumakbo patungo sa Dark Forest. I want to kill them! Hell angrily said. Me too, Hell. But we need to calm down. Hindi dapat emosyon natin ang mangibabaw dahil baka pagsisihan natin sa huli ang gagawin natin. Kalmadong saad niya. Let me out. Hell said. Let's go for a hunt. Aniya at mabilis na nag-shift in his wolf form. A black wolf. When Hell started to jog, his paws are thumping on the forest floor. Ilang minuto pa silang naghahanap ng pagkain at sa wakas ay nakahanap sila. Hell let out a 'grrrr' sound. Nagtago sila sa nakatumbang patay na puno. Pinagmasdan ni Hell ang isang usa na kumakain. Nang medyo malapit na ito sa kanya ay mabilis niya itong sinunggaban at kinagat sa leeg. PAGBALIK niya sa palasyo ay nakita niya ang mga kapatid niya sa labas ng palasyo at mukhang hinihintay siya ng mga kapatid niya. He shift into his human form. Agad naman siyang hinagisan ni Zane ng cargo pants at isinuot naman niya 'yun. "Kanina ka pa namin hinihintay." Sabi ni Zeke. Kumunot ang nuo niya. "Bakit?" Napabuntong-hininga ang mga ito. "Ang mate mo—" "Bakit may nangyari ba sa kanya?" Nag-aalala niyang tanong at mabilis na pumasok sa palasyo. Nakasunod naman ang mga ito sa kanya. "Nagising na siya kanina pero nagwawala. Kinailangan pa siyang turukan ni Dr. Emerald ng pampatulog." Sabi ni Zion. "Natakot yata kay Dad." Sabi ni Zane at natawa. "Sinamahan niya kasi si Mom na magbantay sa mate mo pero nang magising siya at makita si Dad, nagsimula ng magwala." "I need to see her." Sabi niya pero pinigilan siya ni Zeke. "Magsuot ka muna ng matinong damit." He sighed. "Nasa kwarto ko ang damit mo." Sabi ni Zion. "Okay. Thanks." Sabi niya at dali-daling pumunta sa silid ng kakambal. Agad naman niyang nakita ang damit niya na nakalapag sa kama nito. Isinuot niya 'yun bago siya nagtungo sa kanyang kwarto. Pagpasok niya ay nandun na ang mga kapatid niya,his parents, Dr. Emerald. Gerald and the twins, Cassy and Aled. Kinunotan niya ng nuo ang tatlo nilang kaibigan. "Anong ginagawa niyo dito?" Nagkibit ang mga ito ng balikat. "Gusto lang naming makita ang mate mo—" he growled at Aled. Agad naman itong nagtaas ng kamay. "Easy, Zeus. Huwag kang masyadong seloso. Hindi 'yun maganda sa kalausugan." He rolled his eyes. Tumuon ang atensiyon niya sa kanyang mate. May benda ang nuo nito at braso. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha nito. She's beautiful.   Puri ni Hell. Yeah, beautiful. Tumikhim si Dr. Emerald para kunin ang atensiyon nilang lahat. Tumingin siya kay Dr. Emerald. "What happened to her?" Tanong niya. "Bakit punong-puno siya ng dugo nang makita namin siya?" Dr. Emerald sighed as it was heavy for him to say what really happened to his mate. May mga ipinakita itong X-ray sa kanila. "We're not doctor like you, Dr. Emerald.  Hindi namin naiintindihan kung ano ang nasa X-ray." Sabi ng kanyang ama. Dr. Emeral sighed again. Ipinakita nito ang isang X-ray. "This is the X-ray of her ankle." Tumaas ang kilay nilang lahat. "Please, straight to the point, Doc." Sabi ng kanyang ina. "Ayon dito sa X-ray, nagkaroon siya ng maliliit na fracture sa buto. Ang ibang fracture ay pahilom pa lamang at ang iba naman ay naghilom na." "Wait! Paano siya nagkaroon ng fracture sa paa?" Tanong ni Zeke. "Ang fracture na ito ay mula sa isang mabigat na bagay. It could be noong bata pa siya ay nakakabit na ito sa kanyang ankle at dahil mabigat ay hindi kaya ng paa niyang buhatin." Sabi ni Dr. Emerald na ikinakuyom ng kamao niya. "Chain." Sabi ng kanyang ama. "Yes, Alpha King. It could be chain." Pagtango ni Dr.Emerald. "So heartless..." Mahinang sabi ni Cassy. "Dr. Emerald, ano ang nakita natin sa likuran niya? Sabihin mo mali ang iniisip ko hindi ba—" "Anong nasa kanyang likuran?" Sabad niya. Tumingin sa kanya ang ina. "She have many wounds at halatang sariwa pa." "Tama ang iniisip niyo, Luna Queen." Sabad ni Dr. Emerald. "Oh moon goddess." Bulalas ng kanyang ina. Nagtaka naman silang lahat. "Aabutin ng ilang buwan bago tuluyang maghilom ang mga sugat niya sa kanyang likuran." Napailing si Dr. Emerald at tumingin sa kanyang mate. "This kid suffered. Kung pagbabasehan ang mga sugat niya sa kanyang likuran, hindi maganda ang naging buhay niya. Halatang hampas ng mga latigo ang mga sugat sa kanyang likuran." Everyone gasped except his mother and Dr. Emerald. He growled. "I will kill them!" Nanginginig siya dahil sa galit. Papatayin niya oras na malaman niya kung sino ang nagpahirap sa kanyang mate. Susunugin niya ang mga ito ng buhay. Napatingin siya sa kanyang kamay nang maramdaman niyang may lumabas na apoy. "Anak, kumalma ka." Sabi ng kanyang ama at tumingin kay Dr. Emerald. "Bakit siya biglang nagwala nang makita niya ako?" "It could be trauma, Alpha King. Siguro may nakita siya sa'yo na nagpapaalala sa kanya ng sakit na dinanas niya or it could be natakot siya sayo." Ngumuso ang ama at yumakap sa asawa nito. "Baby, hindi naman ako mukhang nakakatakot 'di ba?" Napailing siya. Natawa naman ang iba. Kinalma niya ang sarili at unti-unting nawala ang apoy sa kanyang kamay. Tumingin sa kanya ang ama. "You can take over my position now. You already found your mate—" "She's a human, Dad. Please, huwag niyo munang ibigay sa akin ang pagiging Alpha King. Kailangan ko munang kilalanin ang mate ko. Sana maintindihan niyo." Tumayo siya at yumuko. "Okay ... I understand." "Thank you, Dad." "Ah, duty calls..." Yumuko si Gerald bago ito umalis. "Yeah, duty calls..." Sabi ni Cassy at Aled. Yumuko rin ang mga ito bago umalis. "And I should take my leave now..." Yumuko si Dr. Emerald at umalis na rin. "Zeus." Tawag sa kanya ng ama. "Yes, Dad?" "Full moon mamayang gabi. Now that you already found your mate. Mas lalo pang lalakas ang kapangyarihan ni Hell at magiging agresibo kayong dalawa para markahan ang mate niyo. I suggest, doon ka muna magpalipas ng gabi sa Dark Forest para hindi mo naamoy ang amoy ng mate mo..." Seryosong sabi ng ama. "But—" "—Zeus, this is for own good. Tao ang mate mo at hindi sila naniniwala ng basta-basta lamang. Just follow your father's advice and we will be all good. Alam kong ayaw mong saktan ang sarili mong mate." Masuyong sabi ng kanyang ina. He sighed and nod his head. "Don't worry, Mom, Dad. Akong bahala kay Zeus. Itatali ko na lang siya." Sabi ni Zeke. Nginisihan niya ito. "You do know na walang kahirap-hirap para sa akin na sunugin ang mga ugat mo." Sabi niya. "Excuse me, nandito naman ako." Sabi ni Zane. "My ability is water so you can't." Sinamaan niya ito ng tingin. Napailing naman si Zion. "Hapon na." Tumingin ito sa kanya. "Bago dumilim dapat nasa Dark Forest ka na dahil kung hindi ay bubuhatin ka ng ipo-ipo ko papunta doon." He sighed again. Bakit parang pinagkakaisahan siya ng mga ito? Napailing siya. "May gagawin pa kami, anak." Paalam ng mga magulang nila at umalis. Sunod naman na umalis ang kanyang mga kapatid. He looked at his mate. Umangat ang kamay niya para haplusin ang buhok nito. Hell?   Tawag niya sa kanyang wolf pero hindi ito sumasagot. Hell?    He sighed. Hinayaan na lang niya ang lobo niyang magpahinga.                            MAXINE OPENED HER EYES. Una niyang nakita ang mga chandeliers sa kisame. Apat na chandeliers ito at alam niyang gawa ang mga ito sa dyamante. Kumunot ang noo niya. Nasaan ako? Biglang nag-flash sa isipan niya ang nangyari sa kanya. Ang pagtakas niya sa Dark Moon Pack. Ang mga sugat na natamo. Bumalikwas siya ng bangon. Napahawak siya ng bigla siyang nahilo pero may nakapa siyang benda sa kanyang nuo. May benda rin sa braso niya. At balot rin ng benda ang katawan niya. Ramdam niya ang hapdi ng mga sugat niya. Tumingin siya sa bintana at nakita niyang madilim na sa labas. Nang makarinig siya ng alulong ... nakaramdam siya ng kilabot. Pamilyar sa kanya ang mga alulong na 'yun. Alulong 'yun mula sa isang nilalang, mga lobo. Napalunok si Maxine at kinabahan. Malayo naman siguro ang mga lobong 'yun kung saan siya naroroon dahil mula naman sa malayo ang mga alulong. Bumuga siya ng hangin. Dahan-dahan siyang bumangon habang tinitiis ang hapdi ng mga sugat niya. Nasaan siya? Ipinalibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. There's a set of sofa. May nakita siyang malaking painting na nakasabit sa pader. Painting ito ng isang pamilya. Hindi siya pamilyar sa mga ibang kagamitan na nasa kwarto dahil wala naman siyang nakitang ganun sa kwartong tinutuluyan niya sa Dark Moon Pack. Pero ang alam niya ay halos lahat magara ang mga kagamitan na nasa loob ng kwarto. Napatingin siya sa sarili at nagtaka nang makitang iba na  ang suot niyang damit. Kulay light blue na dress. Ligtas ba siya dito? Kumunot ang nuo niya nang maamoy niya ang isang pamilyar na amoy. It makes her calm. Humiga siya ulit sa malambot na kama at huminga ng malalim. Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito. Mabilis niyang ipinikit ang mata. Pinakikiramdaman niya kung sino ang pumasok. Pinatalas  niya rin ang kanyang pandinig. She heard a sighed. Hindi siya sigurado kung babae o lalaki ang pumasok. Maxine act like she was sleeping. "Luna Queen, naihanda ko na po ang maaligamgam na tubig." Ani ng isang boses babae. Luna Queen? Nasaan na nga ba niya ulit narinig 'yun? "Pakilapag sa nightstand." Ani ng isang malambing na boses. "Prince Zeus's mate is really beautiful." Narinig niyang tumawa ang may-ari ng malambing na boses. "Natutuwa nga ako at nahanapan na ni Zeus ang mate niya. Sana lang matanggap siya nito." "Sana lang po, Luna Queen." May humawak sa pulsuhan niya at pinunasan ang braso niya. "Hindi ko maiwasang maawa sa batang 'to. Kung pagbabasehan ang mga sugat niya, mukhang pinahirapan siya. Galit si Zachariah dahil sa sinapit ng batang 'to. Hinihintay na lang siyang magising para malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya." May himig na galit na sabi ng may-ari ng malambing na boses. Patuloy ito sa pagpupunas sa kanya. Naalala niya ang kanyang ina. Ganito ang ginagawa sa kanya tuwing nagkakasakit siya. She misses her mother so much. At hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil unti-unti siyang hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD