Serah's Pov: Kumurap-kurap ang aking mga mata nang maramdaman na may kung anong hangin ang umiihip sa aking kanang mata. I squinted my eyes to see his blurry figure beside me. Nang tuluyang imulat ko iyon ay ang nakangiting Zamiel ang aking unang nasilayan habang mahinang hinihipan ang aking kanang mata. Oh, s**t! Why is he so gwapo? Hindi ko tuloy maiwasan na kagatin ang aking pang-ibabang labi. He looks so good, when he smiles. "Akala ko matatagalan pa akong gisingin ka, e!" Nakangiting sambit ni Zamiel habang nakadukwang sa akin mula sa aking tabi. "Halika na, narito na tayo!" Untag niya pa. Napasinghap ako nang dumukwang siya at tanggalin ang pagkaka-kabit ng aking searbelt. Nag-init ang aking pisngi sa kan'yang ginawa sa sobrang lapit niya sa akin ay nahigit ko ang aking hininga.

