Serah's POV: Panay ang silip sa akin ni Zamiel habang nakaupo ako dito sa lamesa katabi ang mga kasambahay. Abala kaming gumagawa ng pang-dekorasyon dito sa labas lamang ng mansyon, habang sila ay tanaw naming nagpe-prepare ng mga iha-handang pagkain. "Para palang fiesta ang birthday ni lolo," sambit ko kay Bettina habang naggugupit ng mga makukulay na crip paper. "Ay, oo! Ganyan talaga dito, may bonggang party pa kadalasan ngunit dahil wala ngayon si senyorito Sebastian, ay ang malalapit lang na kaibigan at mga kamag-anak ang imbitado sa maliit na salo-salo. Ayaw ng matanda na mag-celebrate na wala ang kan'yang tunay na apo. Maliit na salo-salo pa ba itong nagpatay baboy sila at 'di magkumahog ang mga kasambahay sa dami ng inaasikasong paghahanda. Napailing na lamang ako sa kan'yang

