Abby's POV: Kinabukasan ay nagising na lang ako sa malakas na ulan sa labas, kasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pagkulog ng malakas. Tila may bagyo ata kaya walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Napansin ko pa na tulog na tulog si Rem sa aking tabi. We cuddled last night like i'm his girlfriend. Kinumutan ko siya nang mapansing nakababa na ang kumot niya. Habang nakatingin sa kan'yang mukha ay kung minsan talaga nakakalimot ako na bakla siya. Mukhang lalakeng-lalake kasi siya. Tulad ngayon, ang g'wapo-g'wapo ng kan'yang mukha. Tila walang bahid ng kabaklaan. Hindi ko na namalayang napapangiti ako kahit paano. Bumangon ako at dumeretso sa lumang kabinet na naroon. Napangiti ako nang makitang maayos na nakatupi ang ibang mga damit ko at ang iba naman ay mga naka-hanger na. Kumuha lamang ak

