NATHALIE'S POV
Ilang minuto kaming tahimik sa isang kwarto. Pati ang kambal nakatulog na. Nagpaalam sila Clyde at Dake na lalabas para tumawag ng security.
"S-sino kaya yon?"-Tanong ni Vivian.
"Tsaka ang lakas ng loob magpaputok ng baril."Dagdag nito.
Napapaisip na lang ako, kailangan kong makausap sila Jake. May gusto akong malaman.
"Dumito' mo na kayo. Di natin matitiyak na ligtas agad tayo."-Biglang sabi ni Dake. Tinignan ko si Six at Jake na seryoso silang nag iisip.
"O-okay."-Sagot nilang lahat.
Lumipas ng ilang oras kanya-kanyang gawain kaming lahat. Si Clyde at Dake nasa kwarto kasama ang kambal na tulog. Sila Vivian at Blythe nasa kusina nagluluto sila ng dinner.
Hinanap ko sila Six, nakita ko agad sila sa sala habang nag sisigarilyo si Six. Ito na siguro yung pagkakataon na makausap ko sila.
"Can we talk?"-Sabi ko.
"May gusto akong malaman."-Agad kong sabi. Pinatay agad ni Six ang sigarilyo niya. Alam niya kasi na may hika ako.
"Ano yun'?"-Seryosong sabi ni Jake.
"Actually, kailangan ka din namin makausap."-Sabi naman Ni Jake.
"Nung nag ka amnesia ba ako, may nakaaway ba kayo dahil sa akin?"-Bigla silang nagkatinginan.
"Oo."-Seryosong sagot ni Six.
"Ano bang nagawa ko non? At napaaway din kayo dahil sa akin?"
"Ginito kasi yon..."- Huminga muna si Jake ng malalim.
"May amnesia ka pa non, nag bar ka. Tapos may bumastos sayo. Inaaya ka makipag s*x. Ngayon, sinundan ka naming tatlo nila Zach. Actually si Zachary talaga ang sumusunod sayo. Kaya yon' tinawagan niya kami. Sinabing susundan ka namin sa Bar. Tapos narinig namin yung sinabi nong' manyakis sayo. Nabugbog namin, sa sobrang galit ni Zachary. Kinabukasan nalaman na lang namin na...."-Napatakip ako ng bibig.
"N-namatay pala yung binugbog namin. Dahil lasing din siya, iniwan namin sa gilid ng kalsada. Hindi namin alam kong' bakit siya namatay. Sabi ng iba naglakad siya sa kabilang daan tapos nabunggo siya ng Truck."-Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ng dahil sa akin, napaaway sila. At yung binugbog nila namatay dahil sa akin? Pinikit ko ang mata ko. Pilit kong inaalala yung oras na sinabi sa akin ni Kara na may Kuya siya? Tapos namatay dahil sa akin? Sa amin? Di kaya yung Kuya niya yun yung nabugbog nila? Tapos ngayon nag hihiganti si Kara?
"Oh my god."-Napatakip ako ng mukha.
"Are you okay?"-Tanong nila sa akin.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?"-Seryoso kong tanong.
"Ngayon lang kami nakahanap ng tyempo."-Sagot ni Six.
"Shit."-Napamura na lang ako ng magka connect lahat ng nangyari sa akin noon at ngayon.
"Alam niyo ba kung sino yong' nabugbog niyo?"-Tanong ko sa kanila.
"H-hindi."-Sagot nila.
"Kuya ni Kara."-Pagkasabi ko nanlaki ang mata nila.
"Fvk! Are you fvking seriously?"-Gulat na tanong ni Jake. Na napamura din siya sa gulat.
"Yes, sinabi niya sa akin nung' huli kaming nagkaharap."-Tinignan nila ako.
"Nagkaharap? What do you mean?"-Gulo na tanong nila.
"Nagkaharap kami, pinapunta niya ako sa lumang lugar. Akala ko yun na yong' huli kong buhay. Di pala. Sinabi niya sa akin tungkol sa Kuya niya. Gulong-gulo ako non. Kaya nabaril ko siya ng tatlong beses. Hindi ko alam kong saan banda ko siya nabaril. Basta ang pagkakaalam ko nahulog siya sa sahig na puno ng dugo."-Gulat na gulat nila akong tinignan.
"God! Bakit di namin alam ito? Alam ba ni Clyde?"-Tanong ni Jake.
"No, hayaan niyo na lang akong sabihin sa kanya."-Sagot ko.
"Yon' pala yon? Gets ko na!"-Sabi naman ni Six.
"Kaya todo ingat tayo, lalo na kayo ng mga anak mo. Kung di ka ang gagalawin, malamang ang mga anak at ang asawa mo."-Natahimik ako sa sinabi ni Jake. Oo tama siya, mag double ingat kaming apat.
"Kailangan malaman to' ni Dake. Kasi siya ang nakakaalam ng pwedi nating gawin. Alam mo naman si Clyde walang alam sa ginagalawang mundo natin."-Sambit naman ni Six.
"Sabagay."-Sagot ko.
"Kakain na!"-Sigaw nila Blythe.
"Tara?"-Tawag din ni Six at tumayo na din kami. Sakto pababa na din si Clyde.
"Where's Dake?"-Tanong ni Vivian.
"Tulog."-Sagot niya.
"Babe, im hungry."-Bulong sa akin ni Clyde.
"Kakain na tayo, babe."-Bulong ko din. Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko.
Kumain lang kami ng kumain. Si Six di nagpapaawat sa kalukohan niya. Kaya ayon' lagi kaming nagtatawanan. We are all happy pero kinukutuban ako.
'ANG SAYA NAPAPALITAN DIN NG LUNGKOT.'
~~~~~~~