“Ma'am Grasya, lilinisan ko lang ho kayo ng katawan, ha,” paalam ni Emy sa among babae na pirmis lang naman na natutulog. Humihinga at nabubuhay na lamang dahil sa mga aparato na nakakabit sa kanyang katawan.
Ang gagawin lang naman ni Emy ay pupunasan ang katawan nito at papalitan ng malinis at bagong damit.
“Ilang buwan ka na kayang ganito lang si Ma'am Grasya?” sa isip ni Emy na dahan-dahan ang paggalaw sa among babae dahil baka sa isang maling galaw ay maaalis ang isa sa mga nakakabit dito at biglang may mangyaring hindi maganda.
Ang sabi naman sa kanya ay isang beses lang pinapalitan ng damit ang amo sa loob ng isang araw kaya kumbaga kapag natapos niya ng gawin ay makakahinga na siya ng mabuti.
“Ano bang nangyari sayo, Ma'am at nauwi ka sa ganitong kalagayan?” mahinang bulong ni Emy dahil bawal na bawal ang magtanong lalo ng mga personal.
Basta ang alam ni Emy ay mag-aalaga nga siya ng babaeng comatose at magkakaroon ng extra service sa lalaking amo. Ang gusto rin daw ni Mang Raul ay isang p****k na babae. Malandi at puta at handang gawin ang lahat sa ngalan ng pera. Pero bago nga niya tanggapin ang offer ay sinabi rin kay Emy na malupit si Mang Raul at walang awang nanakit ng pisikal. Sa oras na pirmahan niya ang kontrata at tangggapin ang kalahati ng malaking kabayaran ay wala na talagang urungan. Kaya pinag isip muna ng mabuti si Emy bago talaga ibigay sa kanya ang trabaho. Pero sino naman ang hindi nangangailangan ng pera lalo pa at malaking halaga? Dala ng matindi rin na pangangailangan kaya talagang walang pag-aatubili na tinanggap ni Emy ang trabaho.
“Madali lang kung tutuusin ang pag-aalaga sayo, Ma'am Grace. Buwis-buhay nga lang ang paglilinisan ka at papalitan ng damit dahil sa mga aparatong nakakabit sayo,” ani pa ni Emy na dahan-dahan lang talaga sa pagkilos. Ingat na ingat na para bang ang nililinisan ay babasaging kristal.
“Pero nakakainggit ka, Ma'am. Biro mo mahal na mahal ka ni Mang Raul. Inaalagaan ka ng mabuti at pilit na binubuhay kahit ang totoo ay kapag nawala ang isa sa mga aparatong to sa katawan mo ay maaari ka ng mawala,” sambit pa ni Emy sa natutulog na amo.
“Biruin mo at kumuha pa ho siya ng kagaya ko para alagaan kayo at hindi kayo bumaho,” dagdag pa ni Emy.
“Dati siguro mabait talaga si Mang Raul pero simula siguro ng may mangyari nga sa inyo ang ganito kaya siya naging aburido at magagalitin hanggang sa naging malupit talaga,” sapantaha pa nga ni Emy at saka na pigil ang hininga na pinalitan ng malinis na damita ang among babae. Kailangan din palitan ang punda, kumot at kubre kama sa higaan nito.
Pakiramdam ni Emy ay nagbutil-butil ang kanyang mga pawis dahil nga kinakabahan sa ginagawa.
“Emy, ano ba itong pinasok mo? Bugbog ka na nga kanina ngayon naman ay malalagutan ka ng hininga sa laging pagpigil?” ang sermon ng babae sa kanyang sarili ng matagumpay na ngang magawa ang dapat gawin.
“Ma'am Grace, iwan ko na muna ho kayo. Lalabhan ko ho itong mga mga pinaggamitan niyo at saka ako maglilinis ng bahay,” paalam na ni Emy sa among babae na tulog pa rin naman.
Malinis naman ang loob ng bahay kung tutuusin dahil wala naman talagang magdudumi dahil dalawa lang ang nakatira at tulog pa maghapon at magdamag ang isa.
“Sa labas na lang ako ng bahay magwawalis at maglilinis,” ang sabi ni Emy ng wala namang gagawin sa loob ng malaking bahay pero parang wala namang nakatira.
Lumabas nga ng bahay si Emy at talagang napakalawak ng buong bakuran nito. At kung araw-araw siyang wawalisan ang mga tuyong dahon sa buong paligid ay baka kulang ang bente kwatro oras sa sobrang lawak.
“Ang laki at lawak ng lugar pero malungkot,” ani ni Emy dahil kahit saan naman siya tumingin ay walang bakas ng kasiyahan.
Naghanap ng walis tingting si Emy para simulan ng walisan ang buong paligid dahil talagang nagkalat ang mga tuyong dahon.
“Bakit narito ka sa labas?!”
Napatalon sa gulat si Emy ng marinig ang sigaw ni Mang Raul.
“Para ho magwalis at maglinis, Mang Raul,” natatarantang sagot agad ng babae na mahigpit na nahawakan ang walis tingting.
“Hindi ba nasabi sayo na bawal lumbas sa loob ng bahay? Ha?!” asik na tanong ni Mang Raul at nilapitan pa si Emy para hawakan ang panga ng mahigpit.
“Unang araw mo pa lang ay may nalabag ka ng batas!” singhal pa ni Mang Raul.
“Sorry po, Mang Raul. Hindi na po mauulit. Ang akala ko po kasi sa bawal lumabas ay doon po sa labas ng bakuran,” sabay turo pa ni Emy sa malaking gate na bakal ng buong bakuran.
“Pasok!” nanlilisik ang mga mata na utos ni Mang Raul kaya naman nagtatakbo na si Emy sa loob ng bahay at basta na lang hinagis ang walistingting sa gilid ng bahay kung saan niya ito nakuha.
Hindi nga malaman ni Emy kung saan siya pupunta. Kung magtatago ba siya sa kwarto niya o babalikan niya ang among babae at tatanuran maghapon at magdamag.
“Nakakatakot pala talaga si Mang Raul. Bakit naman bawal lumabas na nasa loob ang ako ng kanyang bakuran? Natatakot ba siya na baka takasan ko siya?” mga tanong pa sa sarili ni Emy.
Ilang ulit rin siyang nagbuntong-hininga para mapakalma ang sarili dahil sobrang kinakabahan sa pinapakitang ugali ni Mang Raul.
“Emy! Lumabas ka riyan na p****k ka!” napasinghap ang babae sa malakas na pagtawag ng among lalaki pero kahit gustong manginig ng buong katawan ay nagawa niya ng kumalma at lumabas nga ng kwarto.
“Sorry na, Mang Raul. Nagkamali kasi ako ng intindi sa bawal lumabas. Totoo ang dahilan ko at sana maniwala ka talaga sa paghingi ko ng sorry,” ang malambing na paghingi ng sorry ng babae na hinawakan pa ang dibdib ni Mang Raul para haplusin.
Ngunit madiin na madiin na hinawakan ng among lalaki ang kanyang kamay.
“Isipin mong mabuti ang mga bawal sa bahay na gawin sa bahay na ito dahil sa susunod na magkakamali ka ay hindi ko na maipapangako na hindi kita pagbabayarin. Pasalamat ka at nagustuhan ko ang pag iyot sayo kanina pero sa susunod ay baka may magawa na talaga ako sayo na pagsisiha mong p****k ka,” pagbabanta ni Mang Raul sa babaeng tagapangala ng kanyang comatose na asawa.