"Hindi ginawa ang break up
para masaktan at lumuha.
Ginawa ito para ilayo ka
sa maling tao na akala mo ay tama.. "
******
Kari's POV
After ng meeting ay dumerecho na si Flynn kay Stef, ako nalang ang pinabalik nito sa office.
Hay.... buti pa si Ms. Stef, may gf na katulad ni bakulaw. Isang taong handa yatang gawin lahat para sa taong minamahal niya.
Hindi ko nanaman tuloy maiwasan hindi isipin si Nico... hanggang ngayon ay hindi ito nagpaparamdam.
Bakit ganun? Bakit parang unti unti ng nagbabago si Nico. Dati naman, kapag alam niyang kasalanan niya, siya ang unang gumagawa ng move para magkaayos kami... pero ngayon, siya na may kasalanan, siya pa mas galit.
Minsan tuloy gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi ni Beshy sa akin eh.... na baka 'til now ay may babae pa rin ito. It's been 6 months since nung araw na nahuli ko itong may kasamang ibang babae, pero dahil sobra ang pagmamahal ko dito, hindi ako nagatubiling bigyan ng second chance.
Naging ok naman ulit ang samahan namin, mas naging sweet pa nga ito, pero lately bigla itong nagbago, laging busy...
Hmmm... itext ko na kaya or tawagan? Wala naman mangyayari kung paiiralin ko pa ang pride ko.
I dialed his number... but it was unattended.
Hmm... bakit kaya? Low batt? Imposible naman wala siyang dalang charger sa office, eh halos dun na nga siya tumira.
Hay... lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.... idagdag mo pa tong grabeng traffic na to.
5pm na ng nakabalik ako sa opisina...
"Oh Beshy, kakadating niyo lang?" nakasalubong ko si Anne sa lobby, at mukhang pauwi na ito.
"Ako lang beshy, humiwalay na si Ms. Flynn." matamlay na sagot ko dito.
"Ok ka lang ba Beshy? Parang ang tamlay mo?Miss mo na ba sya? Hahaha!"
"Siraulo! Akaka ko pa naman concern kang bruha ka." at inirapan ko ito.
"hahaha, Biro lang Beshy... pero seryoso, ok ka lang ba?"
"Medyo masakit lang ang ulo ko Beshy, pero ok pa naman.... pauwi ka na ba?" tanong ko dito.
"Oo sana, sabay ka ba? Antayin kita."
"May mga tatapusin pa kasi ako Beshy eh, nakaleave kasi ako tom diba., una ka na." sagot ko dito.
"Ay Oo nga pala, sure ka ba dyan Beshy?"
"Yup, sure na sure, ingat ka ha and wag mong kalimutan pumunta sa amin sa Sunday ha." paalala ko pa dito.
"Oo naman Beshy kainan yata yun. Hahaha! Sige na, babooh!"
Naiiling nalang akong naglakad pa elevator.....
Sana matapos ko lahat ng dapat kong tapusin ngayon para wala akong isipin.
Pagpasok ko sa office ni Flynn, ay para akong nalungkot... at napatingin sa table nito.
Parang bigla ko itong namiss.... wait! Tama bang mamiss ko ito? eh dapat nga matuwa ako diba dahil walang mambibwisit sa akin , madali kong matatapos trabaho ko.... pero bakit ganun? Nakakawalang gana...
Hay.... Karishma, ano bang nangyayari sayo?! Ang dapat na iniisip mo ngayon kung paano kayo magkakaayos ni Nico..
"Aaargghh! ewan!" napapailing nalang ako sa mga isipin ko
-------
Flynn's POV
Bago ako tumuloy sa unit ni Stef ay dumaan muna ako sa fave bakeshop nito para bilhan siya ng cake...
At habang naagaantay ako, ay naagaw ang atensyon ko ng babaeng nasa kabilang table... Si Janiz ba yun?
At para makasigurado ay nilapitan ko ito.
"Hey! Janiz!" bati ko dito, isa ito sa mga close friends ni Stef sa modeling agency na unang pinasukan nito.
"Flynn?"
"Yup! its me! Hahaha!"
Tumayo ito at nakipagbeso sa akin.
"Kamusta ka na? Kayo ni Stef?" tanong nito.
"We're good, ikaw, kailan ka pa nakabalik? Who's with you?"
"Im good, 3 weeks ago lang... Actually, Im with my boyfriend... nasa restroom lang.... Oh, he's here." at ngumiti ito sa lalaking palapit sa amin.
Wait... this guy looks familiar..... saan nga ba?
"Hon, this is Flynn, a very good friend of mine, Flynn, this is Nico... my boyfriend."
Shoot! Eh eto yung mokong na boyfriend ni Kari eh.
Napansin ko naman na parang naging uneasy ito ng makita ako.
I offered him my hand, and gave him my sweetest smile.
"Hi Nico, It was nice to meet you."
Alanganin tinanggap nito ang aking pakikipagkamay.
"So, Pano Janiz, See you when I see you, maybe next time, meet tayo with Stef, Nico, you should join us." sabi ko dito sabay smirk.
"Yeah yeah sure, just message me, we will come." sagot ni Janiz
At nagpaalam na ko sa kanila, ngunit bago ako umalis ay sinamaan ko ng tingin itong two timer na to.
For Christ sake! Akala mo gwapo, ang lakas ng loob manloko... at of all people, isang katulad pa ni Kari ang nagawa niyang lokohin.. tsk! Nakakapag init ng ulo.
Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot at awa para kay Kari, walang kaalam alam ito sa kalokohan ng boyfriend niya..
Sasabihin ko ba? Pero baka hindi siya maniwala sa. akin, and besides, I think im not in the position to tell...
Pero kung di ko sasabihin, paano niya malalaman?
Wow, thank you ha! Namuroblema pa ko bigla... ang galing!
Ilang saglit lang ay narating ko na rin ang unit ni Stef.... siguradong masusurprise ito kapag nakita ako.
Hindi na ako nagdoorbell dahil meron naman akong duplicate key.
Pagbukas ko ng pinto ay nakabukas ang TV pero wala naman tao...
Sumilip ako sa kitchen, pero wala din ito doon...
At ng papunta na ako ng kwarto ay parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko, sobra sobra ang kaba habang papasok ako, para bang any moment mapuputol ang hininga ko....
Walang tao sa kwarto, pero mukhang nasa bathroom ito....dahil dinig ko pa ang lagaslas ng tubig mula sa shower... pero di nagtagal ay tumigil na din ito.
Mayamaya lang ay unti unti ng bumukas ang pintuan ng banyo..
Para akong naupos na kandila sa aking nakita... si Stef may kahalikang lalaki, at parehas pa silang walang saplot!
Para din naman itong nakakita ng multo ng makita ako sa may pinto at agad nagtapis ng twalya... ganun din yung lalake.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto..
"Hon, let me explain ok!" humahangos ito sa akin at niyakap ako nito para pigilan sa pagalis.
"Get your hands off me! Nandidiri ako sayo!" sigaw ko dito at pilit inaalis ang kanyang mga bisig na nakayakap sa akin.
"Hon, please, please, I will explain please." pagmamakaawa nito.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ko dito..
" From now on, Stay away from me!" sabi ko dito at pabagsak kong sinara ang pinto.
Habang nasa elevator ako ay panay lang ang tulo ng luha ko.... ayaw gumans ng utak ko basta ang alam ko sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Buong buhay ko, inilaan ko na sa kanya... sinuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya... ibinigay ko lahat ng kailangan niya.... tapos ito lang mapapala ko!?
Hindi ko isinusumbat lahat ng ginawa ko para sa kanya, mahal na mahal ko siya kaya ko ginawa yun, pero I dont deserve this!
-------
Dumerecho ako sa bar ni Jaze para maginom, wala akong gustong gawin ngayon kundi magpakalasing at kalimutan si Stef.
"f**k s**t siya 'Couz! yun lang ang masasabi ko sa kanya." galit na sabi ni Jaze, matapos kong ikwento dito ang nangyari.
"I gave her everything, myself, love, time, money,lahat lahat, pero mukhang hindi pa sapat yun para mahalin niya ko ng totoo." puno ng hinanakit na kwento ko.
"What the hell! 'couz, anong hindi pa sapat? Eh nung wala pa siyang career, buong pamilya niya yata binuhay mo, lahat ng connections mo at ng family mo ginamit mo para marating niya mga pangarap niya, anong hindi pa sapat dun?? Ang sabihin mo, b***h siya! Sa likod ng malaanghel niyang mukha eh puno naman ng kalandian!"
Natahimik naman ako sa lahat ng sinabi ni Jaze... na napansin naman nito.
"Sorry couz', If im too much, pero kasi..
"No couz',. you're not too much, totoo naman lahat ng sinabi mo eh... pero wala eh, I love her so much kaya ko ginawa lahat yun... she didnt asked for it." at agad kong pinahid ang luhang nagbabadya nanaman pumatak.
"Hay, pag ibig nga naman... so, any plans?"
"I don't know couz', hindi pa gumagana ng maayos yung utak ko, and medyo hindi pa nga nagsisink in sa akin yung nangyari." sagot ko dito sabay straight ng inumin ko.
"Couz', im always here for you ha." at tinapik tapik ako sa balikat nito.
"I know."
Ting!
From: KARI
Good evening Ms. Flynn, iniwan ko na po s table niyo lahat ng papers na need niyo pong isign tom. Thanks po ulit sa leave... Good night.
Bigla ko naman naalala yung eksena kanina ni Janiz at Nico, tsk! Bakit ba naglipana ang mga manloloko...
Hindi ko alam pero para akong nagworry bigla para kay Kari, ayokong maramdaman nito kung gaano kasakit ang maloko... for me, she's too fragile, baka di niya kayanin...
*******