"May mga desisyon talaga tayong dapat tanggapin,
Kahit pa masyadong masakit ito para sa'atin."
*******
Kari's POV
"Besh, Uy Besh,. okay ka lang ba?" tanong sa akin nitong si Anne.
Paano ba naman ay kanina pa ako tulala dito sa kinauupuan ko.
"Mukha ba akong okay Besh? 5 mins. nalang, ngi anino ni Nico wala... ngi text nga or tawag wala din eh" mangiyakngiyak ko ng sabi dito.
"Bat naman kasi lakas ng loob mo na makipagpustahan kay Flynn eh... ayan tuloy."
"May tiwala pa rin kasi ako kay Nico, sa mga sinasabi niya, kaya ganun nalang kalakas ang loob ko na makipagpustahan." at tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko.
Actually, hindi naman ako dahil sa pustahan ang pinagkakaganito ko.. kundi dahil kay Nico. Unti unti nanaman nawawala ang tiwala ko dito.
"Eh kung pakiusapan mo nalang si Flynn Besh, baka sakali naman ok lang"
Sumulyap ako kay Flynn na kasalukuyang masayang nakikipagkwentuhan kina kuya. Mukhang medyo lasing na ito, dahil panay na ang kwento.
"No beshy, may isang salita si Flynn, kaya dapat ganun din ako."
"Hay, Beshy naman kasi, iconfront mo ba kasi yang mokong mobg bf na yan... kesa ganyan, napapasubo ka dahil sa kanya."
Muli nanaman tumulo ang luha ko... hindi kobyata kayangbgawin yun sinasabi ni Besh, paano kung tama nga siya na may iba nanaman... hindi ko na yata kakayanin pa na maranasan muli yung sakit na dulot ng panloloko nito.
"Oh, bat ka umiiyak?"
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.
Pinunasan ko ang aking luha pero sadyang traydor ang mga ito dahil ayaw tumigil sa pagtulo.
"Besh, Flynn, dun muna ako kina Kuya ha"paalam ni Anne.
Tumango nalang ako.
"Kailan magstart yung 2 weeks consequence natin?Para makapaghanda na ko ng gamit at dahilan sa Nanay ko." nakayukong tanong ko dito.
Tahimik lang naman itong nakamasid sa akin habang iniinom yung beer na hawak niya.
"Are you sure?" tanong nito.
"May isang salita ako, a deal is a deal. For sure naman kung ikaw ang natalo, tutupad ka sa usapan natin." sagot ko dito.
"Yeah of course... pero bakit ka umiiyak, if yung deal ang reason.."
"No, hindi yun." putol ko sa gustong sabihin nito. At napabuntonghininga nalang ako.
"Then why?"
Ayan na naman ang mga luha kong naguunahan pumatak...
Tsk! Ewan ko ba bakit napaka iyakin ko.
"Im hurting... sa nangyayari sa amin ni Nico."
"That guy doesn't really deserve you." narinig kong sabi nito.
"You don't know him, kaya wala ka sa position para sabihin yan." medyo inis kong sabi dito.
"Oh yeah, maybe you're right, im not in the position, but look at what's happening to you... if he truly deserves you, hindi ka niya dapat binibigyan ng dahilan para magkaganyan."
Natahimik naman ako sa sinabi nito... tama naman nga siya.... Hay.... now im really doubting on Nico.
"Here" at inabutan ako nito ng panyo.
Tinignan ko lang ito.
"Come on, wipe away your tears" utos nito.
Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na rin at sinunod ito.
" Para kang bata, laki laki na iyakin pa rin... tsk! Damulag" narinig ko pang sinabi nito.
"Kesa naman sayo, Bakulaw!" at inirapan ko ito.
"Hahaha! Pagbibigyan kita ngayon tawagin ako niyan dahil malungkot ka, but next time, really next time I heard you called me that way, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka." sabi nito sabay smirk.
Bigla naman akong napalunok sa sinabi nito.... usapang lasing ba ito? or seryoso siya?
"I am damn serious about that." sabi pa nito bago uminom ulit ng beer.
Napataas nalang ang isang kilay ko.. she can read minds? Seriously? or Am i too obvious?
"Tomorrow."
"Ha? Anong meron bukas?" tanong ko dito.
"Tsk! Diba tinatanong mo kailan magstart yung consequence?"
"Bukas agad agad?!"
"Ay hindi, sa Pasko!" pilosopong sagot nito
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Hahaha! Im scared!" natatawang sabi nito.
"Flynn naman eh! Seryoso ka ba?" at para akong batang hinihila hila yung hem ng shirt niya.
-----
Flynn's POV
Honestly, naguguilty ako dahil alam kong hindi ako naging fair. Pero kasubuan na to eh, Hindi ko naman pwedeng basta nalang aminin sa kanya ang totoo.
Buti. nalang kahit papano may magandang dulot itong ginawa ko, atleast may pagaalinlangan na siya sa tarantadong boyfriend niya.
I just hope, sooner or later malaman na rin niya ang pambababae nito. At mas ok siguro kung siya mismo ang makakatuklas nun.
"Hahaha, damulag talaga. Will you please stop what you're doing?" saway ko dito sa paghila sa layayan ng shirt ko.
Akalain mo yun itong napakataray at napakasungit na babaeng to may pagkaiyakin at isip bata din pala.
"Eh kasi naman eh, hindi ba pwede sa tuesday nalang, para naman makapagayos pa ko ng gamit and iisip pa ko ng dahilan kay Nanay." nakasimangot na sabi nito at nanghahaba pa ang nguso.
Hahaha... ang cute!
"Ako na bahalang magsabi kay Nanay ok... basta, tomorrow will be the start of the happiest days of your life, hahaha!" pangaasar ko dito.
"Happiest days or hell life? Tsk! Lasing ka na nga siguro at di mo na alam yang mga sinasabi mo, baka bukas di mo na. matandaan yan? " sabi nito.
Natahimik naman ako bigla...
Sana nga ganun kadali yun eh, yun bang kapag nalasing ka ngayon, bukas wala ka ng maaalala...para araw araw nalang ako maglalasing hanggang sa makalimutan ko na si Stef, pati ang panloloko nito sa akin.
Hindi ko namalayan na may mga luhang namumuo na pala sa aking mata.
"Flynn" may pagaalalang tawag nito sa akin
Agad. ko naman iniiwas ang tingin ko dito at mabilis na pinahid ang aking mata.
"I gotta go" sabi ko dito at tumayo.. medyo naout of balance pa ako buti nalang at nahawakan ako ni Kari sa aking braso... tsk! lasing na nga yata ako.
"Wait, kaya mo bang magdrive?Magcoffee ka kaya muna, or... dito... ka nalang... matulog?" alinlangan at medyo nahihiyang sabi nito.
Tinitigan ko ito at unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking labi. "Gusto mo kong makatabi ha?" pangaasar ko dito.
"What?" at hinamapas ako nito sa braso. "Feelingera ka talaga! Umuwi ka nalang pala." at nagcross arm pa ito.
"Ouch! Akala ko pa naman concern ka.".
"Kanina Oo, pero napagisip isip ko, hindi na pala." at inismiran pa ako nito.
"Hahaha, joke lang yun Damulag... sige na, coffee nalang please" at pinisil ko ito sa kanyang ilong.
"Ano ba!. Alisin mo nga yan kamay mo, amoy yosi! Naninigarilyo ka pala?"
"Kapag umiinom. lang or kapag bad trip" sabi ko dito habang kinukuha ko yun hand sanitizer ko sa bag, nakalimutan ko palang maglagay sa kamay kanina after magsmoke.... kakahiya.
"Tara, sa loob kana magcoffee, and kumain ka na rin para sure mawawala yan kalasingan mo." sabi nito.
"Ok" at walang sabi sabing inakbayan ko ito at inaya na sa loob.
Akmang aalisin sana nito ang kamay ko..
"Pagnatumba ko kasalanan mo." sabi ko dito.
"Tsk! Fine, lika na nga"
-----
"Who did all the cooking?" tanong ko dito habang sabay kaming kumakain. Sana pala kanina pa ko kumain, ang sarap kasi lahat.
"Ako, pero tinulungan naman ako nung mga asawa ng mga kuya ko..... masarap ba?" tanong nito at tumingin sa akin.
"Ayos lang" tipid na sagot ko dito habang patuloy sa pagkain ayokong tignan ito dahil baka maobvious ako na niloloko ko lang siya.
"Hmp! Kaya pala!"
"Kaya pala ano?" at tinignan ko ito.
"Kaya pala lumalabas pagkabakulaw mo." nakangiting sabi nito.
"Gutom lang ako." sagot ko dito habang pinipigilan ko ang sarili ko na ngitian ito.
"Oo nalang Flynn... kunwari di halata... hahaha!"
"Fine! You got me, masarap nga, pwede ka ng magasawa.. hahaha!"
"Ewan, dami. mong alam."
Nagkatinginan kami at sabay pa kaming tumawa... parang mga baliw lang diba?
Atleast, kahit saglit, naging masaya pa rin ako... nakalimot kahit papaano sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Nang matapos. akong kumain ay nagpaalam na ako.
"Sure ka ha, kaya mo ng magdrive?" tanong ni Kari.
"Yup, pero if you'll insist na magsleep over ako, why not?"
Sukat ba naman pitikin ako nito sa ilong.. "Ouch! Grabe siya oh."
"Hahaha! Yan! For sure hind ka na talaga lasing... sige na, Ingat ka ha."
Naiiling nalang ako habang papunta sa aking sasakyan..
Bago ako pumasok ng sasakyan ay pinapasok ko na muna ito.. "Go inside, Late na masyado."
"Sige na pagalis mo." sabi naman nito.
"No, not until you go inside"
"Hay!. Oo na nga! Kaw na panalo... Sige, ingat ka."
"I will!"
*****