Chapter 18

2077 Words
"Hindi lahat ng naririnig ay totoo. Hindi lahat ng nakikita ay totoo. May mga bagay na kailangan ang sariling puso para malaman o maramdaman ang mga ito." KARI's POV 5th day ko na dito sa unit ni Flynn, same routine pa rin, sabay kaming pumapasok at sabay din nagbibreakfast sa cafeteria. Kasalukuyang nasa meeting si Flynn with the new investors, hindi naman niya ko need doon kaya naiwan nalang ako dito sa office niya. Napansin kong inalis na pala niya yung mga pictures nila ni Ms. Stef dito sa office... Mukhang nasaktan talaga siya ng bongga sa ginawa nito... pero kahit sino naman yata ganun ang mararamdaman... kung sa akin man mangyari yon, kahit siguro sobrang mahal ko pa si Nico, iiwan ko din siya... yun ngang nahuli ko lang siyang may kasama sa mall na babae, sobrang sakit na, yun pa kayang sa ganong situasyon tulad ng nangyari kay Flynn... ewan ko nalang.. Hindi ko rin tuloy maiwasan hindi maalala yung kinuwento ni Flynn sa akin last night about sa pagtatalo nila ng Daddy niya nung dinner. Flashback Kasalukuyan kaming tahimik na nagdidinner.... mula pa nung dinner sa bahay nila napansin ko ang pagiging tahimik ni Flynn. "Alam mo bang akala ni Daddy, girlfriend kita.." sabi nito pero sa pagkain niya nakatuon ang atensyon. "Ha? ... anong sabi mo?" "I said yes." nagangat ito ng tingin at nginitian ako. "What??" napatigil ako sa pagkain at seryosong tumingin dito. "Bingi lang? Sabi ko OO." at nagpatuloy ulit ito sa pagkain. "Bakit mo sinabi yun?" "Wala, gusto ko lang." Tignan mo tong taong to, panay pa rin ang kain.. samanatalang ako dito di makapaniwala sa sinabi niya. "Flynn naman eh!" "What?" tumingin ito sa akin. "Anong what? Umayos ka nga. " "Ok ok, sinabi ko lang yun para tumigil na si Dad sa pangungulit na kausapin ko ulit si Stef." "So alam na ng Dad mo yung nangyari?" "He knows the break up thing, but the story behind, No." "Ok... i see." "Stef called him asking for help para makausap ako, sinabi lang siguro ni Stef na may di kami pinagkasunduan kaya kami naghiwalay... I just based on what Dad told me about sa paguusap nila." "Bakit di mo sabihin sa Dad mo yung totoong dahilan? Para di ka niya pilitin na makipagusap, di yung kung anu ano sinasabi mo." "Hahaha! Ok naman yung reason ko diba?" at may pagkindat pa itong nalalaman. "Ok? Eh kaya pala nagmamadali tayong umalis dun nung gabing yun, at kaya rin pala ganun nalang ang galit ng Dad mo. ...Jusko wala akong kaalam alam." at naiiling nalang ako dito. "Look, Im sorry if I used you sa pagdadahilan kay Dad.. pero ngayon lang naman, sasabihin ko rin in time, kapag di na siya mapilit." "Boto talaga ang family niyo kay Stef no? Halos lahat sila hinahanap siya." Ouch.... bakit parang may kirot sa puso ko sa mga sinabi ko? "Bestfriend ng Dad ko ang Papa ni Stef, kaya boto sila and hindi kami nahirapan ipaalam yung relasyon namin." Ah, kaya pala... tsk... sayang naman... "Pero bakit nga hindi mo sinabi yun totoong dahilan, baka isipin pa ng family mo ikaw ang nagloko kasi may kapalit agad?" "Mas ok na yun ang isipin nila.... Kahit naman ganun ang nangyari sa amin ni Stef, ayoko pa rin masira ang tingin sa kanya ng mga family namin." tipid na ngumiti ito at nagpatuloy na sa pagkain. EOF Ang swerte ni Ms. Stef, dahil sa kabila ng ginawa nito kay Flynn, kapakanan pa rin niya ang inisip nito... Hindi ko alam pero para pa akong nakaramdam ng inggit dito... Tok! Tok! "Come in" Si Lana at may dala dala itong boquet. "Kari, may nagpadala ulit ng flowers sayo.. Naks! Ang sweet naman ni boyfie." at ngiting ngiti ito ng iabot sa akin. "Thanks Lana." tipid ang ngiting sagot ko dito bago ito lumabas. Binasa ko ang card na nakalagay dito... Babe, im really sorry, please talk to me, let me make it up to you, lets have dinner tonight... I'll pick you up after work.. i miss you and i love you... "Tsk!" at inihagis ko ang card sa table ko. Bakit ganon? Instead na kiligin ako at matuwa sa ilang araw na pageeffort niya mula nung di niya ko siputin, naiinis pa ko... kung di ko pa kasi siya dedeadmahin ng bongga, di siya mageeffort... hay, ano na ba talaga ang nangyayari sa amin? Mas matindi pa to kaysa noon bago ko mahuli si Nico na may ibang babae... posible kaya na ganun ulit? Hay, kailangan na talaga namin magusap, kailangan ko na siguro siyang komprontahin sa mga gjnagawa niya... bahala na kung anong isagot niya sa akin... "Ohh, flowers again..talagang nageeffort ha."sarcastic na sabi nitong taong pumasok. "Beshy." "Lalim ng iniisip mo, kanina pa ko nakapasok dito...never give up ang peg ni Nico ha." "Magkikita kami mamaya." "Oh, goodluck! Sana dumating Beshy...kasi kung hindi, grabe na kakapalan ng mukha niya ha." Napabuntong hininga nalang ako... "Ay ang lalim Beshy ng hugot ah... what's bothering you?" tanong nito. "Do you think I should ask him?" "Ng ano, kung may babae ulit siya?Hahaha, wish ko lang umamin Beshy." naiiling pang sagot nito. "Eh anong gagawin ko? Magaala detective na naman?" "Why not? O kaya Minsan biglain mo sa opisina, malay mo taga dun babae niya or much better sa bahay niya." "Beshy naman, hindi pa naman confirmed eh... mga reaction mo diyan 100% sure na." "Hahaha! Ikaw nalang naman kasi nabibilog ni Nico sa mga palusot niya.... Oh siya, pakipapirmahan nalang kay Ms. Flynn." sabi nito at tuluyan ng lumabas. Hay.... anong magagawa ko mahal ko eh...... mahal ko pa nga ba? Flynn's POV Pasado alas dose na ng matapos ang meeting ko, dali dali akong bumalik sa opisina para sana yayain si Kari na maglunch, kaso wala na ito don.. naagaw naman ng pansin ko ang nga bukaklak na nasa ibabaw ng table nito... pati na ang card.. Tsk! di talaga paawat tong si Mokong oh... at may balak nanaman makipagkita kay Kari... I wonder if naayos na niya yun problema niya, 1 week is about to end... at seryoso ako sa sinabi ko sa kanya. Tinatamad na kong bumaba kaya magoorder nalang ako ng lunch.. Patawag na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwal ang nilalang na kanina ko pa gustong makita.. "Hi, kakatapos lang ng meeting?" nakangiting tanong nito. "Yup, aga mong bumalik ah, naglunch ka na ba?" "Am... actually hindi pa." "Good, then lets have a lunch." yaya ko dito at tumayo na. "Nagtake out nalang ako sa cafeteria." at itinaas nito ang hawak na paper bag. Hindi ko alam pero parang kiniliti ang puso ko sa ginawa nito. "Ohh... ok... thank you." Ngumiti lang ito at pumunta na sa coffee table para iayos yung dala niya, kaya sumunod na rin ako para tulungan ito. Tahimik kaming kunakain ng bigla itong magsalita... "Ahmm.... Flynn, ano.... ah... hindi ako makakasabay mamaya paguwi." medyo alinlangan pa itong sabihin. Kunwari nalang ay hindi ko alam.. "Why?" "Ha?" "Sabi ko bakit?May lakad ka?" "Ah eh... oo...magkikita kami ng friend ko... catching up.. chikahan ganon." Ouch... bakit kailangan mong magsinungaling? "Hmm.. ok... ingat ka ha." at nagpatuloy na ko sa pagkain. What's your problem. Flynn? In the first place, wala kang karapatan pigilan yan sa mga gusto niyang gawin.... saway ko sa sarili ko... hindi ko kasi alam kung ano tong nararamdaman ko. Natapos ang maghapon ng hindi ko gaano kinausap si Kari.. bukod sa naiinis ako, napapaisip din ako kung bakit ganito nalang ang inis ko. "Flynn... una na ko ha, ingat ka sa paguwi." paalam nito. Nagangat ako ng mukha at tumingin dito... Medyo natigilan pa ako ng makita ko ito... naglagay kasi ito ng kaunting makeup, blush on and lipstick lang naman pero bumagay talaga sa kanya, at isa pa, bagay na bagay dito ang pagkakapony tail ng kanyabg buhok, mas lalong nakita ang kagandahan ng kanyang mukha. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa.. Nang maramdman kong nakalabas na ito ay hindi ko napigilan mapa buntong hininga... Shit! Kari! anong ginagawa mo sa akin! at napasabunot nalang ako sa aking buhok. Sakto naman biglang bukas ulit ng pinto. "What the...!" singhal ko, ngunit natigilan ako ng makita yung taong pumasok. "Sorry di na ko nakakatok, nakalimutan ko yung fone ko sa drawer." medyo gulat pa na sabi nito. "Its ok." tipid na sagot ko dito at pasimple kong inayos ang aking buhok. "Are you ok?" tanong nito. "Ha? ahh... yes.. im good." "Sure?" "Yes." "Ok, alis na ulit ako, Bye" paalam nito at lumabas na ng tuluyan. Shocks! Muntik na yun ah. Nico's POV "Look Babe, I'll be there after this meeting ok, calm down.. please, I just need to attend to this." pakiusap ko kay Janiz na kasalukuyang nagwawala sa kabilang linya. Natanaw ko na si Kari na palabas ng building kaya nagpaalam na ko dito at inioff ang phone. Kailangan kong gawin yun dahil hindi ito titigil sa katatawag sa akin. Pinaandar ko na ang motor sa harap ng building... "Hi Babe!" akmang hahalikan ko ito sa pisngi ngunit umiwas ito. "Look Babe, im really sorry sa mga pagkukulang ko." "Lets. go, not here Nico." tipid na sagot nito. Kaya inalalayan ko nalang itong sumakay ng motor. Sa favorite restaurant namin ko siya dinala.. "What do you want to eat Babe?" Hinawakan ko ang kamay nito,, ngunit binawi niya... "Babe.." "Ikaw na bahala." tipid na sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako, at nagorder na.. "Babe, please... patawarin mo na ko." Nakatitig lang ito sa. akin, pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito.. kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagaalinlangan... "Babe... I know, hindi maganda yung mga nangyari sa atin this pass few weeks, pero pangako babawi ako." "Nico.... may iba nanaman ba?" Saglit akong natahimik sa tanong nito... "Babe... nagpromise ako sayo diba, hindi na mauulit yung nangryari noon... It's just, busy lang talaga sa trabaho, alam mo naman na naghahabol ako ng promotion diba? At para sa future natin yun." I can't loose her.... kailangan kong gawin to. At sisiguraduhin kong maayos ko yung sa amin ni Janiz. Tahimik lang itong nakatingin sa akin, alam kong sinusuri nito kung nagsasabi ba ako ng totoo.. . "Babe.. please believe me." at muli kong hinawakan ang kanyang mga kamay, this time hindi na niya binawi ito. "Mahal na. mahal kita Babe, please pagbigyan mo kong makabawi sayo.. please... hindi mo na ba ko mahal?" Bumuntong hininga muna ito bago sumagot... "Hindi ko alam Nico kung dapat pa ba kong maniwala sayo..... pero maha kita, kaya pagbibigyan pa rin kita.... sana lang panindigan mo na yang sinasabi mo na yan." "Oo Babe.. thank you... I promise" at hinalikan ko ang kanyang mga kamay. Mahal kita Kari, at ngayon palang nagsisisi na ko bakit hinayaan kong umabot kami sa ganito ni Janiz. Ng matapos kaming kumain ay niyaya ko na itong ihatid pauwi...at dun ko nalaman na kay Flynn siya umuuwi, at dahil yun sa pustahan nila. Tsk! Anong gustong mangyari nung babaeng yun? "Galit ka?" tanong nito. "Gustuhin. ko man magalit Babe,. alam kong kaslanan ko rin at napasok ka sa ganyan situasyon... im sorry." "Im sorry din Babe at napasubo ako sa ganito... anyways, 1 week nalang naman." "Baka naman may gusto sayo yun Babe ha..magtake advantage pa siya sayo." "Ha?" Nagtataka itong tumingin sa akin. "Paano mo nalaman na lesbian si Flynn?" Fuck! "Ha, ano, pakiramdam ko lang naman, dahil diba nung last time na nakita natin sila may kaakbay siya na babae." "Mabait si Flynn at ok siyang kasama, kaya wag mo siyang pagisipan ng ganyan.." "Ok, im sorry Babe, nagseselos lang ako." "You don't have to.... lets go? Maaga pa kami bukas." Tumango nalang ako, gustuhin ko man magalit, wala ako sa posisyon ngayon.. Paghatid ko sa. lobby kay Kari ay nandoon si Flynn, mukhang nagaabang talaga ito. "Paano Babe, I'll go ahead.. mukhang inaantay ka talaga oh." Bigla itong lumingon sa loob ng lobby, at tama ba tong nakikita ko sa kanyang mga mata... takot at pagkabigla? "Nico please." "Ok, ok im sorry.. you take care ok." "Yes, I will. .. cge na Babe." Hahalikan ko sana ito sa lips pero umiwas ito at sa pisngi napunta ang aking labi. "Bye Babe." paalam ko nalang. Hindi ko alam pero parang may nagiba kay Kari..dahil ba to sa nagawa ko or dahil dito sa babaing kasama niya ngayon... ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD