Chapter 3 - The trip.

2113 Words
It's already the day kung saan aalis na kami, for one week. Antagal ba? Oo antagal grabe. Bakit kailangan one week kami sa Boracay? Hindi ba nila alam na ang mahal do'n? Hay jusko ambagan pa talaga. Akala ba nila mura la'ng ang bayad sa hotel do'n tsaka sa iba pa? Hay nako. Buti na lang at mayaman 'tong si stacy at may sasakyan na. Hindi na kailangan ng other gastos for transportation. Edi medyo bawas gastos na rin. So ngayoj it's already 2:57 AM at inaantay ko na lang dito sa gate namin. Syempre susunduin nila ako. Kung hindi aba, hindi ako sasama. Dahil medyo malayo ang Boracay dito maagap kaming aalis. Malapit na mag 3:00 AM. Ang tagal nila. Medyo na excite na ako kasi sabi ni Cath kahapon may maganda raw mangyayari para hindi maging boring ang pag stay namin roon ng 1 week. Flashback sa pinag usapan namin nina Cath and Stacy kahapon habang nakain ng fries and pizza. *Flashback* "So, ayon mga mars. Eto na Chismis ko" panimula ni Cath. At ibinigay naman namin ang buong atensyon sa kanyang sasabihin. "Oh?" Sabi namin ni Stacy. "Alam n'yo yung malapit na school sa school natin? Yung Beasif University? Yung mag kakaibigan daw doon pupunta rin sa Boracay, same ata tayo ng pupuntahan." Cath Chicka. So? Akala ko naman kung ano na yung chicka ni Cath. 'yan lang pala. By the Way ang Beasif University ay katabi o medyo malapit na University sa University namin which is Abcdef University. Ang weird ba nung name? Ganyan yung ipinangalan nila eh. So 'yun na nga, mas mahal ang tuition sa Beasif University kumpara sa Abcdef. Grabe, pati sa canteen nila parang mga gold ang tinda napaka mahal. Paano ko nasabi? Kasi one time nagpunta kami sa Beasif University gawa may inutos 'yung prof. Namin sa amin na ipinabibigay sa prof sa Beasif University. Eh sakto nagutom kami gawa nilakad la'ng namin yung distance. Edi nagpunta kami ng canteen nila, muntik na kaming maligaw. Nagtry kami bumili ng foods sa kanila. Ay grabe dzaiii apaka mahal ng foods. So eto na nga. "So? Edi pumunta rin sila, anong chicka dyan?" I asked. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nakaka excite sa chicka ay kailangan pa i spill dito sa bahay, bakit kailangan pang pumunta dito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero sayang yung gas ni stacy 'no. Mahal ang gas ngayon tapos sila papunta punta lang dito. Pwede namang sa gc na lang. Hindi nga lang ako magrereply. Pero sure mag ba backreack ako. Chismis eh. "Eh, hindi pa naman kasi ako tapos. Naghinto la'ng ng kaunti eh." Cath defend her self. "Bakit ka pa kaya huminto sa pagsasalita, ano? Pa thrill ka rin eh 'no." Sabi ko naman. Habang si stacy ay patawa tawa lang sa gilid, habang pinapanood kaming magtalo dito. Anong silbi n'ya? Taga tawa habang nakain. "Ay girl, atat ka rin pala sa chismis 'no. Nagsubo lamang ako ng kaunti ay nagreklamo ka na, aba ange ha." Sabi n'ya pa. At ngayon kasalanan ko pa? Ay pano baga at gusto ko ng marinig ang chismis nya. Pabitin pa eh. "Go on, loves." Pagsingit ni stacy. Gusto rin ata ng chismis. "Buti pa 'to si stacy." Panloloko pa n'ya sa akin. "Tuloy na bilis." Sabi ko pa. Umirap muna s'ya bago nagsalita. "So ayon nga, kahapon 'di ba tanda n'yo nagpunta akong cr. Eh noong papunta ako sa cr may dalawang babae na nag uusap, nalimutan kong banggitin 'to sa inyo kahapon, gawa ang tagal nating papayagin si ange na sumama eh. Edi ayo habang naglalakad ako papunta ng cr narinig ko sila na nag uusap. Sabi nung girl 1 " You know ba, i do like to go to Boracay sa Vacation. I heard na some of Beasif University Boys will go there. Argh. They are so gwapo, i want to meet them." Panggagaya ni Cath sa boses nung isang babae na nakapagpatawa sa aming dalawa ni stacy. "Continue, loves." Stacy. "So ayon, edi sabi ni girl 2 "omg i heard din na may gagawin silang prank sa kung sino mang babae na mapagtripan nilang magtrotropa, wag sana ako pero gusto ko lang sila makita." So, ayon nga pupunta ang mga gwapo ng Beasif University boys sa Boracay, kung saan tayo pupunta at nalaman ko rin na bukas sila aalis. So, ayon wawarningan ko kayo mga sis. 'wag kayo masyado lalapit sa kanila. May pagtritripan daw at baka mapagtripan tayo, and I'll never let that happen, okay? So iwas tayo sa kanila kasi kailangan nating ienjoy ang bakasyon ng walang pangamba. Tsaka mahirap daw mangtrip ang mga yon. As in masasaktan ka talaga, pwedeng pahiya or yung puso mo ang masaktan kaya iwas tayo." Pagpapatuloy ni Cath sa chismis kuno nya, na mukha namang hindi chismis. Hindi ko alam, pero na eexcite ako. Hindi ako ganoon ka fan ng mga pranks pero parang iba 'to. Hindi naman sa nadadala ako sa kagwapuhan nila pero gusto kong matunghayan ang kanilang prank. Random sila magpa prank eh. Baka ako ang maprank nila? Pero hindi naman ako kapansin pansin. I'm just a nobody, they say. Tanging sina Cath and Stacy nga lang ang closest friends ever ko. And i can't lost them. "Okay po mami, mag iingat po kami ni ate stacy. Kasi po baka maprank kami hindi pa naman kami marunong tumingin kung prank o hindi ang isang bagay. Salamat po sa pagpapangaral sa amin. Tatandaan at isasapuso po namin iyan." Tila nanloloko na sa sagot ko. Na nakapagpatawa sa dalawa. Joker na ata ako. Pwede na ba ako mag clown? Dagdag savings na rin. "HAHAHAHA you are so funny loves. So, lahat tayo mag ingat and let's make sure na no one will get prank sa ating tatlo, is that clear? Yes, ' di ba? Let's just follow mami's advice. Pero if s'ya ang naprank tawa muna bago tayo tumulong HAHAHAHAH" Stacy said. Na nakapagpatawa sa aming lahat. We laughed so hard. Ang babaw ba ng kaligayahan namin? Pero gan'yan talaga ang bonding naming magkakakibigian. Lagi kaming gan'yan pag mag kakakasama, hindi kami mga baliw. Masaya lang. *Back to present time* Kaya medyo na excite na ako sa lakad namin, gusto ko na may makitang umiyak. O tumawa. Dahil sa prank ng mga taga Beasif University. At hinihiling ko na sana ang trip na ito ay maging masaya kesa sa pag stay sa bahay buong maghapon buong magdamag at tumulog, kumain. Dahil kung hindi isusumpa ko na lahat ng sumama sa trip na ito ay malulungkot. HAHAHAHAHHA wala na akong maisip na word na pwede kong sabihin na pwedeng isumpa sa kanila. Pumangit na lang lahat. HAHAHAHAHAH. It's currently 3:00 AM at may naririnig na akong bumubusina sa labas ng bahay kaya lumabas ako para tingnan. Saktong alas tres ng umaga nila ako sinundo. Dala ang aking maleta at purse ay pumunta ako sa labas at ni lock ang pinto ng bahay. "Good morning loves! Excited ka na ba?" Tanong ni Stacy sa akin. Aaminin ko excited ako ng kaunti pero mas lamang ang kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pero kinakabahan talaga ako. "Good morning Ange, Hindi muna kita kukulitin. Inaantok ako eh." Sabi naman ni Cath. Hay. Buti naman at wala syang balak na kulitin ako. Dahil parehas lang pala kami. Parehas inaantok. "HAHAHAHAH excited na ako. At hindi rin kita kukulitin Cath. Parehas la'ng tayo na inaantok. Good morning to you both!" Masigla kong sabi kahit kanina pa medyo pipikit ang mata ko. Matapos kong ilagay ang gamit ko sa likod ng van, ay umalis na ang Van na sinasakyan namin. Matapos nila akong sunduin sa bahay sinundo pa namin ang apat pa, Si Jam, Iana, Nicki, at Dave. Si Jam at Iana ay mag jowa. Ganon na rin si Nicki at Dave. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin ng kasama. Kung nagtataka kayo kung bakit parang Boracay la'ng ang pupuntahan namain, katulad ng mga taga Beasif University. Dahil ang Boracay ang pinaka sikat na lugar malapit sa amin. Kaya roon talaga ang pinupuntahan namin noon pa man. After ilang minutes mula ng umalis kami ay nakatulog na ako. Habang ang ibang tao rito sa Van ay patuloy sa pag uusap, at pagpapatugtog. Ang sisigla nila. Nagising ako nang maramdaman ko na may dumadapong mainit sa aking balat. Umaga na pala. Narito kasi ako nakaupo sa tabi ng bintana kaya madali akong masisikatan ng araw. 5:30 AM na pala. At nandito na kami sa Boracay. Hindi ganoon kamahal ang entrance sa mga rerentahan dito sa Boracay. Ibang Boracay ang tinutukoy ko ha. Pero ang pag stay sa hotel at mga pagkain dito ang mahal. Kung kaya ay may dala kaming sariling tent. Magkakasama kami nina Cath and Stacy sa isang Tent. At katabi naman ng tent namin ay ang tent ni Jam at Iana. Gayon na rin ang tent nina Dave at Nicki. Alas sais ng umaga kami natapos mag set up ng mga tent namin. At alam mo ba ang una nilang ginawa? At nagpicture malapit sa dagat. Kung nagtataka kayo kung saan namin nilagay ang tent ay mga 20-50 metro ang layo mula sa dagat. Katabi ng mga tent ng iba pa naming ka schoolmates bukod pa kay na Dave At Jam. Napagpasyahan namin na mag almusal ng sumapit ang 6:30 AM. Tinapay na pinalaman ng itlog la'ng ang kaya namin, ang itlog ay dala namin kanina. Pwede naman kaming bumili sa labas ng resort pero masyadong malayo. Siguro mamayang lunch kami bibili. "Babes, tulog ata sina Dave tsaka Nicki. Hindi natin makakasabay sa pagkain ng breakfast. Okay la'ng naman 'di ba? Or gigisingin ko?" Tanong ni Cath. Gusto n'ya kasi sabay sabay kami sa breakfast. Friends nila si Dave at Nicki tsaka Jam at Iana. "That's okay love, hayaan mo na silang mag sleep. Sila kasi 'yung gising kanina na sa biyahe kaya ganan. Tulog sila ngayon. Kailangan nilang bumawi sa tulog." Stacy answered. Oo tama kailangan nila ng tulog kasi gising sila buong byahe, kasi kaming lima ay tulog. Syempre ang driver din ay gising. Matapos kaming ihatid ng driver dito ay nagkain lang s'ya malapit dito. Yung sa Carinderia ba, tama ba? Basta do'n sa labas. Matapos nyang kumain ay umalis na rin sya lulan ng van na minamaneho niya. Kumain kami habang nagkwekwentuhan. Hindi naman pala ganon ka Public Displays of Affection (PDA) Sina Iana at Jam. (Tama ba meaning ko ng PDA? limut ko eh.) Masyado lang silang gumagamit ng matatamis na salita tulad ng. "Honey, if ever I'm a mosquito, mamahalin mo pa rin ba me?" Sweet na tanong ni Iana kay Jam. "No, love hindi lang mosquito. Kahit maging sino ka mamahalin pa rin kita. I love you." Sagot naman ni Jam. Hindi pa yan yung PDA para sakin. Kasi hindi naman sila ganoon ka dakit pati tsaka di sila tulad ng iba na konti nalang ay may gagawin ng kababalaghan dito sa public. Siguro hindi sila PDA pero ang cringe ng mga words na gamit nila. Gano'n ba talaga pag inlove? "Tapos na ba kayo kumain? Punta tayo roon oh. Maganda ata roon mag picture. Pabayaan na muna natin sina Dave na tulog roon. Balik tayo before lunch 'no?" Sabi naman ni Iana. Actually, hindi ka naman ma oop pag kasama mo s'ya madaldal eh. Pero may sense naman ang mga sinasabi n'ya. And take note maganda pa ang boses. "Yes, yes maganda nga roon. Tara na." Sabi naman ni Stacy. Tatanggi na sana ako pero inunahan naman ako magsalita ni Cath. "Yes! Let's g naa. Sasama kami ni Ange, 'di ba?" Tanong n'ya sakin habang nakangiti. Siguro alam nya na na ayaw ko na sumama. Sasagot na sana ako ng ayaw ko. Pero lahat sila nag aantay sa sagot ko. "Oo, tara na." Maikli kong sinabi. Hinila naman ako ni Cath papunta roon upang hindi na ako makawala pa. Hayst. "Smile, Ange! One more shot please." Sabi naman ni stacy. Nakuha kami ngayon ng pictured para raw may memories kami rito sa Boracay. Ang suggestion pa nila ay lilibutin namin ang buong Boracay para laaht ng parte rito ay may larawan kami. Last shot na ata ito, kaya ngumiti na ako ng pagkatamis tamis. Baka umulit pa. Kaya kailangan ko ng ayusin. "Ang ganda ng pictures natin. Thank you Iana! Oh sya, kayo naman ang pipicturan ko. Para may memories din kayo sa lugar na ito." Masayang sabi ni Cath sa mgakaibigan. Habang nakuha sila ng larawan ay naglibot libot muna ako. Papunta ako ngayon sa may tabing dagat nang mabunggo ako ng isang lalaki. Matapos nya akong mabunggo ay hindi n'ya man lang ako tinulungan. Ang sama ng ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD