DECEPTION ENTRY # 15 4 months After--------- " Daddy, ayos lang po ba talaga kayo?" wala sa sariling nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Kunut na kunot ang noo ni Dria habang nakatingin sa akin. Magkatabi kami sa upuan dito sa labas ng clinic. Inaantay naming tawagin kami ng assistant ni Chesca para makapasok na kami sa loob. Ngayong araw kasi na ito malalaman namin ang gender ng aming anak ni Jas. Its been 4 months, at anim na buwan at 3 araw na ang pinagbubuntis niya. I am excited and scared at the same time. Hindi man ito ang unang pagkakataon na kasama ako sa mga check up niya pero para pa ring first time ang feeling ko sa tuwing aapak ako sa clinic ni Chesca idagdag mo pa na ngayong araw na ito malalaman namin ang gender ng aming anak. I learned to trea

