"ATTENTION"

4497 Words
CHAPTER ONE "ATTEN....TION!!" Itinaas ko ang kanang kamay ko at tinapat iyon sa aking noo. Ang Daddy ko ay isang retired Colonel Army at gusto niyang sumunod ako sa yapak niya. "PASULONG...KAD!!" Napapikit ako ng mariin.. palagi na lang akong nagmamartcha sa tuwing nandito si Dad.. minsan nga natatawa na lang ako eh.. biro niyo simula 10 years old ako nagsasanay na ako? Minsan tuloy napapatanong ako sa sarili ko eh.. ano kayang problema ni Dad? Pati self defense natutuhan ko at take note ah.. naghired pa talaga siya ng magtuturo sakin... Haizzzt... (Sighed) "PULUTONG....HINTO!!" huminto ako sa pagmarcha.. at lumapit naman sakin si Dad na nakapalikod ang dalawang kamay. "Gerald.. son.. dahil tapos ka na ng grade 12, panahon na para mag-aral ka ng army sa college 4 years iyon at gusto ko lahat ng grades mo ay matataas nagkakaintindihan ba tayo??" Maawtoridad na utos sakin ni Dad.. automatic namang napatingin ako kay Mommy na noon ay nagwawalis pero sakin nakatuon ang tingin. Gustong gusto kong humingi ng tulong kay Mom pero hindi ko magawa dahil my Dad was a strict person. He wants me to be perfect and strong, kaya hindi ko pinapahalata na bakla ako. Actually hindi ako sigurado kasi isang lalaki lang ang naging crush ko at seven years old pa lang ako noon. Si Ry ang unang lalaking naging kaibigan ko at nakalaro. Nagkacrush din naman ako sa babae. Hindi naman ako malambot kung kumilos ewan ko ba.. kahit ako ay naguguluhan din sa sarili ko. Maybe because i don't want to dissappoint him at higit sa lahat alam ko na kapag nalaman niyang bakla ako ay itakwil niya ako. Kayo na ang humusga kung matatawag bang bakla yun kasi bata pa ako noon nung magkacrush ako sa lalaki at hindi na yun nasundan pa. Sa babae? Marami na akong naging crush pero i never admit. Malungkot ang mga mata ni Mommy dahil kahit ilang beses niyang subukan na kausapin si Dad, never siyang nagsucceed dahil si Dad pa din ang palaging nasusunod kumbaga suya ang batas sa pamamahay namin. "GERALD!" Matigas na sigaw ni Dad na halos mapatalon ako sa gulat na kahit ilang taon na kaming magkasama ay hindi pa din ako masanay sa mga sigaw niya. Siguro dahil takot ako.. oo takot ako sa kaniya kaya nga never akong sumuway sa kaniya. "I want you to be the next Lieutenant Colonel Gerald.. kaya umayos ka.. huwag mo akong ipapahiya," napatungo na lang ako, hindi pa nga ako nag-iistart mag-aral ng college Lieutenant agad?.. Ano iyon? May ganun ba? Tsssk.. advance talaga mag-isip si Dad kahit kelan.. kung pwede nga lang tumalon agad bilang Lieutenant eh.. Nakapag-enroll na kami ni Dad sa Politician Army Boys College University or PABCU (A/N: gawa-gawa ko lang po ang School na iyan mga mars). Ang gusto ko talagang kurso ay art and science pero dahil wala naman akong magagawa dahil si Dad pa din ang masusunod ay goodbye to my dreams. Malaki at private ang PABCU School, pati ang quadrangle ay sadyang napakalaki.. Kitang kita ang mga malalaking mga gulong na kasing laki ng mga ginagamit ko sa pagt-training at marami pang iba. Hindi na ako inosente sa lahat ng mga nakikita ko dahil lahat yun ay napag aralan ko na. Kaya nga naisip ko baka mas may alam pa ako sa magiging trainor namin... hahaha syempre biro lang.. malay mo totoo.. Matalino naman ako kaya alam kong walang problema sa magiging grades ko kasi mabilis akong makaadopt.. sabi nga ng teachers ko advance daw ang isip ko at mataas ang IQ level ko. Pero parang gusto ko na lang ibagsak ang grades ko sa college para hindi makagraduate at hindi maging Army, ang hirap kaya ang daming training at higit sa lahat babad pa sa araw ang skin ko. Maputi kasi talaga ako since birth at alaga ko ang kutis ko hanggang ngayon. Hindi kasi ako lumalabas ng walang Sunscreen lotion and cream na pinapahid dahil yun ang gusto ni Mommy. Lagi niyang sinasabi na kahit anong mangyare alagaan ko pa rin daw ang skin ko. Kaya mabilis maubos ang sunscreen lotion and cream ko kasi araw araw akong babad sa araw.. Actually tinatago lang namin ito kay Dad kasi ayaw nitong may pinapahid ako sa mukha at balat, bakla lang daw ang gumagamit ng mga lotions at cream.. "Good luck son! Be nice to your professor wag kang gagawa ng katarantaduhan naiintindihan mo ba?" Hayyy sa wakas... Makakalaya din sa kamay ng istrikto kong ama.. siguro naman ay hindi kasing istrikto ng aking ama ang aming magiging trainor ko. "Yes Sir!" Sagot ko kasi iyon ang gustong itawag ko sa kaniya para masanay daw ako. Tssssk.. i used my motorbike na regalo ni Dad sakin para hindi daw ako malate... Sa laki ng school parang gusto ko na lang gamitin ang motorbike ko sa paghahanap ng room ko... Gusto ko sanang magtanong kaso hindi talaga ako socialize na tao kaya hahanapin ko na lang.. hindi naman siguro matatapos ang buong araw na hindi ko mahahanap ang room di ba? "Execuse me... Miss alam mo ba kung saan ang room 143 dito?" Napakunot ang noo ko sa lalaking nagtanong.. pinaling ko sa magkabilang gilid ang tingin ko kasi Miss ang tawag niya eh.. Eh hindi naman ako babae para tawagin niya akong Miss.. wala rin naman akong katabing babae depende na lang kung may third eye siya.. Tinuro ko ang sarili ko para siguraduhing ako nga ang tinatanong niya. "Yes.. you!" matangkad ito, kasi hanggang tenga niya lang ako siguro 6'3 siya kasi ako 6'1 at moreno, matangos ang ilong ang mahitsura.. Teka.. bakit ko ba siya idini-describe? Tsaka ako? Ako talaga? "Execuse me bro' are you blind? Or you're insulting me?" Sa laki ng katawan ko? Tatawagin niya akong Miss? Maaaring mukha akong babae at kutis babae, pero sa laki ng katawan at laki ng boses ko imposibleng mapagkamalan niya akong babae. Depende na lang talaga kung nangiinsulto siya. Bago pa man siya makasalita ay iniwan ko na siya. Narating ko ang room 143 nakaunlock pa ito at pagpasok ko sa loob ay walang tao, tahimik, hindi pa siguro nakakarating yung karoom mate ko.. ano kaya pangalan? Gwapo kaya? Hay naku.. umiiral na naman ang pagiging silence flirty ko sa mga boys.. Masasabi kong tama lang ang laki ng bed.. kasya dalwang tao pero take note lang hah hindi kami magkakatabi nung karoom mate ko kasi magkahiwalay ang bed namin at may sariling banyo sa loob ng room namin wala lang kusina. Sa canteen siguro ang kainan.. Pinagpagan ko muna ang aking higaan kahit na wala naman masiyadong alikabok, hindi lang kasi ako sanay na matulog sa ibang kama.. kaya good luck na lang sakin.. Kinuha ko din ang aking maleta at pinalitan ko ng punda, bed sheet at kumot ang aking higaan. Nilagyan ko din ng kulambo ang aking kama dahil di ako sanay na walang kulambo pag natutulog! Alas 9 ang pasok ko ngayong araw at 30 minuto na lang ang tirang oras para makapunta ako sa calssroom namin dahil ayokong mapahiya at maging center attraction ng lahat. Hindi pa nagsisimula ang klase nung dumating ako, dalawa na lang ang vacant seat kaya wala akong katabi at solo ko ang isa pang upuan sakto at lagayan ko ng bag.. ^_^ "Good morning gentlemens! I'm your profes__" "Good morning Sir sorry i'm late!" Napalingon ako sa pinto kung saan naroon ang lalaking kanina'y nagtanong sakin kanina sa daan... Nahirapan din siguro maghanap kasi nauna pa ako sa kaniya eh.. "It's okay.. but next time.. don't be late again cause we.. as an Army we need dicipline and manners.. and most of all time is important." Parehas na parehas sila ni Dad palaging may kasamang rules and regulatioms sa tuwing mag-a-advice.. hindi ba pwedeng sabihing "okay, next time don't be late!" "Sir Yes Sir!" "You may take a seat!" "Thank you Sir!" Agad na naglumikot ang mata nito para maghanap ng upuan hanggang sa magtagpo ang mga mata namin saka siya tumingin sa tabing upuan ko at ngumiti, hindi ko na hinintay pang utusan niya akong alisin yung bag ko dahil kusa ko ng inalis. Akala ko ay magiging matiwasay at tahimik ang araw ko pero mukhang balak talaga nitong katabi kong sirain yung mood ko. Bukod kasi sa daldal ng daldal ay panay pa ang kalabit sakin... Kapag talaga ako nakagalitan ng prof namin dahil sa kaniya.. mata niya lang ang walang latay.. "I'm Paolo Nasino Pao for short 20" isa isa na silang tumatayo para magpakilala.. bawat tumatayo ay sinusundan lang ng aking mata.. obserbant akong tao siguro dahil nasanay lang sa training namin ni Dad. "I'm Mark Navarro 20" ako na ang kasunod kaya napalunok ako ng ilang beses.. paniguradong pagtatawanan na naman ako.. lahat ng mata ay tumingin sakin kaya tumayo ako ng tuwid bago nagpakilala. "I'm Geraldine Larridel Gerald for Short 19" dug dog.. dug dog.. dug dog.. kinakabahan ako.. tahimik ang lahat kaya para akong nabunutan ng tinik.. paupo na ako ng biglang magtawanan silang lahat pero ng makita nilang wala akong expression ay agad din silang nanahimik. Hindi naman na to bago sakin ang pagtawanan because of my girly name. My dad says Gerald daw ang ipinangalan niya sakin kasi malapit sa name niya Gerold pero gusto daw ni Mom na may ambag siya sa pangalan ko kaya ayun naging Geraldine katawa di ba? Pero ayos lang sanay na naman akong bully-hin dahil sa name ko. "I'm Gino Cassanova 21" napatingin ako sa katabi ko nung nagsalita siya Gino pala ang name niya at mas matanda siya sakin ng dalawang taon.. Siguro huminto ito ng pag-aaral o bumagsak dahil loko loko. Eehhh? Teka nga.. Pake ko sa kaniya.. Tumingin siya sakin kaya nagkatitigan kaming dalawa ng biglang.. -_^ Hala siya.. kumindat pa lakas ng tama talaga.. Bakla ba siya? Baka naman iniisip niyang ikaw ang bakla?? Kasi tinawag ka niyang miss kanina di ba? Epal na sabi ng isip ko.. Napailing na lang ako at hindi na lang siya pinansin pa... Don't forget to like or heart if you like the story.. CHAPTER TWO pppppprrrrrtttt!!!! Malakas na Pito ni Sir Quinonez siya ang aming trainor/ professor napakahigpit buti na lang talaga at napakapagpahid ako ng lotion kasi masusunog ang balat ko kakabilad sa araw. Oo pang-umaga ang training namin 3 hours at may mga sunod pa kaming klase mamahang hapon ukit ng 3 hours.. Kaniya kaniya kaming jugging sa quadrangle, sinabayan pa nga ako ni Gino habang tumatakbo. Makita lang siya ni Sir Quinonez patay talaga siya.. "D-Deen!.." hinihiningal na tanong sa akin ni Gino. Ayoko sanang magsalita kaso tang*na ang bantot ng tawag sakin ni Gino. "Gerald ang pangalan ko hindi deen kaya don't call me Deen!" Hindi pa ako masiyadong hinihingal kasi sanay naman akong tumakbo at tsaka hello bago pa lang kami nagsisimulang tumakbo hinihingal na siya agad? Napailing na lang ako.. akala ko ay titigil na siya pero nagkamali ako. Matagal siguro yang pinaglabor ng kaniyang nanay kaya nasubrahan ng kakukitan. "Ayos k-kala lang ba hah? B-Baka ma-mahimatay ka biiglaa?" Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan na lang ang takbo kaya naiwan siya.. Ppprrttt!!! Napakunot ang noo ko kasi hindi naman siya ang trainor namin kundi si Sir Quinonez kaya bakit siya pumipito? Isa pa ay masiyado pa siyang bata para maging isang trainor. Eh halos kaedaran lang ata namin siya eh.. kaya sa halip na huminto ay nilagpasan ko lang ito at nagpatuloy lang sa pagtakbo.. si Gino nakita ko pang huminto at lumapit don sa lalaking pumito. Natapos ko ang isang ikot habang silang lahat ay nangagsiupo na.. Napailing na lang ako.. mga mahihinang nilalang... Tssssk.. Paghinto ko ay agad kong kinuha ang tubigan ko sa bag ko. "ATTEN..TION!!" Napangiwi ako ng maglead ang lalaking kanina'y nagpito sa amin pero tinapos ko muna ang pag-inum ko bago tumingin sa kaniya. Ang sama ng tingin sakin nung lalaking nagcommand na hindi ko naman binigyang pansin at ipinagpatuloy lang ang pag-inum. Siguro kung nakakasunog lang ang tingin niya baka kanina pa ako natupok sa kinatatayuan ko. Ano bang problema niya? Porke may hawak na siyang pito ay magsisiga sigaan na lang siya dito porke wala pa ang aming trainor? Ano assuming lang?? Lumapit ito sakin.. kaya nagkatitigan kami ng mata sa mata.. Infairness gwapo siya siguro senior student ito kasi hindi ko naman siya nakita sa classroom. Pero kahit na senior siya ay wala pa din siyang karapatang magcommand hangga't hindi siya pinahihintulutan ng aming trainor. "WHAT'S YOUR NAME??" Malakas na tanong nito sakin.. kahit sa pagsasalita nito ay naaangasan talaga ako.. pero dahil ayoko ng gulo ay sinagot ko na lang na parang walang kabuhay buhay.. mainis siya kung mainis magalit siya kung magalit.. parehas lang kaming istudyante dito kaya wag niya akong "Gerald..." hindi ko sana sasagutin aso baka magmukha naman akong walang manners. "FULL NAME?" Sigaw niya sakin na ikinapanteng ng tenga ko kaya kinuwelyuhan ko ito at inilapit ang mukha ko sa kaniya kaya halos magdikit ang mga ilong namin. Aaminin ko na nakaramdam ako ng kaba ng magkatitigan kami ng mata sa mata pero binalewala ko yun dahil masiyado akong nayayabangan sa kaniya. Hindi niya pa ako kilala kahit na mga junior student pa lang kami ay basta na lang magpapaapi sa kanilang mga senior high. Hindi ako ang tipo ng tao na binubully simula bata kahit pa bakla ako dahil walang nakakaalam na bakla ako dahil mas lalaki pa ako sa mga lalaki kong classmates noon. Isa pa hindi na ako sisikatan pa ng araw kapag nalaman yun ni Dad. "Anong problema gentlemens?" Tanong ni Sir Quinonez samin kaya padarag kong tinanggal ang kamay ko sa kuwelyo nung lalaki at bahagya itong itinulak. "Sir__" "_Your student here has a bad attitude can i give him a little punishment?" Putol niya sa sinasabi ko. Aaminin ko na nagulat ako sa sinabi niya dahil kung magsalita siya ay parang mas mataas pa ang posisyon kay Sir Quinonez. Ganito ba talaga siya magsalita? Parang maangas? Mahaba ang pasensiya ko pero bakit pagdating sa kaniya pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko sa kaniya? Hindi ko na lang siya pinansin pa sa halip ay kalmado lang akong nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa ang aking dalawang kamay. "Oh.. is that so?" Tumingin sakin si Sir Quinonez saglit bago bumaling ng tingin sa maangas na lalaki at tinapik ang balikat. Kaya napalunok ako bigla ng laway.. mukhang masama to ah! "Hindi mo na kailangan pa magpaalam sakin MSG Lewis! Dahil ikaw naman talaga ang kanilang trainor at hindi ako" Umalis na ito at pumunta sa mga kapwa ko classmates.. habang ako naman ay pinipilit na wag mapanganga sa mga narinig ko.. pakshitt talaga.. Isa pala siyang MSG? Ibig sabihin Master Surgeant siya? Pero ang bata pa niya para makamit ang ganitong kataas na ranggo. wow as in wow ang laki ng pinasok kong gulo. Pakshiters... ang malala pa ay siya pala ang totoong trainor namin at hindi si Mr. Quinonezz?? Nice.. nice Gerald.. "GERALDINE.. 20 PUSH UP WITHOUT BREAK!!!" Walang pakundangang sigaw niya.. napapikit ako ng mariin.. What the hell!!!! 20??? Grabe namang parusa iyon? Sabi niya little punishment tapos 20?? Nagpapatawa ba siya? Wala lang sakin ang 20 push up dahil sanay ako ron pero tang*na naman kasi hindi naman kasi agad siya nagpakilala kanina.. buwisit talaga... Wala akong nagawa kundi ang magpush up.. peste unang araw parusa agad? Kainis talaga... One Two.. .. .. 19 20.. Agad na akong tumayo.. "Mukhang hindi mo pa ako kilala! Ako si MSG Harry Lewis.. at ako ang inyong trainor simula ngayon.. ngayon magpakilala ka!" Maawtoridad niyang utos.. humuntong hininga muna ako dahil sa sobrang pagod, tagaktak ang pawis ko sa biglaang parusa na yun.. "AKO SI GERALDINE LARIDEL SIR!!" Malakas na sabi ko at narinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga kasamahan ko na hinayaan ko lang. "SHUT UP!!!" Sigaw ni MSG Lewis sa kanila bago pumaling muli ng tingin sakin na nakakunot ang noo. "Are you sure that's your name?" Tanong pa nito.. kung makashut up sa mga nagtawanan akala ko pa naman hindi na siya manghuhusga pero isa rin pala siya.. tsssk.. "SIR YES SIR!" .. Pang-umaga ang training namin kaya kay aga aga pawis na pawis na agad ako at hindi talaga ako sanay na matutuyuan ng pawis sa damit dahil kahit na babad ako sa training ay hindi ko nakakalimutang maligo pagkatapos ng training. At dahil medyo malayo layo ang dorm namin ay dito na lang ako maliligo meron kasi akong nakitang banyo malapit sa quadrangle. Sport ako dahil lagi akong may bitbit na pamalit sa bag ko, sabon at lahat lahat ng mga kailangan ko. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng banyo nasa pinto pa lang ako ay mabilis na aakong lumabas dahil hindi ko kinaya ang masangsang na amoy. Kaya no choice ako kundi maghanap muli ng banyo. Nakakita ako ng isang banyo na bukas ang ilaw sa di kalayuan at doon ay nagpasya akong pumasok. Napangiti ako ng makitang malinis at may kaniya kaniyang cubicle ang banyo. Nang matapos akong maligo ay naglagay na ako ng lotion palabas na sana ako ng banyo ng biglang kusang bumukas ang pinto at isang pares ng mata ang hindi makapaniwalang makita ako sa loob ng banyo na yun. Shhiit... Dug... Dug... Dug... Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko.. bakit palagi na lang akong kinakabahan tuwing lumalapit siya sa akin? Hindi naman siguro umiiral ang pagiging bakla ko di ba? Tumagis ang bagang ko sa pagpipigil hindi pwedeng maging mahina ang tuhod ko ngayon.. hindi ako marupok.. Nagkatinginan kaming dalawa palipat lipat ang tingin niya sa hita ko sa lotion ko sa mata ko at sa labi ko... Shitt.. kita ko ang pagtagis niya ng ngipin. Naseseksihan ba siya sakin? Pero imposible yun kasi malaki din ang muscles ko, baka naattract siya sa mapula kong labi at maamo kong mukhang pambabae. "WHY. ARE. YOU. HERE?" Mahina pero matikas na tanong niya sakin.. Napalunok ako ng ilang beses.. Shit.. galit talaga siya.. pansin ko lang ah.. lagi na lang siyang galit.. pero naisip ko kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong niya? Oo at mataas ang posisyon niya pero kailangan pa bang tanungin kung bakit ako nandito gayong obvious naman ang sagot. Malamang naligo.. Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang short ko na nakapatong sa balikat ko dahil tanging boxer at sando lang ang suot ko. Nang biglang higitin ako papasok sa loob ng cubicle ni MSG.. ilang inches lang ang pagitan ng mga mukha namin at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa may tenga ko na nagdulot ng kiliti sa katawan ko. "Anong g__" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan ng kaniyang kamay ang aking bibig kaya napasinghap ako. Ang bango ng kamay niya at dahil napasinghap ako ay kinailangan kong pakawalan ang hininga ko kundi mawawalan ako ng malay.. Dahan dahan kong pinakawalan ang hininga ko pero naramdaman kong bahagyang gumalaw ang palad niya sa bibig ko at tumingin siya sakin na salubong ang kilay kaya napatigil ako sa pagbuga ng hangin.. Kainis... Ano kasing problema niy__ "MSG ikaw ba iyan?" Nanlaki ang mata ko ng may magsalita sa labas ng cubicle... Kaya siguro niya ako hinigit kasi alam niyang may papasok.. "Ah oo!" "Teka.. sayo ba tong brown na pouch?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng tao na nasa labas. "Huh?? Ah.. oo .. akin na pre!" nagulat ako ng itulak ako ni MSG sa likod ng pinto bago niya ito buksan. "You know what pare... Meron akong nakitang istudyante mo na girly ang looks... Babae ba iyon? Or gay? You know kung babae yun then hindi dapat siya dito nag-enroll... kung gay naman siya then.. sabihin mo agad sakin.. !" Nakailang lunok ako sa pinagsasasabi nung lalaki... Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya nag-init ang bunbunan ko. Napakuyom ako ng kamao gusto kong lumabas at bugbugin ang hayop na lalaki na yun ng biglang pigilan ako ni MSG sa pagyakap niya ng mahigpit sakin. "Stay!" May kung ano akong naramdaman na kiliti sa loob ng katawan ko na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko alam kung anong meron kay MSG dahil sa isang salita niya ay huminahon ako at nakinig sa kaniya na obviously hindi ko gawain dahil tanging kay Dad lang ako sumusunod. Dahil sa pagkatulala ko ay hindi ko na namalayang nakaalis na pala ang lalaking kumausap kay MSG.. "Tandaan mo.. ito na ang una at huling beses na maliligo ka sa cr na ito.. understood?" Nanlilisik ang mata niya sakin.. "No!" Hindi siya makapaniwalang tumingin sakin. Lalabas na sana ako ng itulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa pader at napalunok ng ilang beses ng nilapit niya ng husto ng mukha niya sa mukha ko sa galit na expression. Pero bakit ganun? Kahit na galit siya i feel hot?? Shit.. what i am thinking?? I need to cut this bullshit.. kung kailangang awayin ko siya gagawin ko para lang hindi niya mahalatang nanginginig ang mga tuhod ko.. sobra na akong kinakabahan dahil sobrang lapit ng mga katawan namin.. "Maliligo ako kung saan ko gusto! No one can stop me!" Nginisihan ko pa siya at kitang kita ko kung paanong naggalawan ang panga niya dahil sa inis sakin. Ganiyan nga mainis ka sakin at ganun din ako sayo.. "You know what.. sa dami ng naging istudyante ko dito... Ikaw lang ang bukod tanging matigas ang ulo.." umangat ang sulok ng labi ko dahil sa sinabi niya. "At alam mo ba na dahil sa katigasan ng ulo mo.. diyan ka mapapahamak__" " mabaho kasi sa public at hindi ko kaya don maligo.. siguro naman valid reason na yun para payagan mo ako di ba?!" Putol ko sa mga sasabihin niya pero matalim na titig lanh ipinukol niya sakin habang tumango tango pero hindi pagsang-ayon kundi pagkainis bago tuluyang tumalikod. Napabuga ako ng isang malaking buntong hininga dahil sa sobrang kaba.. "Hoooh!! Muntik na ako don ah! Hehehe! Well i guess it's VICTORY???" ... Break time na kaya naman kinuha ko na ang baunan ko at kinuha ang baon kong kanin.. ayaw kong bumili sa canteen kasi di ko pa nakikita kung malinis iyon o hindi. Tumabi na naman sakin si Gino.. "Wow.. ang sarap naman ng ulam mo__ array!!!" Daing nito ng pukpukin ko ang kamay nang sandukin nito ang ulam ko gamit ang ginamit niyang kutsara. "Bakit ka ba namamalo?" Parang batang tanong nito na nakasimangot pa, samantalang mas matanda pa siya sakin ng dalwang taon. Tsssk.. "Do you know what privacy is?" Tiningnan ko siya ng walang kahit na anong emosyon. "Eh ang damot mo naman? Teka nga.. may itatanong ako sayo bakit mukha kang babae?.._Array!!" Daing niya ng titigan ko siya ng matalim. "Ang sakit mo makatingin, tigilan mo nga yan!" Inalis ko na ang tingin ko at nagsimula na ukit kumain. Akala ko ay tatahimik na siya pero hindi pa pala dahil mas lalo pang tumabil ang dila niya. "Bakla ka ba? _arrray!!" Napalakas ang sampikol ko sa inis buti na lang at hindi natanggal ang ulo. "SHUT UP OR YOU'LL DIE!" Madiin at masama ko siyang tiningnan, ayaw ko sa lahat ay yung timatawag akong b*kla dahil lang sa first appearance ko. Hindi porket mukha akong babae ay sasabihan na akong bakla, dahil kapag nakarating kay Dad paniguradong hindi na ako sisikatan ng araw. "Last na tanong! " Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang ito.. akala ko ay hindi na ito magtatanong pa pero nagkamali ako.. "Bakit pangbabae pangalan mo?" "f**k!!" Isang malakas na mura ang umalingawngaw sa loob ng canteen at ganun na lang ang gulat ko ng makitang si MSG Harry pala ang tinamaan ng kamay ko at malala pa ay napasubsob ang mukha nito sa kinakain niya kaya nagdikitan ang ulam at kanin nito sa mukha. Dahil nakatakbo pala si Gino at nandong tumatawa ng nakatakip ang bibig. Kumalabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba pero hindi ko yun pinahalata, kalmado pa rin ang hutsura ko na parang wala lang sakin ang lahat.. hindi dahil sa wala akong paki alam kundi dahil isa akong anak ng isang Retired Liutenant kaya hindi ako pwedeng magpakitang mahina at may kinakatakutan dahil yun ang palaging sinasabi sakin ng Dad ko. "Patay.. sino kaya yung maangas na lalaking yun?" "Oo nga hindi niya yata kilala kung sino yung binatukan niya!" Samo't saring bulungan ng mga istudyante.. dahil sa nangyare ay naging center of attraction kami. Muntik pa akong matawa nung mapatingin akong muli kay MSG, pinigilan ko lang dahil sobrang sama na ng tingin niya sakin, kung nakakasunog lang siguro ang tingin niya baka kanina pa ako natupok sa kinauupuan ko.. "What??.. It's Gino's fault!" Parang mas gusto ko pang matawa dahil sa sinabi ko kesa sa mukha ni MSG ngayon.. hahaha.. Pero tama naman ang sinabi ko ah.. hindi ko naman yun sinadya ah.. at saka kung meron mang dapat sisihin sa nangyare.. yun ay walang iba kundi si Gino at hindi ako. Hindi na ako tumingin pang muli sa kaniya pero ramdam ko pa rin ang makamandag niyang tingin niya sakin kaya tumikhim ako at kinuha ang tissue sa bag ko saka ipinatong sa harap niya. Kahit paano naman ay may awa naman ako.. Padaskal naman niya yung kinuha pero ramdam ko pa din ang sama ng tingin niya sakin.. kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko na kayang tumagal pa dahil baka totoong matupok na ako sa kinauupuan ko. Nililigpit ko na ang kinakain ko ng biglang hampasin ni MSG Lewis ang lamesa. Hindi naman ako nasindak sa paghampas niya, pero kasi halos lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa akin at may masasama ang mga tingin. "Hindi siya takot kay MSG.. sino ba siya?" Isa sa mga bulong bulongan ng mga katulad kong istudyante pero hindi ko na lang pinansin.. "Stay and finish your food!" Maawtoridad na utos ni MSG, at dahil gutom pa ako ay binuksan kong muli ang baonan ko at itinuloy ang pagkain na hindi tumitingin sa kaniya hindi ko na lang din pinansin ang mga bulong bulongan dahil masisira lang ang araw ko. ... Kasama ko pala sa kwarto si Gino, ang malas ko di ba? Akala ko sa classroom lang namin siya maggugulo pati pala sa kwarto namin.. nice.. siya ang Gusto ko sanang umalma dahil bukod sa makullit at madaldal si Gino ay isip bata din ito. Masasabi kong tama lang ang laki ng bed.. kasya dalwang tao pero take note lang hah hindi kami nagkatabi ni Gino. Magkahiwalay ang bed namin at may banyo sa loob ng room namin wala lang kusina kasi sa labas ang kainan ng lahat parang canteen na malaki. ÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷ Don't forget to FOLLOW me and vote po..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD