"May asawa at anak ka na?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Lyka matapos marinig ang sinabi ni Joymi habang naglalakad sila patungo sa cafeteria para kumain ng lunch. Tinanguan niya naman ito. "I am married for almost eight years now. May dalawa akong anak, going seven years old ang panganay ko na si Aeriya at going five years old naman ang anak kong bunso. Kaya nga kahit almost thirty na ako ay ngayon lang ako nakapag-start magtrabaho. Hindi ko kasi maiwan ang mga anak ko." "Pero in all fairness naman, Siz. Ang ganda pa rin ng figure mo. Plus, you even look younger than your age dahil nga medyo maliit ang shape ng mukha mo at ang fresh mo talaga. Paano mo nagawa iyan? Anong skincare routine mo?" sambit naman ni Mira. "Safeguard lang nga gamit ko, eh," tumatawang sagot naman ni Joymi. Hi

