Ngayong araw ay si Kaira naman ang bisita ni Joymi. Tatlong araw ring nag-stay roon ang mga magulang niya noong nakaraang linggo at talaga namang bahagya siyang kinabahan dahil tila ba ino-obserbahan ng ina ang pagsasama nila. Wala namang nabanggit ang mga ito bago umalis, kaya lang ay iba pa rin ang kutob niya. Si Kaira naman ay nag-file ng sick leave dahil tinamad pumasok. Kung minsan kasi talaga ay may topak ang kaibigan. Maaga pa lang ay naroon na ito at nakikipaglaro sa mga anak niya. Kaya naman ngayong nakatulog na ang dalawa ay saka pa lang sila nagkaroon ng oras makapag-usap. "Kamusta naman ang buhay single?" tanong niya rito habang nagmemeryenda sila sa sala. "Eto, kinakabahan na at baka tumandang dalaga. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala nagpabuntis na ako p

