Ngayong araw ang ikatlong taon na kaarawan ni Aeriya. Hindi na rin namalayan ni Joymi na mabilis na ring lumipas ang panahon. Naging gamay niya na talaga ang pagiging isang may bahay.
Pero aaminin niyang sa mga unang buwan at taon ay nahirapan siya dahil nga napupuyat siya sa pag-aalaga sa iyakin na anak at gumigising pa siya ng maaga para ipaghain ng breakfast ang asawa para naman may laman ang tiyan nito bago pumasok sa trabaho.
Sinasamantala niya lang din ang oras na tulog ang anak para magawa ang mga gawaing bahay tulad ng paglalaba at pamamalantsa. Pero nang kahit papaano ay magka edad na ang anak. Hindi naman na ito masyadong namumuyat.
Ipinagpapasalamat nga rin niya sa diyos na hindi na inaatake ng hika ang anak. Kung magtutuloy-tuloy iyon tutal kahit papano ay nakaipon na sila, pwede niya ng ikuha ng yaya ito at ipasok na lang muna sa pre-school para naman makapag trabaho na rin siya.
At least kapag nasa pre-school or daycare center ang anak ay kampante siyang safe ito at mababantayan. Stable na ang trabaho ni Franz sa Julian's Bakeshop, wala pang 6 months noon ay naging regular employee na ito. At dahil na nga rin sa pagiging hardworking ng asawa ay promoted na rin ito as supervisor sa department nila.
Yes, masyado ng busy ito ngayon kumpara noong sa firm pa ito nagtatrabaho pero bakas sa mukha nito na masaya ito sa ginagawa kaya naman hindi makakakitaan ng pagod. Masaya siya sa nararating ni Franz pero hindi pa rin naaalis sakaniya ang pagka-inggit.
Ayaw niya namang matapos na lang siya bilang isang mag-aaral. Gusto niya ring maabot ang mga pangarap niya. Gusto niya ring masubukang magtrabaho, at tulad ng asawa, gusto niya ring makaranas ng promotion at maramdaman ang ibang klase ng accomplishment sa tuwing naaabot yung mga goals at pangarap sa buhay.
Para sa kaniya, hindi hadlang ang pagiging ina para abutin ang mga pangarap. Kailangan lang talaga ng tiyaga sa paghihintay kung kailan darating ang panahon mo. And she's really hoping na sana talaga ay dumating na ang pagkakataon para sakaniya.
Syempre hindi rin naman siya makakampante kung basta kanino na lang niya ipagkakatiwala ang anak. Kaya kinausap niya na rin ang kaniyang ina at sinabi rito ang plano niya at suhestiyon nga nito na si Aling Teresa na lang din ang mag-alaga kay Aeriya. Nakakasama na rin kasi nila ito sa bahay sa pampangga noon, ito ang kinukuha ng kaniyang ina na labandera kaya naman kilala na nila ito at sigurado ring mapagkakatiwalaan at hindi pababayaan ang anak niya. Naghihintay lang din siya ng tamang pagkakataon para kausapin si Franz tungkol doon.
"Alas syete na wala pa si Franz. Madalas ba siyang gabihin sa trabaho?" bahagya pang napapitlag si Joymi dahil sa gulat ng bigla na lang sumulpot ang ina sa kusina.
Kasalukuyan siyang naghahanda para sa hapunan nila. Hindi kasi talaga magarbo ang selebrasyon ng birthday ng bata taon-taon dahil wala rin naman silang kakilalang maiimbitahan pero taon-taong lumuluwas doon ang mga magulang niya sa tuwing birthday ng apo.
"Kapag ganitong last week of the month ay busy po sila kaya madalas ang overtime," paliwanag naman ni Joymi bago ipagpatuloy ang pagsasandok ng kanin. "Si Aeri po? Nakatulog po ba?"
"Naku! Hindi. Nagkukulitan pa ang mag-lolo. Tuwang-tuwa ang bata sa regalo niyang music box," nakangiting sagot naman ng ina at saka kumuha ng mga plato para ilagay sa mesa.
"Salamat po sa pagbisita, Ma. Pasensya na kung hindi kami makauwi dahil wala namang mahabang bakasyon si Franz."
"Naiintindihan ko naman. Hindi bale at dadalasan na lang namin ang pagdalaw sa apo ko. Pero sana ay makauwi kayo sa pasko dahil darating ang kuya mo. Kahit sana sandali lang ay makumpleto man lang tayo. At gusto nga rin daw makilala ni Jordan si Franz."
"Hindi naman po siguro sasapakin ni Kuya si Franz, Ma 'no?" natatawang sambit ni Joymi nang ilapag sa mesa ang nasandok na kanin.
"Hindi tayo sigurado diyan at alam mo naman ang kuya mo. Minsan may saltik." Tumawa pa ang ina bago magtungo sa may refrigerator para kumuha ng inumin.
"Sa tingin ko naman ay magkakasundo silang dalawa. Alam niyo naman si Franz. Magaling makisama iyon, eh. Huwag lang sanang masindak kay Kuya."
Si Joymi naman ay ipinagpatuloy ang pagsandok. Ngunit ng buksan ang kaserola at maamoy ang chopsuey na iniluto ng ina ay bigla na lamang tila hinalukay ang sikmura niya at bigla siyang naduwal. Agad naman siyang dinaluhan ng ina at inabutan ng tubig.
"Anong nangyare sa'yo? May nararamdaman ka ba?"
Umiling si Joymi bilang tugon. "Bigla na lang kasing sumama ang sikmura ko dahil sa amoy ng chopsuey," nakangiwing sagot pa niya at saka tuluyang lumayo roon dahil pakiramdam niya talaga ay masusuka siya kapag nalanghap niya pa iyon muli.
Hindi kasi siya mahilig sa gulay kaya siguro ganoon. Inalalayan pa siya ng ina hanggang sa makaupo siya sa may sala. Pakiramdam niya kasi ay nangamoy na ang ulam sa buong kusina kaya lumabas na muna siya roon. Nang pakiramdam niya ay kumalma na ang tiyan ay napalingon siya sa kaniyang ina na ngayon ay titig na titig sakaniya habang tila malalim ang iniisip.
"Bakit, Ma?"
"Nagluluto naman ako dati pa ng chopsuey dahil paborito iyon ng papa mo pero hindi ka naman sensitive before sa amoy no'n."
"Hindi na kasi sanay ang ilong ko sa gulay, Ma. Mula nang lumipat kami rito ay hindi na talaga ako nakaamoy ng ganiyan kaya siguro nanibago ako."
"Gano'n ba 'yon?"
Napakunot-noo pa siya ng mapansing tila hindi pa rin kumbinsido ang ina sa sagot niya. Wala naman kasi siyang ibang maisip na dahilan kung bakit siya naduwal. Sadyang hindi kasi talaga siya fan ng mga gulay.
Tatayo na sana si Joymi para bumalik na sa kusina nang biglang matigilan at natutop pa nga niya ang bibig dahil sa biglang pumasok sa isipan. Nang lingunin niya ang ina ay tila sinusuri pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hindi kaya buntis ka?" maya-maya ang sambit na ng ina. Tila naman nabuhusan ng malamig na tubig si Joymi nang mapagtantong dalawang buwan na nga siyang hindi dinadatnan. Pero hindi pa rin naman siya makasiguro dahil nga irregular naman ang menstruation niya.
"H-Hindi naman po siguro, Ma. Ngayon lang naman ako naging sensitive sa amoy. Nagkataon lang po siguro," sagot niya at saka pilit na ngumiti.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon dahil nga kanina lang ay buo na ang loob niyang kausapin ang asawa para makapag trabaho na siya pero paano kung buntis nga siya? Ibig sabihin ay hindi na naman matutuloy ang plano niya. Kung buntis nga siya, baka sign na iyon na kailangan na niyang tanggapin na dapat ba lang siyang mag-focus sa pagiging ina at asawa.
Marahang ipinilig niya ang ulo dahil sa naisip. Hindi maaaring ngayon pa siya panghinaan ng loob. Papanindigan niya hanggang huli ang paniniwala niyang better late than never. At saka wala pa namang kasiguraduhan kaya hindi dapat siya agad matuliro. Birthday ngayon ng anak kaya dapat ay masaya lang sila.
At dapat ka naman talagang maging masaya kung buntis ka dahil blessing iyan. sita pa ng kabilang bahagi ng utak niya. Nagtatalo na naman tuloy ang isip at kunsensya niya.
"Sasamahan kitang magpa-checkup bukas bago kami umuwi at ang papa mo na muna ang bahalang mag-alaga kay Aeri."
Hindi agad nakaimik si Joymi sa sinambit ng ina dahil parang hindi pa yata siya ready sa magiging resulta. "Wala po bang importanteng gagawin si papa bukas?"
"Mas importante ang kalagayan mo. Alam mo namang naging maselan ang pagbubuntis mo noong nakaraan kaya hindi ako papayag na hindi ka makapagpa-checkup kaagad," giit naman ng ina kaya napikitan na lang na tumango si Joymi. May punto naman kasi ito. Ayaw niya rin namang malagay sa alanganin ang bata sa sinapupunan niya kung sakali man.
"Good evening po. Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakarating. May mga deadlines po kasi kaming hinabol."
Nagulat pa si Joymi sa biglang pagsulpot ni Franz. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito. Ibinaba nito sa mesa ang dalang cake at regalo at saka nagmano sa kaniyang ina at humalik sa kaniyang pisngi.
"Tamang-tama lang ang dating mo. Naghahanda na rin ako ng hapunan," sagot naman niya at saka ngumiti. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata niya.
"May problema ba?" tanong nito ng mapansin marahil ang panlulumo niya.
"Wala naman. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Parang gusto kong magpahinga muna," sagot niya nang lingunin si Franz. "Mamaya na lang po ako kakain. Kayo na po muna ang bahala kay Aeri, Ma. Sigurado naman din kasing magpipilit lang din iyon na matulog sa tabi niyo ni Papa. Matutulog po muna ako," baling niya sa Ina.
"Hindi ka na ba talaga kakain muna? Dalhan na lang kita ng pagkain sa kwarto."
Umiling si Joymi. "Hindi pa rin naman ako nagugutom dahil kumain naman ako ng spaghetti kanina."
"Ihahatid ko na po muna siya sa kwarto, Ma." Tumango na lang naman ang ginang.
Inalalayan siya ni Franz hanggang sa makarating sila sa silid. Inayos pa nito ang kumot niya ng makahiga na siya bago umupo sa may tabi niya at dinama pa ang noo niya to check her temperature. "Masyado ka na naman bang nagpakapagod ngayon araw? Pasensya na kung ginabi ako at hindi nakatulong sa paghahanda." His voice is filled with guilt.
"Wala ka namang dapat ihingi ng pasensya. Naiintindihan naman kita. Pero bilisan mo na ang pagkilos dahil kanina ka pa hinihintay ni Aeri. Umay na umay na nga sa akin iyon kaya ikaw ang hinahanap-hanap parati," biro niya nalang para kahit papano ay maibsan ang guilt na nararamdaman ng asawa.
"Baka nga hindi rin ako pansinin nang batang iyon, eh. Alam mo naman iyon kapag meron ang mga lolo at lola niya."
"Hindi ka sure. Kanina pa nga tanong ng tanong iyon kung nasaan na ang daddy, eh. Kaya puntahan mo na kaagad bago pa magtampo. Lalabas din ako kaagad maya-maya kapag ayos na ang pakiramdam ko."
Hinalikan pa muna siya sa noo nito bago magbihis at lumabas. Nang maiwan magisa si Joymi sa kwarto ay doon pa lamang siya nagpakawala ng malalim ba buntong hininga. Hindi siya makabalik sa kusina dahil iniisip niyang baka maduwal siya ulit.
Sa ngayon ay wala pa muna siyang balak sabihin kay Franz ang hinala nila ng ina. Bukas na lang siguro kapag nakumpirma na nila. At sana this time kung buntis man siya ay hindi na kasing selan nang sa una para naman hindi na siya makadagdag pa sa alalahanin ng lahat.