Nagliligpit na ng gamit si Franz dahil nga after lunch ay didiretso na siya sa Accounting Office para mag-audit kaya inaayos niya na rin ang mga dadalhin nang bigla na lamang sumulpot sa opisina niya si Maxinne. "Hi!" bati nito. "Yes, Ma'am? How may I help you?" tanong niya naman sa pinaka pormal na tinig habang patuloy pa rin sa pag-aayos. "Aalis ka ba?" tanong nito. "Oh, I'm sorry. Bawal nga pa lang magtanong kung saan pupunta ang auditor," dugtong pa ni Maxinne ng ma-realized ang nasabi. "Anyway, can you join me for lunch today? I'm still uncomfortable kasi sa mga tao sa paligid ko after what happened last week. Wala na akong iba pang mapagkatiwalaan bukod saiyo," biglang lumungkot ang tinig ng dalaga kaya naman napabuntong-hininga si Franz. "I'm sorry, Ma'am but I don't think I wil

