Magmula nang umalis si Verna, ang dating accounting manager ay halos kalahati rin sa accounting department ang unti-unting nag-resign dahil nga sa dami ng lumilitaw na problema. Pakiramdam marahil ng mga ito ay sinasakal sila ng COO at bantay sarado ang bawa't kilos at galaw ng mga tao sa departamento nila at higit sa lahat, natatakot ang mga ito na baka sila ang sumalo sa problemang iniwan ni Verna. And when the assistant manager submitted a resignation letter ay kaagad na ipinatawag ng COO si Franz para kausapin. At habang naglalakad nga patungo sa opisina nito ay mabigat na kaagad ang pakiramdam niya. Iyon kasi ang mahirap sa pagiging isang manager, ikaw ang sasalo sa lahat ng kasalanan at sisi kapag may nangyare o may nagawa ang mga taong nasa ilalim ng pamumumo mo. He took a very de

