"Mukhang masyadong mabigat ang dala mo ngayon, Boss, ah. Ano bang problema? Nagka-usap na naman ba kayo ni Ma'am Jen kahit na linggo? Nasigawan ka na naman ba?" tanong ni Gabriel sakaniya matapos siyang abutan ng isang lata ng beer nang mapansin na tila wala siya sa sarili. Kanina pa siya naroon sa bahay nito pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang pagtatalo nilang mag-asawa. Hindi niya talaga alam kung bakit bigla na lamang naging paranoid ito. "Problema sa pamilya, Pare. May hindi pagkakaintindihan ni misis," nakangiwing sagot niya at saka uminom. "Problema na nga sa opisina, problema pa sa asawa?" Umiling-iling pa ito. "Kaya ayokong magpatali, eh. Mahirap makisama sa babaeng walang konsiderasyon. Halos hindi ka na nga nakakatulog at nakakain ng tama dahil sa tambak

