Pakiramdam ni Franz ay pinukpok ng sampung bato ang ulo niya sa sobrang sakit nang nagising. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman marami ang nainom niya. Sadyang mahina lang talaga ang alcohol tolerance niya. Sa labis na kalasingan ay hindi na nga rin niya maalala kung paano ba siya nakauwi. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga ngunit ilang sandali pa siyang nag-stay sa may sala, habang nakaupo ay sinusubukan niyang alalahanin kung ano ang mga nangyari kagabi ngunit tila blanko talaga ang utak niya. Nang lumingon siya sa orasan na nakasabit sa may pader doon sa sala ay napangiwi siya. Alas singko palang ng umaga. Sayang naman ang isang oras pa sanang tulog niya. Dinig niya na ang mga tunog na nagmumula sa kusina kaya alam niyang gising na si Joymi at naghahanda ng agahan. Nagdadalawang i

