Pagkatapos kumain ay hindi pa muna agad na umalis si Franz. Nagstay na lang muna siya sa sala para magpalipas ng oras. "Bye, Daddy!" lumapit sakaniya si Aeriya at hinalikan siya sa pisngi. Dumating na kasi ang yaya ng mga ito para dalhin na sila sa eskuwelahan. Bihis na nga rin si Joymi at handa ng umalis. "Bye, Daddy," maya-maya ay sambit din ni Eros bago lumapit sakaniya para humalik din. "Makikinig ng mabuti kay teacher, ha? Huwag makulit at huwag makikipag away." "Yes, Dad!" sabay na turan ng magkapatid. "Very good." Hinalikan niya ang mga ito sa noo at pagkatapos ay tumakbo na pabalik sa yaya ng mga ito. "Mag-ingat kayo," bilin niya pa sa yaya at saka kumaway sa mga anak. "Salamat, Sir. Mag-ingat din po kayo," sagot naman nito bago sila tuluyang umalis. "Gusto mo bang sumabay

